Part 2 : Arrange Marriage

4 1 0
                                    

Louisse Point of View

Pagpasok ko palang sa kompanya namin, nakaramdam ako agad ng lungkot sa mga mata ng mga katrabaho ko. Pakiramdam ko, may hindi sila sinasabi sa akin na problema. Pero nakarinig ako ng isang bulungan ng mga tsismosa na grupo ng mga babae sa gilid.

"Alam mo ba, narinig ko sa meeting kanina na babagsak na ang Paracuelles Incorporated? Paano na tayo nito? Anong gagawin natin? Dito nalang pag asa ko makatrabaho at tustusan mga kapatid ko." Sabi ng isang nakashort hair na Mayan ang pangalan.

"Wala tayong magagawa Mayan panigurado, hahanap tayo ng malilipatan na trabaho." Sabi ni Arlene.

"Bahala na si batman kung saan tayo pupulutin nito." Sabat ni Krisha.

"At sino naman nagsabi sa inyo na mag tsismisan kayo diyan sa oras ng trabaho aber? Magsibalik na kayo sa mga trabaho niyo!" Sabat ko sabay pumunta ako ng Comfort Room para makapag ayos ng sarili.

"Shete naman, ano ba kasing nangyayari sa lintik na kompanya na 'to?" Halos padabog kong sambit nang may bigla akong narinig na boses na tinatawag ang pangalan ko at tinig yun ng isang babae.

"Louisse, Halika Louisse lumapit ka sa akin." Tinig na umuugong sa CR.

"Tanginamo! wag mong gamitin ang pangalan ko kung sino ka man na nilalang ka at wala akong panahon para makipaglaro ako ng tagu-taguan sayo. Nagdadrugs kaba? Sira ba ulo mo tsh!"

Nababaliw na yata ako dahil kausap ko sarili ko nang may biglang kumalabit sa akin.

"Ay potanginang palaka! Ano ba Cley, pwede ba tawagin mo ako bago ako kalabitin? Natatakot na ako sayo eh.!" Pagdadabog ko.

Oo yung kumalabit sa akin , siya si Chlea Blythe Saturno "Cley" for short bestfriend ko na nagtatrabaho din sa kompanya namin. Short world hindi ba? walang iwanan peksman mamatay man Friendship goals eh.

"Sorry Louisse, parang timang ka kasi diyan kausap mo ang salamin tapos tulala kapa, ano ba kasi laman ng utak mo at hindi ko mabasa?" Panimula niya.

"Minumulto na yata ako Cley dapat naba ako pumunta sa simbahan na tuwing linggo? Baka sakaling tanggapin ako sa Langit, may plus 10 incentives naman ako eh."

"Gago ka talaga, kahit may incentives kapa, masamang damo ka remember? Hindi ka matatanggap sa langit -10 ka dun sa impyerno bagsak mo boplaks HAHAHAHAHA!" Sabay hampas sa kanya sa balikat.

"Aray naman Louisse parang hindi kaibigan tsh plastik charot. Pero hanep ka Louisse, isang taon kang natulog pero buhay kapa? Akala ko talaga dikana magigising hayop namiss kita!" Drama niyang plastik chos.

"Hindi kita namiss ayoko na sayo tara tapusin na natin yung lintik na trabahong 'to baka sakaling gumanda ang pakiramdam ko." 

At natapos na din yung trabaho namin na sobrang bigat daming papeles na dapat i-encode para sa report na gagawin sa susunod na linggo.

___________________________________________________________

Nakauwi na ako ng bahay nang marinig ko ang pagtatalo nila papa at mama sa bahay.

"Ruther naman, hindi magiging masaya ang anak natin kung ipapakasal natin siya sa taong hindi niya mahal." Wika ni mama na nag aalala para sa akin.

"Marie, tingin mo ba gusto ko itong nangyayari sa buhay natin at sa kompanya? Hindi pero kung ito ang sasalba para mabuhay tayo, maiintindihan tayo ng anak natin." Sabat ni papa na hinihingal na kasasalita at bigla akong sumabat at nagulat sila na makita ako.

"Wala naman akong magagawa kahit hindi ko kagustuhan ito, mangyayari parin ito. Narinig ko lahat sa trabaho na babagsak na ang kompanya niyo este natin pala." Sabay na pumatak ang mga luha ko.

"Para sa iyo naman ang ginagawa namin sayo Anak , para sa kinabukasan mo." Wika ni papa sa akin.

