IBINIGAY SA IBA

186 3 2
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

BINIGAY KO S'YA SA IBA SA ARAW NG KASAL NAMIN

"Happy second anniversary baby!" Binati ko ang 2 years boyfriend ko. This is our 2 years as a couple.

"Happy anniversary baby. Iloveyou." Bati rin n'ya sabay halik sa labi ko.

"Turn around, ibibigay ko sa'yo ang regalo ko." Excited na excited akong tumalikod. Ano kaya ang regalo n'ya?

"Pwede ka nang humarap." Humarap ako at napanganga ako sa nakita.

"Are you proposing on me?"

I can't describe what I am feeling right now. Ang saya saya ko na parang maiiyak.

"Celine, my love, my life. Will you marry me?" Tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"O-of course!" Hindi ako makapaniwala. Ang saya saya ko.

The love of my life, nagpropose na sa'kin. Magpapaksal na kami. Ang saya saya ko. Ang makasal sa minamahal ko ang tanging pangarap ko noon. Pero ngayon? Matutupad na ito.

"A-anak." Napalingon ako sa pintuan. Si mama, ang bata pa n'yang tingnan dahil bata pa s'ya mula noong pinagbuntis n'ya ako. Anak ako sa pagkadalaga. Mula noon, hindi na muling nag asawa si mama pero balita ko may kinatatagpong lalaki raw ito. Masaya ako sa para sa kanila.

"M-ma, ikakasal na po ako." Umiiyak akong yumakap sa kanya.

"T-tagala anak C-congratulations." Parang naluluha na saad ni mama sabay tingin kay Knox. She's just happy for us. I really really love my mom.

Inasikaso na agad namin ang kasal. Kahit pagod na pagod na ako worth it parin naman. Ang sarap sarap sa pakiramdam. Hanggang sa dumating ang araw ng kasal namin. Nakasuot na ako sa bridal gown ko. Umiiyak ako, sobra ang iyak ko habang hinahatid ni mama papunta sa harap kung saan andun ang mapapangasawa ko. Wala akong ama kaya si mama ang naghatid sa akin.

It's time for our vows. Si Knox ang naunang magsalita.

"Nagkakilala tayo, highschool pa tayo noon. Ang sungit sungit mo sa'kin kaya nagustuhan kita. Niligawan kita pero ang tagal tagal mo akong sagutin. Pero worth it naman dahil naging girlfriend ko ang isang babaeng katulad mo. Baby, Hope. Kahit anong mangyari pangako kong aalagaan kita hanggang sa walang hanggan. Mahal kita, gusto kong lagi kang masaya. Hope, ikaw ang nagbigay ng ilaw sa buhay ko. Ang dami kong problema pero dahil nand'yan ka nagagawa ko itong alisan. I love you baby." Sobrang lakas ng iyak ko dahil sa mga binibitawan n'yang mga salita. Ako naman ngayon ang magsasalita. Pinigilan ko muna ang hikbi at nagsalitang muli.

"Knox, ang tagal na nating magkakilala. Mahal na Mahal kita Knox, alam mo 'yan. Sinagot kita at yun ang isa sa mga pinaka tamang desisyon ko sa buong buhay ko. Napakaselosa ko, lagi akong nag ooverthink pero hindi mo ako sinukuan. Ang dami mong pinaintindi sa akin Knox. Naalala mo ba? It was our 1st anniversary kaya pinakilala kita kay mama. Nakita ko ang kinang sa mga mata mo. Ang saya saya mo. Mula noon lagi na tayong nagdedate sa bahay or pag nagdedate tayo lagi nating kasama si mama. Doon palang, alam ko na Knox. Diba sabi nila pag mahal mo ibigay mo ang gusto. Kaya pinapalaya na kita Knox, maging malaya kayo ni mama. Sabi mo noon sa akin Knox na gusto mo ng anak na kamukha at katulad ko, I guess matutupad 'yun pag nagpakasal kayo ni mama. Magiging stepdad ko ang exboyfriend ko. " Tumingin ako kay mama na gulat na gulat at umiiyak.

"Mama, mahal na mahal kita. Mula noon ikaw ang ang mag isang nagtaguyod sa akin. Pag may kaaway ako sinusugod mo sila para sa'kin. Pinilit mong maging ama at ina para sa'kin kasi iniwan tayo ng ama ko. Mama, mahal na mahal kita. Kaya kapag nakikita ko kayong nagsesex sa loob ng kwarto mo umiiyak nalang ako at hindi kayo iistorbohin. Umaarte na lang akong walang alam kasi baka iwan n'yo ako dalawa. Knox, kapag may pupuntahan ka pagkatapos ng date natin sinusundan kita at nakikita kong nagtatagpo kayo ni mama, nagdedate ulit kayo. Nakikita ko ang saya n'yong dalawa. Mama gusto kong bumawi sa iyo. Gusto kong suklian lahat ng paghihirap mo kaya ibibigay ko sa iyo ang pinakamamahal ko, si Knox. " Tumigil muna ako dahil halos hindi na ako makahinga sa kakahikbi ko. Nakita kong umiiyak na rin si Knox.

"Oo Knox, mahal mo ako pero hindi mahal na mahal kasi nagawa mo parin akong lokohin. Binigay ko ang lahat sayo, katawan at kaluluwa ko kasi mahal na mahal kita pero hindi pa pala sapat yun kasi nagawa mo parin akong lokohin kasama ng mama ko." Tumingin ako sa kanilang dalawa.

"Ma, Knox, mahal na mahal ko kayong dalawa. Malaya na kayo, let's break up Knox. Maging masaya kayo. Hindi na kayo magtatago para hindi mahuli. Mahal na mahal ko kayong dalawa. Ibibigay na kita kay mama Knox, alagaan mo mama ko ha? Mahal na mahal ko rin 'yan." Yun lang ang sabi ko at tumakbo sa labas ng pintuan. Pero bago pa ako makalabas nagsalita muna ako.

"Ingatan n'yo ang mga sarili n'yo habang wala na ako. Mama, Knox. I have an HIV. Habang sinusundan ko kayong habang nagdedate. Narape ako at napasa sa akin ang sakit ng taong iyon. Kahit mahal kita Knox kailangan kitang bitawan para sa mas ikakasaya mo at yun ay kasama ng mama ko.   Maging masaya kayong dalawa, goodbye.

********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

Fb writing account: Red Darmstatdium

COMPILATION OF ONE SHOTS STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon