Chapter 26

86 5 3
                                    

I had a long day. I'm so tired.

Tired not only physically, but  also emotionally.

Pagkatapos ko kasing makipagkita kay Lawrence, nag-shopping ako. Pampawala ng stress. Thursday naman ngayon kaya wala masyadong tao sa mall kanina. Kundi, patay ako. Natraffic siguro ako pauwi.

Buti na lang, may ipon ako. Para kahit paano, nabibili ko ang mga luho ko.

Hindi naman kasi kami mayaman. Ang mommy ko housewife, ang daddy ko naman regular employee sa isang engineering company sa Makati. Tatlo kaming magkakapatid, yung dalawa highschool student. Yung bahay na tinitirahan namin, hindi pa fully-paid yun. Rent-to-own kasi. Madaming gastusin kaya sakto lang yung allowance na binibigay samin.

  

*beep*
1 message received.

From: Jayce <3
San ka galing?

To: Jayce <3
Sa MOA po.

From: Jayce <3
Anong ginawa mo dun? Sino kasama mo?

Ang dami namang tanong nito. Curious masyado.

To: Jayce <3
Nagkipag-meet si Law sa'kin kasi gusto niya raw ako makausap sa personal and then nagshopping ako after.

From: Jayce <3
Kayo na ulit?!

Aba. Maka "?!" Kala mo na-shock ng todo.

To: Jayce <3
Kapag sinabi ko sa'yong, oo. May magagawa ka ba?

From: Jayce <3
I'll be happy for you. Sana maging okay na yung relationship niyo. Ayokong nasasaktan ka.

Hindi mo ba alam na mas nasasaktan ako ngayon? Kasi kayo na ulit ni Janine mo. :(

To: Jayce <3
Sana kayo rin.

From: Jayce <3
:)

Ano bang klaseng reply yan? Tss.

To: Jayce <3
Sana ako na lang. Sana tayo na lang.

From: Jayce <3
Sorry. Sorry talaga. Alam kong ang gago ko. Hindi kita hinintay. Nagsisisi akong pumayag akong maging kami ulit.

Gago ka talaga. Ang atat mong magkaroon ng karelasyon eh. Hindi mo ako hinintay.

Pero mas gago ako. Kasi nandiyan ka na, hinayaan pa kitang mawala.

To: Jayce <3
Nakakatuwa nga namang magbiro ang tadhana. Ako naman ngayon ang maghihintay.

From: Jayce <3
Wag mong gawin yan. Wag kang maging tanga sa'kin.

To: Jayce <3
Ang sabihin mo, wag akong maghintay kasi mahal mo siya't di mo pa rin siya kayang wala.

From: Jayce <3
Wag na muna tayong mag-usap. May girlfriend ako. May boyfriend ka.

Bakit biglang ganun? Biglang iniba yung sagot? Walang namang connect sa sinabi ko. Siya na ba pinili mo Jayce? Malamang, OO. :( sabi mo wag na tayo mag-usap eh. </3

Maghihiwalay din kayo. Babalik ka rin sa'kin.

From: Jayce <3
Last text ko na 'to. Mamimiss kita Princess. Pi. :*

Ngayon sasabihan mo ako ng You I Love ? Pero iiwan mo ako para sa kaniya?! Hayyy.

Ang malas ko sa pag-ibig. <\3

To: Jayce <3
Pi, too. ;( Hindi kami ni Law. Ikaw kasi talaga pinili ko. Bakit ngayong sigurado na ako sa nararamdaman ko sa'yo, saka mo naman ako iiwan? Hihintayin kita kahit ayaw mo. :( You I Love, Prince!

*message sending failed*

Finding the Right LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon