Part 9: The Encounter

8 2 2
                                    

Louisse Point of View

Tumakbo ako palayo basta hindi malapit sa kanya basta malayo. Hindi ko na napigilan umiyak dahil nakita ko na ang matagal nang gumugulo sa panaginip ko.

Akala ko kapag nakita na kita, handa na ako pero bakit hindi parin.

Lalong sumakit ang ulo ko nang makita ko siya, hindi ko na maitago sa sobrang sakit halos pahihirapan ako nito.

"Argghh! Aray tangina! Nakita ko na siya pero bakit hindi ko parin siya matandaan gusto ko nang itanong lahat sa kanya pero bakit natatakot ako?" Nahihilo na ako sa puntong iyon, babagsak na ako pero nagulat ako ng sinalo ako ni Jade.

"Louisse, ayos kalang ba? Hindi maganda ang pakiramdam mo magpahinga kana muna." Alam kong malungkot ang mata niya at unti nalang iiyak na siya pero sadyang pinipigilan niya para hindi ko makita.

Hindi na ako umarte pa, binuhat niya ako ng bridal style at nagtaka ako bakit hindi ako umaangal o nagrereklamo, kung sa tutuusin, mas komportable ako sa mga ginagawa niya.

Gusto ko naba siya? Hala naman ngayon palang kami nagkita at nagkakilala mahal agad?

Nang maayos na pakiramdam ko, nagpatanggal na din ako sa pagkabuhat niya naglakad kaming dalawa sa malalim na gabi pero ilag sa isa't isa siguro nabigla din siya na makita ako. Maging din sa sarili ko pero yung katawan ko ang kusang lumalapit sa kanya.

Shet this is happening again not now please im not ready give me a seconds.

Narating  namin ang isang may tent na may bonfire at sigurado akong sa kanya iyon, kaya pinaupo niya ako at umalis muna siya habang kumukuha ng iinumin naming dalawa.

At ako? Eto , nakatanaw sa dagat pati sa liwanag ng buwan. At bigla akong napaisip.

"Talaga bang nakita ko siya dito? Pakiramdam ko, hindi ako naglakbay sa nakaraan ng maraming taon para mahanap at makita siya, iniisip ko na nasa kasulukuyang panahon ako pero hindi. At mas lalo kong ginugustong manatili dito at parang ayaw ko na umalis sa kanya." Sabay ngumiti ako ng totoong ngiti na hindi pilit kundi ngiti na may tuwang nadarama.

"Buti pa ang buwan, nakasentro sa akin ang liwanag nito na para bang ako lang ang nakikita niyang pinakamaganda sa paningin niya."

Nagulat ako nang magsimula siyang magsalita si Jade mula sa Likuran ko.

"Ako din, Saksi ang Liwanag ng buwan kung gaano ka kaganda pati ang dagat kung gaano kalinis ang kalooban mo." Pagpanata niya dito.

Ano kayang iniisip niya ngayon?

Sabay binigay niya sa akim ang isang canned juice.

"Salamat." Naiusal ko sabay ngiti ng matamis.

Nagulat ako ng narinig ko siyang natawa.

"Tsh kahit kailan talaga, ang mga ngiti mo ang kasiyahan ko tuwing malungkot ako, hindi ko malimutan sa buong pagkatao mo iyan dahil ikaw ang buhay ko Louisse." Bigla siyang naging seryoso sa pagtitig sa akin.

Buhay ko? Bakit sumasanib kaba sakin?

"Alam mo bang antagal kong hinintay ang pagbabalik mo?" At nagsimula siyang lumuha.

Ang pagbabalik ko? Matagal ba akong umalis? Teka hindi ko naiintindihan ay basta makikinig ako punyeta talaga.

"Nangulila ako sa pagbabakasali na makita ko ang presensya mo ngunit nabigo ako. Pero habang wala ka, ginawa ko ang lahat para makuha ka, naging matagumpay ako, umasenso, natustusan ang hirap ng pamilya ko. At ikaw nalang ang kulang sa buhay ko." Mas lalo siyang naging emosyonal.

Back Into My Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon