Louisse Point of View
June 30, 2013
Isang dekada na mula nang lumabas ako ng hospital, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Ang sabi ni mama natulog lang daw ako akala nila hindi na ako magigising pa dahil tanging makina na lamang ang sumusuporta para mabuhay ako. Pero noong mga panahon na 'yon, wala akong naaalala kahit isa, pilitin ko 'man ang aking sarili, sumasakit lang ang ulo ko. Edi huwag na lang alalahanin tsh.
Ganyan talaga ako mag-isip, kung ayaw ng isang bagay para sa akin, edi huwag. Kung gusto naman, edi push. Nagpapaka-praktikal ako para iwas iisipin at ayoko ng stress sa buhay.
Gigising nanaman ako para pumunta sa demonyong kompanya ng Pamilya ko, ayoko talaga magtrabaho sa ganito, unang tingin ko palang sa mga tao , napaka-arte na agad nila ang sarap sampalin ng kabilaan. Mas gusto ko pa sa bahay nalang magtrabaho kaysa dito puro nakakaistorbo lang nakikita ko o kaya naman matulog kesa pumasok sa trabaho.
"Hello Philippines and Hello World!." Panimulang bati ko sa sarili ko sa salamin.
Parang tanga diba? Oo tanga talaga at praning pa. Pero dahil nakaramdam ako ng katamaran, naisip ko muna na umiglip dahil maaga pa naman at alas-diyes ang pasok ko. Pero paiglip palang ako, may bigla nang kumatok sa kwarto ko.
"Louisse, bumangon ka-- " pinutol ko na agad ang sasabihin niya baka dumami ang sermon niya.
"Opo, kikilos na po ako sandali lang." Tugon ko.
Nag-ayos na din ako ng gamit, nagpunta sa banyo para maligo , nagbihis at bumaba na din ako papuntang hapag-kainan upang makakain na ng almusal.
"Eto si mama, kahit kailan ang hilig akong bulabugin, bababa naman ako eh." Bulong ko sa sarili ko.
"Narinig ko yan Louisse ha, Aba! Unang araw mo palang na trabaho sa kompanya natin, nagpapahuli ka nanaman, hindi kana prinsesa. Trenta-Sais anyos kana ang tamad mo parin." Sermon ni mama sa akin.
"Mama, kakain nalang ako, sesermon kapa diyan? Eto na nga oh, fresh from CR at Model sa kwarto ang anak mong maganda. At hindi ako tamad , i need refresh lang kahit 5 minutes." depensa ko sabay pout.
"Anak , anong refresh eh halos 12 hours ang tulog mo araw araw tulog mantika ka nga , nakanganga kahit may langaw na pumasok sa bibig mo wala kang pakealam, at panay din ang kain mo, anong refresh pa ang gusto mo? Tanong ni mama.
"Refresh na abot langit mama," habang nag-iimagine ako. "yung walang iniisip na gagawin kundi tumanaw tanaw at sumaya sa ga--" hindi na pinatapos ni mama sasabihin ko nang may isesermon nanaman sa akin.
"Anak, tigil-tigilan mo na ang pagbabasa ng mga "POSSESSIVE SERIES" aba ibang langit yan eh." Nakataas na kilay na sermon ni mama.
"Mama naman, minsan ko nalang basahin 'yan, madalas everyday." Habang abot langit ang ngiti at bigla akong binatukan ni mama.
"Siraulo mo, bilisan muna diyan at pumasok kana. Jusko itong anak kong ito, akala mo feeling bagets, palaos kana oy!" Asar ni mama sa akin.
Sabay kami nagtawanan ni mama at syempre bihira lang ito sa buhay ko. Ikaw ba naman matulog nang halos isang taon eh. Dagdagan ko pa yung lintik na pagkawala ng alaala ko, tiniis nila yun para sa akin.
Tapos na kami kumain, nang biglang pumasok sa isip kong tanungin ang nangyari sa akin kaya bigla akong nagsalita.
"Ma, gusto ko lang malaman, ano ba ang nangyari sa akin bago ako napunta sa hospital?." Panimula ng pagtatanong ko.
"Ang sabi kasi ng doktor anak, naidala kana dito nang walang malay, kaya hindi ko na inisip ang nangyari sa iyo. Ang naiisip ko na noong mga oras na iyon anak, kung mabubuhay ka o hindi dahil takot na takot ako na baka isang araw, bigla ka din mawala sa akin." At nagsimula na lumuha si mama at hinawakan ang kamay ko. "Ang importante sa akin ngayon ay ligtas ka anak, blessing na yung mabuhay ka dahil noon, makina nalang ang sumusuporta sa iyo."
