Part 4 : Hello Kitty

2 2 0
                                    

Louisse Point of View

Kinabukasan, ay nakauwi na din kami kaagad ni mama galing hospital at hindi parin ako makapaniwala na may lalaki na pumunta sa kuwarto ko para tangkain na halikan ako? At ang masakit pa doon, siya pa ang ipapakasal sa akin. Nakakainis na buhay 'to punyetang Milo yun este Michaelo Zayn Dela Mundo akala mo naman ang ganda ng pangalan, ang chaka naman bigkasin.

Pero sa kabila ng lahat ng nangyayaring ito, palaging pumapasok sa isip ko yung Jade Keiron Amatura na iyon. Hindi ko alam anong meron sa kanya kung bakit kailangan niya pa guluhin ang buhay ko. Wala talaga kahit pilitin kong makaalala , wala talaga akong matandaan na nakilala ko siya ever since of my life cross my heart hope to die dumb ways to die.

Naboboring na ako sa bahay na 'to dapat nga pumapasok na ako sa trabaho pero sabi ni mama magpahinga nalang muna ako. Kaya naisipan kong ilibot ang buong bahay at hanggang sa marating ko ang Attic namin.

"Ehem ehem, tanginang alikabok 'to parang di nalinisan nang halos Isang dekada 'to ha." Pagsasabi ko.

Kapansin pansin ang isang box na puro alikabok pero tinignan ko parin ito sa kagustuhan ko na malaman ang laman nito. Bumungad sa akin ang isang drawing na Hello Kitty ang cute at paborito ko ito. Pero may nakasulat sa likod ng drawing.

"Unang likha, para sa aking tagahanga at minamahal ko nang lubusan, Aking Louisse nagustuhan mo ba ito? Dapat lang kasi ako ang gumawa nito. Nahihiya ako ibigay sayo ito pero nang malaman ko na paborito mo ang Hello Kitty na ito, matagal kong pinag aralan ito at nilikha ng may pagmamahal dahil inspirasyon kita sa lahat ng ginagawa ko. Huwag kang mag alala , gagawa pa ako ng maraming Hello Kitty kung kailan mo gusto. Parang baliw na ako sa sobrang lakas ng tama ko sa iyo. Mahal na mahal talaga kita Louisse. Ingatan mo iyan gaya ng pag iingat ko sa iyo."

Jade Keiron.

Pagkatapos kong mabasa ang nakabasa dito , agad bumilis bigla ang tibok ng puso ko, hindi ko alam ang dahilan. Bigla na lang akong nagsalita.

"Anong meron sa iyo Jade Lintik na Amatura bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Hindi kita kilala at wala akong maalala na kilala kita, pero bakit alam mo ang pangalan ko at mga paborito ko? Hindi ka naman stalker ko diba? Letche na buhay ito!" Sabay alis sa attic at naisipan ko nalang umalis ng bahay nakakaburyo kasi dito.

Pumunta ako sa kotse ko, dinala ko din ang box na may Hello Kitty at dali daling umalis. Bahala na hanggang saan mauubos ang Gas ko nito basta gusto kong makapag isip ng maayos.

Habang bumibiyahe ako, binuksan ko ang radyo ng kotse ko. Bumungad sa akin ang isang kanta na parang tugma sa akin lahat ng kantang iyon.

Beautiful Girl, wherever you are
I knew when i saw you
You had opened the door
I knew that i'd love again , after a long
Long while i'd love again

Umulit nang umulit and kantang ito sa isip ko at hindi ko sadyang nahampas ang kamay ko sa manibela at nagulat ako nang ito'y bumusina.

"Shit! Tangina! Arghh! Lintik na kanta kasing 'yan, kamalas-malasan na narinig ko pa, hindi naman ako matanda, patanda palang!"

Bumaba nalang ako sa kotse para maglakad sa dapampasigan habang dala ko ang lagayan na may drawing na hello kitty at nagsimula na akong magsalita.

"Alam mo Hello Kitty ka, ang komportable ko mula nang makita kita sa attic, siguro hindi dahil paborito kita, pakiramdam ko may sentimental value tayong dalawa. You know may connection tayo pero ewan basta ang gaan ng pakiramdam ko sayo." At nagsimula na akong maging emosyonal sa Hello Kitty na hawak ko.

"Kahit ilang bilyon na ngiti ang maranasan mo araw-araw, isang lungkot lang ang dumating sayo, siguradong pinapatay ka nito." At tumulo na ang luha ko sa aking mga mata.

