Part 7: Mama Tugma Diyosa o Sumpa?

1 1 0
                                    

Louisse Point of View

Nagising nalang ako na nandito sa tabi ni Milo at nagulat ako na:

Nakayakap siya sakin? Omg baka ninakawan niya ako ng halik! Teka ano bang nangyari sakin? Bakit ako napunta dito?

Pero hinayaan ko nalang siya, pero nagulat ako na gising pa siya alasdose na ng madaling araw.

"Bakit gising kapa? Magpahinga kana muna, promise hindi kita ninakawan ng halik sa labi kung iyan ang iniisip mo, nirerespeto ko parin ang hiling mo at aantayin ko na maging handa ka."

Bigla ko siyang naitanong at inilihis ang sinasabi niya tungkol sa kiss na yan.

"Ano bang nangyari sakin kanina? Parang nandoon pa ako sa Reception kumakain ng cake tapos nandito ako sa kwarto, Wow! Ang talented ko naman."

"Napakalakas ng imahinasyon mo, malamang binuhat kita dito kasi sumasakit nanaman ulo mo at nawalan kapa ng malay, sinong asawa ang hindi matatakot? At hindi ka nakakakain ng cake dahil bumagsak ka sa sahig. Mukhang napapadalas na ang pagkakamalimutin mo ha." At tumabi siya sakin at niyakap ako. "Sige na matulog kana, wag kanang mag alala babantayan kita."

"Sige , pero after kong matulog , sumunod kana din ha. Salamat sa pagbantay kahit alam mo naman na--"

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita ulit.

"Love naman, kahit hindi mo pa ako mahal, aantayin ko. Ipaparamdam ko sayo araw araw na espesyal ka sa buhay ko. Darating din naman ang araw na mamahalin moko at kapag nangyari yun, ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo, kaya matulog kana." Sabay halik sa noo ko. " I love you Louisse."

Sa Totoo lang, alam ko ang nangyari sakin, pinalabas ko lang na hindi ko alam para isipin niya na mamamatay na ako. Ewan ko ba bakit ganito ang iniisip ko. Hanggang ngayon iniisip ko kung kailan ulit magpapakita sakin yung Magandang babae sa Reception kanina, medyo natakot ako kasi nagsalita siya.

At Nakatulog na ako habang lumalalim ang pagtulog ko, bigla akong nanaginip at hindi ko ito inaasahan.

Ano ba Jade! Parang tanga naman tignan mo sarili mo pawis kana halika na dito!

Opo kulet naman eh simpleng pawis lang 'to parang hindi ka sumasayaw ha!

(Pinunasan ang pawis ni Jade)

Kapag kasi sasayaw ka, maglagay ka ng panyo sa likod ayos ba kulet? Makulit kana nga , kukulet kapa kulet kulet kulet!!

Halika dito Louisse may ibibigay ako sayo.

Ano yan? Teka, kwintas? Anong nasa loob?

Sandali lang naman kulet atat ka naman buksan yan eh! Oh ayan, kuwintas na may litrato nating dalawa dapat palagi mong suot yan ha lalo kapag pumunta tayo sa Siargao. Yung sulat, sa bahay mo na lang buksan para kiligin ka araw araw.

Baliw ka talaga kahit kailan pero mahal na mahal kita Jade.

Mas mahal na mahal kita Louisse hanggang kamatayan, hindi magbabago pag ibig ko sayo. Isuot ko muna ang kwintas sayo. Ayan ang ganda mo sobra Louisse maganda kana, mabuti pa ang kalooban mo.

At niyakap ako at hinalikan ang noo ko.

Ang noo ko? Yawa sino kaba talaga sa buhay ko!!

Nagising nalang ako bigla sa napanaginipan ko hinalikan ako ng Lintik sa Jade Sa panaginip ko? Hindi ako mapaniwala.

"Arghhh! Putangina, sino kaba sa buhay ko Jade?" malakas na sigaw ko dahil palagi nalang itong nasa panaginip ko. Alas tres nang madaling araw akong dinadalaw ng lintik na panaginip na ito kaya pati asawa ko'y nabubulabog na sa sigaw ko.

Back Into My Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon