Milo's Point of View
Ito na ang pinakamagandang pangyayari sa buong buhay ko. Sa tagal kong paghihintay ng tamang panahon at pagkakataon, makikita ko na ang sarili kong kasama ang babaeng pinakamamahal ko, walang iba kundi si Maria Louisse Paracuelles ng buhay ko.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Parang lahat nasa kanya na. Full package kumbaga, She's different to the other girls. She has a unique character na sa kanya mo lang makikita. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako kailanman magugustuhan ni Louisse pero nagtaka ako kung bakit siya nagpakasal sa akin. Mahal siguro ako ni Louisse argh pota! Ang assumero ko naman ang hangin ko talaga kahit kailan pasensya nalang hehe.
Nandito na ako sa Simbahan habang inaantay ang kanyang paglalakad papunta sa akin. Habang papalapit na siya sa akin, bigla akong tumitig sa mga mata niya.
"Malungkot ang magiging asawa ko, alam kong hindi mo kagustuhan ang maikasal sa akin. Hindi ka rin masaya sa nangyayaring ito, hindi ko sadya na matali ka sa sagradong kasalan na ito na alam kong hindi mo kayang magampanan. Patawad Louisse, kung may magagawa ako para pasayahin ka, gagawin ko."
Nagulat ako nang kinalabit ako ng Ama ni Louisse.
"Aba Michaelo! Wag mong titigan ang anak ko ng ganyan, kanina kapa tulala sa kanya. Alam naman namin na maganda ang prinsesa namin kaya ingatan mo 'yan. Malaman ko na saktan mo siya maski ang pagbuhatan siya ng kamay. Pangako, hinding hindi kana makakatuntong sa pamamahay at sisiguraduhin kong pipirasuhin kita naiintindihan mo ba Soon to be Bayaw?"
"Opo tito, makakaasa po kayo sa akin hehe, pasensya na maganda lang kasi talaga si Louisse , tara na?" Sabay hinawakan ko ang kamay niya.
Ibinigay niya naman agad ngunit napakalamya ng katawan at mata niya.
Ano kayang nangyayari sayo?
Nagsimula na ang seremonya ng kasalan kaya tinanong na agad ako ng Pari.
"Michaelo, tinatanggap mo ba si Louisse bilang iyong asawa? Sa hirap at ginhawa? Mamahalin mo ba siya hanggang kamatayan?"
"Opo padre!" Nakakatuwang sagot ko.
"Ikaw Louisse, tinatanggap mo ba si Michaelo bilang iyong asawa? Sa hirap at ginhawa? Mamahalin mo ba siya hanggang kamatayan?"
Natatakot ako sa isasagot ni Louisse, laking gulat ko na isang hindi makapaniwalang sagot ang maririnig ko.
__________________________________________________________
Louisse Point of View
Nandito ako sa kasalanan este kasal ko pala kasama ko nanaman ang lintik na mayabang na Milo na 'to pero nagtataka ako sa itsura niya. Paano ba naman kasi tatanungin na ako ng Pari na 'to.
"Ikaw Louisse, tinatanggap mo ba si Michaelo bilang iyong asawa? Sa hirap at ginhawa? Mamahalin mo ba siya hanggang kamatayan?"
"Opo padre! Tinatanggap ko po." Sagot ko nang bukal sa pulso este puso.
Namangha naman ang pagmumukha ni Milo sabay ngiti ng abot langit. At ako naman, kanina pa ako nagtataka sa sarili ko. Kumain ako ng marami, pero nanghihina ako.
Tanginang katawan ko walang pakisama.
"Wala bang tututol sa kasalang ito?" Tanong ng pari sa lahat ng tao na naroroon.
Ako padre putangina stop the fuckening wedding!
"Kung ganun ay binabati ko na kayo, Michaelo at Louisse ay ganap na bilang mag-asawa. Congratulations Mr. And Mrs. Dela Mundo, you may now kiss the bride."
BINABASA MO ANG
Back Into My Love Again
Historia CortaBack Into My Love Again Ang kuwentong ito ay nagpapatungkol sa isang babae na ang tanging hangad lamang sa buhay ay masagot ang kanyang mga katanungan nasa ilang taon niyang pinagdurusa dahil lahat ng tao sa paligid niya ay pinaglilihiman ito maging...