"Kasing dami ng mga butuin sa langit ang pinapasan ko, hindi ko alam paano ko ito nadadala sa pang araw araw na hindi nila nakikita ang kalungkutan sa itsura ko. Walang naglakas loob na tanungin ako kung ayos lang ba ako o i-motivate ako. Maski bestfriend ko hindi ako natanong dahil nga ang Isang Maria Louisse ay hindi sanay sa kadramahan. Ako kasi ang nagsisilbing Payaso ng buhay nila ibig sabihin , tagapasaya sa malungkot nilang nararamdaman."

"Tulad ako ng isang preso na nakagapos, nakakulong sa isang sulok, natatanaw ang araw ngunit hindi ko ito maabot. Tanging pagtanaw na lamang sa araw ang aking magagawa ko baka sakaling ibigay sa akin nito ang sagot sa aking katanugan at malaman ang katotohanan."

"Dumagdag pa ang isang ito." Turo ko sa pangalan ni Jade Keiron Amatura. "Ilang beses na niya ginugulo ang buhay ko, kung hindi sa panaginip, may mga bagay akong nakikita sa pagkakakilanlan niya tulad mo na drawing ka, o di kaya naman may tatawag sa aking pangalan. Nakakatawang isipin na may tumatawag sa akin sa mismong CR pa iniisip kong biro iyon pero hindi talaga ako mapalagay. Pero dahil ayoko na siyang dumagdag sa isipin ko, lalo lang sumasakit lang ulo ko kaya hindi ko na pinansin pa. Pero mas papahirapan ako nito. Hindi talaga ako tinitigilan ng lintik na taong ito."

"Pagod na pagod na ako Hello Kitty baka gusto mong magsalita diyan kahit konti lang." Pabiro ko.

"Sa totoo lang, gusto ko na sumuko, pagod na ang katawan, isip at puso ko. Sana nga ang buhay ko ay maging isang tulad ng isang alon. Kahit saan ka dalhin nito, sasabayan mo lang ang agos nito sa hirap at kaginhawaan." Habang nakatanaw sa tubig at sa palubog na araw.

"Patayin ko nalang kaya sarili ko? Hindi ko talaga kagustuhan ang maikasal sa taong hindi ko naman mahal pero hindi naman sana mangyayari ito kung hindi lang babagsak ang kompanya na meron ang pamilya ko. Hindi sana ako matatali sa relasyong hindi ko kagustuhan. At isa pa, ayokong nakikitang nahihirapan at nagdurusa ang mga magulang ko. Kahit ako nalang ang mahirapan, wag lang sila."

Selfless ba akong anak? Totoo, kahit sarili kong kaligayahan at kaya kong isantabi para sa kanila. Natapos kong magdrama at umiyak, ay sumigaw ako sa dalampasigan.

"Suko na ako! Ayoko na Lord! Kunin niyo na po ako, pagod na pagod na po ako. Buong buhay na akong nagdurusa. Gusto ko na pong magpahinga." Nalulungkot at tila naluluha nanaman ulit.

Papunta ako sa tubig papuntang ilalim dahil High Tide iyon. Palakad palang ako may isang hangin ang dumampi sa katawan ko, laking gulat ko nang niyakap ako nito at bumulong,

"Ang dami mo nang naisakripisyo Louisse, pero hindi pa ang tamang panahon upang mawala ka sa mundong ito. May dahilan kapa para mabuhay, wag mo ito sayangin. Mahal na mahal kita." At humalik ang hangin na ito sa noo ko.

Lumingon ako sa paligid ngunit walang tao, tanging ako nalang ang natitirang nagdadrama at nawala na din ang hangin na bumalot sa aking katawan.

"Hello Kitty, umamin kana, promise hindi ko sasabihin, ibahin mo lang kamay mo sa drawing, hindi ako tatakbo." Pagpipilit ko na baka sakaling mag iba hugis ni Hello Kitty.

"Nababaliw na talaga ako, gabi na pala. Tara na Hello Kitty uwi na tayo."

Nagmadali na akong sumakay sa kotse ko para umuwi na din. Dala ko ang lagayan ng box. Pag-Uwi ko ng bahay, ay naglinis at humiga muna ako at biglang pumasok sa isip ko yung nagsalita kanina.

"Hindi ko talaga malaman kung sino ka, pero bakit mo ginugulo ang buhay ko? Ang ipinagtataka ko, bakit ko hinahayaan ka na guluhin ang buhay ko? Argh Tangina! Baka multo talaga iyon o baka naman si Hello Kitty yun , nagpapanggap lang talaga siya."

Agad kong kinuha ang drawing na Hello Kitty at inilagay ito sa Picture Frame.

"Ayan, ang ganda parang ako lang. Oh siya kung hindi ka aamin, matutulog nalang ako."

At ipinikit ko na aking mga mata at darating na ang pinaka delubyo ng buhay ko.

Back Into My Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon