Part 10: A day with my Great Love (JadIsse)

8 2 0
                                    

A/N : Hi mga sabog sorry for how many weeks ngayon lang ako nakapag update ayun kasi busy ako sa taong hindi naman ako pinili HAHAHAHAHAHA but i want to make sure na makakaupdate na ako totoo na 'to hehe.

Dedication : JPANaMahiligSaTwice

Louisse Point of View

Ang tagal kong natulog, pakiramdam ko hindi ako puyat ng mga oras na 'to pero sa kabila nang lahat ng nang iyon, lagi parin akong binabagabag ng mga sinabi ni Jade sa akin sa dagat bago kami nakauwi sa bahay nila.

Mabuti naman at marunong kana magmahal ng iba.

Susulitin ko ang oras na 'to para sa pagbalik mo, may baunin kang alaala pagbalik sa mundo ninyo.

Hindi ko alam kung nakakataka ang kilos niya o sadyang ganun lang niya madaling sabihin ang ganoong bagay sa akin. Palagay ko, may hindi tama sa nangyayari pero hindi ko naman ulit matandaan kung ano ito, pero kahit sa pag-alala na kung sino si Jade sa buhay ko, ayun ang pinakamagandang alaala na babaunin ko pagbalik ko sa mundo ko.

Sa sobrang sarap ng tulog ko, hindi ko na namalayan na umaga na pala saktong alas syete ng umaga nakita ko sa relo na tinutulugan ko pero paggising ko, wala na si Jade sa kuwarto.

teka? saan nagpunta yun? iiwan nanaman ba niya ako?

Hindi ko siya mahagilap sa buong tinutulugan ko at maging sa banyo, hinanap ko na siya pero wala talaga siya kaya naman mabilis akong kumilos at lumibot sa buong bahay nila.

Halos mapanganga nalang ako sa malaki nilang bahay na halos kasinglaki din ng bahay namin sa mundo ko.

Namimiss ko na kayo mama antayin niyo ako bumalik.

Saktong sakto bumungad sa akin ang kusina syempre ang tulad kong si Louisse ay hindi papahuli sa pagkain hehe. Pero laking gulat ko na halos luto na ang mga ito napasigaw nalang ako sa kusina.

"Ano ba yan, wala na akong naitulong, halos luto na 'to." Nalulungkot na sabi ko maya maya lang ay may nagsimula nang magsalita sa likuran ko.

"Magandang umaga kulet, hehe pasensya na, hindi na kita inabala sa pagtulog, grabe kasi mukha mo tulog mantika ka talaga HAHAHAHAHA." Tumawa siya ng malakas at bigla ko itong hinampas sa braso.

Mang asar kalang wala kang makikitang louisse dito hmpk.

"Aray naman Louisse, sorry na binibiro lang kita. Ang seryoso mo kasi sa buhay. Hindi ka naman ganyan nang nawala ako sayo kasi na--- este umalis ako para sa atin , para sa future natin para mapatunayan ko na deserve ka sa akin." Emosyong sabi niya

And the marupok hits me again.

"Alam mo, hindi mo naman kasi kailangan na patunayan ang sarili mo sa pamilya ko." Sabay hinawakan ang kamay niya. "Kahit may kayamanan ka, o mahirap ka, palagi kitang pipiliin. Hindi naman pera ang iniibig ko kundi ikaw Jade, ikaw lang. Sapat na sa akin yung simpleng buhay basta tayong dalawa ang magkasama at palagi mong tatandaan, hindi man sumakto ang panahon para sa ating dalawa, kahit iba ang mundo mo sa mundo ko, ikaw lang ang mamahalin ko hanggang dulo." Sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

At agad din niya akong niyakap nang mahigpit at hinalikan ako sa ulo, papunta sa ilong at papikit na sana ako nang bigla niya akong pinitik ang noo ko at bigla siyang natawa.

Naiinis ako sa tawa mo itigil mo na pls lang grr.

"Diba ang sabi ko kulit, Hindi kita hahalikan hangga't--" hindi ko na pinatapos sasabihin niya nang ako na ang nagtuloy.

"Nang hindi pa tayo kasal!" Sabay tampo mode. "Alam ko naman yun eh. Kahit dampi lang kulit bawal padin?"

Sabay niyang hinawakan ulo ko sabay kinotongan.

Back Into My Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon