Part 8 : Jade Keiron Amatura

3 2 0
                                    

Louisse Point of View

Mula nang higupin kami ng malakas na hangin ay nagsimula na din kami maglakbay patungo sa kinaroroonan ni Jade kasama si Diyosa Tugma, gusto ko na kasi talagang malaman ang totoo kung kaya't kahit biglaan, ay dapat paghandaan ko ang sarili ko pero bigla akong napatanong sa Diyosa.

"Diyosa Tugma, kung hindi mo mamasamain ang tanong ko, anong nangyayari sa katawan ko ngayon?

"Huwag kang mag-alala Louisse, hindi kapa patay, sabihin nalang natin na naglakbay ang kaluluwa mo. Baka kapag pinakita ko sayo ang sarili mo baka bigla kang bumalik sa mundo niyo, edi sayang pinunta natin dito."

"Hindi Diyos---" magsasalita pa sana ako nang bigla pa siyang nagsalita.

"Pwede ba, mama nalang ang itawag mo sa akin kahit Diyosa ang mukha ko, sawang sawa na ako tawagin niyan kaya mama nalang utang na loob." Pakiusap niya.

Tangina neto choosy pa at least nga mukhang Diyosa siya pero mas maganda ako duh.

"O sige mama, o Diyosa parehas lang yan. Eto na nga mama pasensya na ha, gusto ko lang kasi talaga malaman ang buong pagkatao ko pati din ang Lintik na Jade na yan na halos buong buhay ko nang isumpa dahil sa panggugulo niya sa isip ko. Grabeng pahirap sa akin niyan eh!" Pero bigla akong nag-alala.

"Gusto ko lang sana makita ang nangyayari sa katawan ko, ayoko mag-alala si Milo sa akin baka kapag namatay ako, sumunod pa sa akin yun."

halatang naririndi na sakin si Mama tugma yieee napipikon pala ang Diyosa.

"Hindi ka nga mamamatay, natutulog lang ang katawan mo. Ang OA mo talaga! Oh siya, ipapakita ko na sayo para manahimik ka!"

Agad din pinakita sa akin ni mama tugma

Papakita din pala, ang dami pang sinasabi tsk!

Itinaas niya ang kanyang tungkod at makita ko ito sa loob ng ospital.

ospital? Teka, ambilis ko naman makarating doon.

Nagulat ako nang makita iyon at ibinaba na ang tungkod niya ng bigla siyang nagsalita.

"Talagang mahal na mahal ka ng lalaking iyon, Si Michaelo ano?" Pagmamalaki niya.

"Mama, kilala mo siya? Pero paano?" Pagtataka ko.

"Gaga ka talaga! Malamang! Diyosa ako, paanong hindi ko makikilala yan, palagi kitang sinusubaybayan noon palang at anong silbi ng kapangyarihan ko diba?"

Oo nga naman bakit hindi ko naisip yun?

"Opo nga sabi ko din hehe." Sabay kamot sa ulo.

"Andito na tayo Louisse, handa kana ba? Dapat maging handa ka." Pagbibigay paalala sa akin.

Pota sinagot mo na ang sarili mong tanong paano pa ako sasagot nyan?

Pero bigla akong sumagot sa sinabi niya pakiramdam ko talaga kahit diko sabihin ng aking bibig, nababasa niya naman iniisip ko.

"Kinakailangan mama, para makumpleto na ang katauhan ko. Pero teka, nasaan po muna tayo?"

"Nasa Bukidnon, dito siya nakatira ay mali, dito pala kayo noon tumira." Pagtatama niya. "May tatlong araw ka para makilala siya, pero pagkatapos ng araw na yun ay babalik kana sa mundo niyo. Aalis na ako, mag iingat ka."

Aalis na sana siya nang pinigilan ko siya.

"Teka mama." Pagpigil ko sabay hawak sa braso niya.

"Oh bakit nanaman?" Tanong ni mama Tugma.

Back Into My Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon