Michaelo Point of View
Nandito ako sa bahay kung saan umiinom lang naman ako ng alak pampatulog. Pero nagulat ako nang dumating si papa.
"Anak, kararating mo lang ba?"
"No dad, Isang oras na ako nandito teka, It's midnight bakit gising pa kayo?"
"I just want to tell you something, but you promise na hindi ka magagalit sa amin ng mama mo."
Malakas ang kutob ko na tungkol ito sa arrange marriage nanaman diko alam kanino ako ipapakasal except nalang doon sa babaeng minamahal ko.
Ang isang Unica Hija ng Paracuelles, Maria Louisse Paracuelles.
Hindi ko namalayan na nakatulala ako sa kisame kaya nakalimutan ko yung sinabi ni papa sakin.
"Hey! Zayn! Ano ba yan nakatulala ka nanaman sa kisame? Wag mong sabihin na tututol ka sa gusto namin ng mommy mo para sayo!" Mataas na boses ni papa.
"Paano kung tutol talaga ako papa? May magagawa po ba kayo?" Medyo uminit ang tensyon namin ni papa dala din ng alak na iniinom ko kaya biglang dumating ang mommy ko.
"Ano ba kayong dalawa, sa kalagitnaan ng gabi talaga kayo magbabangayan? maawa kayo sa mga natutulog ha!" "At ikaw!" Sabay turo sa akin ni mama. "Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka kay Louisse naiintindihan mo?"
"L-louisse? Mama tama ba pagkakarinig ko? Yung nagiisang anak ng Paracuelles?" Paglilinaw ko.
"Oo anak , teka bakit nagtataka ka? Huwag mong sabihin hindi sinabi sayo ng daddy mo?" Biglang sumabat si papa.
"Ah kasi... nakalimutan ko sorry na."
"Tanga mo talaga Mike kahit kelan! , may kumpanya pero mahina magpaliwanag sa anak tsk! Matulog na kayong dalawa at baka ibato ko sa inyo yung bote ng alak na iniinom niyo.!"
Natawa nalang ako kapag ganyan ang batuhan nila ni mama ng salita kaya sila nagkasundo. Napangiti ako nung malaman ko na Louisse pala ang ipapakasal sakin, pero biglang may pumapasok na tanong sa isip ko.
Matatanggap niya kaya ako at mamahalin? Alam ko naman na si Jade parin ang mahal niya hanggang ngayon. Pero gagawin ko lahat para mahalin niya ako pabalik. Aantayin ko hanggang sa piliin niya rin ako.
Ako pala si Michaelo Zayn Dela Mundo, totoo anak ako ng Dela Mundo sina Mike Dela Mundo at Zenia Dela Mundo. Hindi ko masabi na Gwapo ako kasi totoo naman, mahangin talaga ako pero kapag nagmahal ako Isa lang talaga. Tapos din ako ng Pag aaral bilang Architect. 37 na ako totoo yun. CEO ako ng mismong kompanya namin , at laking pasasalamat ko nalang na nahahandle ko ng maayos ang Kompanya na pamana ng magulang ko. Pero mas naging masaya ako nang nalaman kong si Louisse ang ipapakasal sa akin.
Can't wait to be her husband and to proof that im worthy and the best. I love Louisse so much. Pero iba ang laman ng puso niya, at hindi ako yun.
Sa kaiisip ko, naubos ko na yung alak na iniinom ko kaya nakatulog ako. Around 3:30 am may tumatawag sa kwarto ko, si Mama pala.
"Michaelo, wake up! please wake up!" Paggising ni mama sa akin.
"Mom , katutulog ko lang bakit ka nanaman nang istorbo? Pumayag na ako sa kasal eh."
"No, it's not about the wedding, pero tungkol kay Louisse." Naluluha si mama.
"What happened to her mom?" Kinakabahan ako sa sasabihin ni mama.
"Go to the hospital at puntahan mo si Tita Marie mo dahil sinugod kanina si Louisse please do that for me anak. I can't go because of your daddy."

BINABASA MO ANG
Back Into My Love Again
Short StoryBack Into My Love Again Ang kuwentong ito ay nagpapatungkol sa isang babae na ang tanging hangad lamang sa buhay ay masagot ang kanyang mga katanungan nasa ilang taon niyang pinagdurusa dahil lahat ng tao sa paligid niya ay pinaglilihiman ito maging...