"Para sa akin o para sa sarili mo? Papa, wala kanang ibang ginawa kundi makipagsosyo sa mga kakilala mo, kumain sa mga engrandeng kainan para makipag sabayan sa kanila. Bakit natatakot ba kayo kung bumagsak ang lintik kompanya ni--." Hindi na pinatapos ni papa ang sasabihin niya nang bigla akong sinampal ni papa.

"Napakawalang galang mo Louisse, Hindi mo na binigyang respeto ang mama mo sa ginagawa mo." Sabi ni papa na naiiyak na din.

"Papa, Minsan mo nang naabot ang langit, Umabot kana sa mga butuin. Pati ba naman kalawakan ay gusto niyo pa'ng abutin? Bakit hindi mo subukan na bumagsak sa lupa para naman maranasan natin magsikap at maghirap? Papa, hindi ko naman kailangan 'yan eh." Naluluha na ako.

"Ikaw , kayo ni mama ang kailangan ko. Hindi na natin kailangan ng kompanya para yumaman, ako na bahalang magtrabaho para sa ating lahat. Huwag naman umabot sa ganito na kailangan niyo akong itali sa isang relasyon na hindi ko kailanman magagampanan." At natahimik si papa sa sinabi ko. Pero biglang nagsalita si mama.

"Anak, naisa-ayos na nang mga Dela Mundo ang mga papeles sa pagpapakasal ninyo. Tumulong na din ang papa mo kahit labag sa kalooban niya, pero para din sayo ito anak sana patawarin mo kami." Umiiyak na sambit niya.

"Wala na bang ibang paraan? Baka naman meron pa utang na loob mama malungkot na buhay ko magiging mas malungkot pa!"

"Patawad anak wala na kaming magagawa." Naluluha na sabi ni mama.

"Napakaselfish niyo Ma at Pa sa totoo lang, pero dahil mahal ko kayo, isasantabi ko ang kaligayahan ko mailigtas ang kompanya na ito na hindi ko alam kung may naitulong ako dito o wala. At wala din akong magagawa kahit ihinto ko ang pagpapakasal sa kung sinong letche na lalaking yan." Tumayo ako ng maayos at tumindig.

"Pumapayag ako mama at papa na ipakasal sa kung sinong tao iyan, kung kinakailangan kong magsakripisyo gagawin ko kasi mahal na mahal ko kayo dahil pamilya ko kayo." At hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak at niyakap ako ng mama at papa ko.

"Louisse , pasensya na kung naging makasarili ang papa sa iyo, pati ang kaligayahan mo na dapat malaya ka eh, pinagkakait pa namin sa iyo ng mama mo. Patawarin mo kami anak. Babawi kami sayo at Mahal na mahal kita anak." Lumuluha na sambit ni papa sa akin.

"Ipinagmamalaki ko na may anak akong umiintindi sa amin. Anak hindi kami nagsisisi na pinanganak ka sa mundong ito." Sabi ni mama na naluluha din.

At nagyakapan na kaming tatlo, gusto kong sumama ang loob ko sa kanila pero ang puso ko kahit malungkot na ang buhay ko, iniisip ko parin sila dahil sila ang buhay ko at mahal na mahal ko sila.

Kung hindi lang para sa kompanya natin, hindi ko ito gagawin. Mahal na mahal ko kayo Mama at Papa.

Matapos ang nangyari ay pumayag na din akong ipakasal sa kung sino man na taong yun. Pumunta ako sa kuwarto at nagpalit ng damit sabay pahinga para matulog.

Kahit anong higa , dapa , tagilid ay hindi ako makatulog. May bumabagabag sa isip ko lalo pa na naisip ko kung sino yung Jade Keiron na yun at wala akong kilala na Amatura dito. Laking gulat ko nang may kumikintab sa aking Aparador at tinignan ko iyon,  nangangatog ako pero nilakasan ko ang loob ko para mabuksan ang nilalaman ng aparador ko, bumungad sa akin ang isang kuwintas na may orasan at litrato nang isang matipunong lalaki. At may maliit na papel na nakalagay.

"Jade Keiron Amatura ay para lamang sa kanyang minamahal na si Maria Louisse Paracuelles, palagi kitang mamahalin Louisse. Ang kuwintas na ito ay sumisimbolo na "Walang Iwanan, Magpakailanman Hanggang sa Wakas at Kabilang buhay." Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Mahal na mahal kita."

Jade Keiron.

Nang matapos kong mabasa itong liham nang lintik na Jade na ito ay sumakit ulit ang ulo ko, pinilit kong hindi sumigaw pero hindi ko na nakayanan kaya napabagsak nalang ako sa sahig at nawalan ng malay.

Back Into My Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon