Chapter 31

51 7 0
                                    

Hinatid ako ni Jayce. Pero syempre hindi siya umabot hanggang sa bahay. Banned siya doon eh. Baka nakita na naman siya ni mama, sigawan na naman siya.

"Hanggang dito na lang hon. Uwi ka na."

"Ayaw mo na ba akong kasama?"

"Gusto pa kitang kasama. Kaso 9pm na. Baka kapag nakita ka na naman ni mama, mapagalitan lang ako."

"I know and I'm sorry for that." He kissed my forehead. "Ingat hon. Tutuparin pa natin lahat ng mga pangarap natin."

"Haha! Ayan lang po bahay namin oh. Ingat ka din."

"I'll text you when I get home."

------------------------

"Anong oras na?"

"9 na po."

"Saan ka galing?"

Hindi pa nga ako nakakatungtong sa gate, ayan na kaagad ang bungad sa'kin ni mama.

"Diyan lang po. Paikot-ikot sa village."

"Sinong kasama mo?"

Shocks. Anong isasagot ko?

"Ahh. Mga kaibigan ko po."

Isang malakas ng sampal ang inabot ko kay mama.

"Sinungaling!"

Hinila niya ako ni mama sa buhok papasok ng bahay.

"Kitang-kita ko kayong magkasama! Hindi na kayo nahiya at sa kalye niyo pa nakuhang maglandian! Ang sabi ko sa'yo tantanan mo yung lalaking yun. Di ka marunong makinig! Ang tigas talaga ng ulo mo!"

"Ma aray ko...  Ma tama na..."

Patuloy pa rin niya ang pagsabunot sa'kin. Sobrang sakit na nga ng anit ko eh.

"Anong kinabukasan ang maibibigay sa'yo ng lalaking yon?! Ha!? Wala! Kaya tigilan mo yang kahibangan mo!"

"Nag-aaral naman siya.. Hindi naman siya tambay."

"Aba! Sumaaagot ka pang bata ka!"

Isang sampal na naman ang inabot ko. Wala ng tigil ang pag-iyak ko.

"Kapag hindi mo pa nilayuan yan, hindi lang yan ang aabutin mo! Titigil ka rin sa pag-aaral!"

Hindi ko na lang pinakinggan si mama sa mga sinasabi niya at dali-dali pumunta sa kwarto ko.

Bakit ganoon si mama? Wala namang ginagawang masama si Jayce sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ang laki ng galit niya kay Jayce.

Ayokong mawala si Jayce. Pero ayoko rin namang tumigil sa pag-aaral.

Finding the Right LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon