"Arghhh! Putangina, sino kaba sa buhay ko Jade?" malakas na sigaw ko dahil palagi nalang itong nasa panaginip ko. Alas tres nang madaling araw akong dinadalaw ng lintik na panaginip na ito kaya pati asawa ko'y nabubulabog na sa sigaw ko.
"Love, ayos kalang ba?, napapadalas na iyan baka mabuti kaya na magpatingin kana sa doktor?" Nag-aalalang sambit niya sa akin habang ako kay humahawak sa ulo kong sumasakit.
"May kilala kabang Jade? Punyeta palagi ko nalang siya nakikita sa panaginip ko, palagay ko nasa langit na ako, Love." Pabiro kong sambit samantala ang aking asawa ay sumama ang tingin sa akin.
"Love baka kabit mo iyan , huwag mo ako ipagpapalit Love hindi ko talaga kakayanin kapag iniwan mo ako." At bigla akong niyakap. "Wag muna isipin iyan Love, matulog kana ulit at hayaan mong kantahan kita ng bahay kubo para makatulog ka."
Dahil sa sinabi niya ay agad ko siyang hinampas sa braso.
"Aray naman Love, ang lalim kasi ng iniisip mo, natatakot na ako sayo Love." Palambing niya sa akin kaya eto dahil sa karupukan ko, sumunod na akong matulog sa kanya.
"Tara na matulog na tayo, ayoko marinig ang boses mong sirang plaka at boses palaka HAHAHAHAHA!." kaya agad din pumikit ang aking mga mata.
At sa ikalawang pagkakataon na aking pagtulog, nagpakita ang isang magandang babae na tumatawag sa akin at sa puntong iyon , hindi ako makagalaw hanggang sa naaninag ko na ang kanyang mukha. Hindi ko na alam ang gagawin ko, palagay ko, nasa langit na ba ako?

BINABASA MO ANG
Back Into My Love Again
Short StoryBack Into My Love Again Ang kuwentong ito ay nagpapatungkol sa isang babae na ang tanging hangad lamang sa buhay ay masagot ang kanyang mga katanungan nasa ilang taon niyang pinagdurusa dahil lahat ng tao sa paligid niya ay pinaglilihiman ito maging...