"Mama, kilala niyo po ba yung pumunta sa kuwarto ko? May isang lalaki tapos isang babae pero mga matatanda na sila, sinasabi nila sa akin na sinisisi nila ako sa nangyari na wala naman akong ginawang masama." Pagtataka ko at biglang tumahimik ng ilang segundo si mama at sumagot ulit.
"Anak, hindi pero baka mali sila nang napasukan na kuwarto kaya pinalabas sila diba? Huwag kana mag-alala anak ang importante, ligtas ka." Tugon ni mama.
Sandali kaming natahimik at muli akong nagsalita habang nakatingin kay mama ng diretso.
"Mama telling lies?" Sabay nagulat si mama sa sinabi ko.
"Anong pinagsasabi mo anak?" At nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Mama open your mouth?" Sabay hinampas ako ni mama sa balikat.
"Kahit kailan talaga Louisse wala sa lugar mga biro mo." Inis na sabi ni mama.
"Biro lang mama ang seryoso mo kasi, pinapatawa lang naman kita, love you ma!" Sabay yakap at kiss sa kanya. "Pasok na ako mama ingat ka dito sa bahay ha update moko palagi."
"Ikaw din, mag-ingat sa pagmamaneho Maria Louisse HAHAHAHAHA!" Sabay kunot ang noo ko.
"Mama kahit kailan talaga, stop calling my real name tsh. Bye mama love you!"
_________________________________________________________
Papunta na ako sa Parking Lot ng bahay namin para pumunta sa kotse ko pero may nahulog na isang sulat at tingin ko luma na pero nababasa pa at tinignan ko ang sulat na iyon laking gulat ko nang mabasa ito.
02-14-1990
To : Maria Louisse Paracuelles,
Magandang Umaga , kasing ganda ng mga ngiti sa labi at sa mga mata mo, dito ko nalang sasabihin lahat ng gusto kong masabi sa iyo dahil napakatorpe ko, sa lahat kasi ng magugustuhan ko , sayo pa talaga ako tinamaan ng husto. Maria Louisse, gusto kita. Mula noong mga bata pa tayo, ikaw na ang nakikita ko sa aking hinaharap. Hanggang sa lumaki tayo. Hindi ako titigil na iparamdam sayo kung gaano kita kagusto. Kung kailangan harapin ko ang mga magulang mo, gagawin ko para sa iyo. Palagay ko , hindi na basta nagugustuhan Louisse , minamahal na kita. Sana mabasa mo ito , mahal na mahal kita at mag iingat ka palagi.
Lubos na nagmamahal,
Jade Keiron Amatura.Nang mabasa ko ito, bumalik ang pananakit ng ulo ko. Kaya dali dali na akong sumakay ng kotse papunta sa demonyong kompanya nang aking pamilya.
"Letseng ulo ito, nagbabasa lang sumasakit na , wala namang english dito parang tanga lang." Pagmamaktol ko sabay nagbusina ako para alam ni mama na aalis na ako.
Kung napansin niyo na may Louisse na pangalan tama kayo dahil ako si Maria Louisse Paracuelles , "Louisse" for short , tama kayo 36 anyos na ako pero ginagawa akong sanggol ng aking ina. Ewan ko ba parati na lamang akong nananaginip tungkol sa isang matipunong lalaki na sobra sa gwapo. pero naiisip ko na parang nakita ko na siya noon ngunit hindi ko matandaan kung saan dahil bawat pagpilit ng alaala ko sa nakaraan, pakiramdam ko ay pinapatay ako nito. kaya mas pinili kong hindi na matandaan lahat ng nangyari sa akin. Kung hindi sa panaginip nagpapakita , may mga bagay na nagpapakita para sa akin. Hindi ko alam saan ito galing ngunit iisa lang pinapakahulugan nito ay ang alamin ang totoo.
Pinaandar ko na ang kotse ko sabay umalis na papuntang kompanya ng mga Paracuelles. Napakawalang galang ko talaga hindi ko na alam ang nangyayari sa sarili ko. Tinabi ko muna ang liham na sulat ng lintik na sinong Jade Keiron Amatura na ito? pangalan palang hindi na maganda pakinggan.
Pagdating ko sa aming kompanya ay agad nakatanggap ako ng masamang balita at hindi ko ito inaasahan.

BINABASA MO ANG
Back Into My Love Again
Short StoryBack Into My Love Again Ang kuwentong ito ay nagpapatungkol sa isang babae na ang tanging hangad lamang sa buhay ay masagot ang kanyang mga katanungan nasa ilang taon niyang pinagdurusa dahil lahat ng tao sa paligid niya ay pinaglilihiman ito maging...