Chapter 22

99 8 2
                                    

1 buwan na rin matapos yung confession namin ni Calix sa isa't-isa. Mas lalo kaming naging sweet sa isa't-isa.

Umakyat siya ng ligaw. Old school courtship. He goes to my house every night, tapos magkwentuhan kami. Titigan. Tapos kwentuhan. Tapos titigan na naman. Hahahaha! Wala e. Hindi kasi nakakasawang pagmasdan yung taong gusto mo. :) "Habit" yung code namin kapag gusto naming magkita. Habit na kasi namin yung magkikita kami gabi-gabi eh.

Pero syempre, sa kabila ng saya, meron ding kaakibat na problema.

Una, si Lawrence. Lalo kasi siyang lumalala. Hindi na rin niya ako sinusundo sa umaga. May araw nga na hinintay ko siya hanggang 6:45. 7am pa naman yung start ng klase. Traffic pa nung araw na yun. Nagtaxi pa ako, ang laki tuloy ng bill ko. Kapag nilakad ko naman sobrang kawawa ako, para akong basang sisiw na pumasok sa school. Ayun, ang nangyari, na-late ako samantalang siya nakikipagharutan na sa mga bad influence niyang mga kaklase. Simula nung nangyari yung insidenteng yun, hindi na talaga niya ako sinusundo. Para isang beses lang daw ako na-late ang dami ko na raw kagaad sinabi sa kaniya. Eh malay ko ba, sana sinasabi niya na hindi na niya ako susunduin di ba. Para hindi ako naghihintay sa wala.

Si Lawrence? Wala na. Wala na kasi akong natitirang pagmamahal sa kaniya kahit konti. Magtetext lang yan ng "musta?". Tatanong niya kung kumain na ko tapos kung ano ginagawa ko. Tapos wala na. Wala na ring text. As in wala na. Kaya nakakasawa na. Hindi ko man lang siya makitaan ng pagpapahalaga sa'kin.

Naka-graduate na nga rin pala kami., last week pa. Ang bilis talaga lumipas ng mga araw. Tapos na ako ng HS. Pero hindi ko pa rin alam kung saan ako mag-aaral ng college.

"Bagay ba sa'kin ganitong gupit? Feeling ko masyadong maikli eh" shoulder length na ang hair ko.

"Oo naman. Hayaan mo na sis. Maganda ka pa rin naman eh." Pang-uuto ni Hellen.

"Yeah right."

"Kanina ka pa nakakunot ang noo diyan. Hindi ka pa ba niyayaya magsayaw ng jowa mo?" Tanong ni Hellen.

"Hindi pa rin eh."

Nandito kami sa BnW Bar. Celebration lang. Kung sino lang may gustong sumama sa batch, hindi naman 'to required. Wala ring kasamang mga teacher. Si Hellen lang ang kasama ko sa table. Walang jowa eh. Si Britney nandun sa table ng jowa niya. Si Dev naman kasama yung ibang kabarkada niya. So forever alone talaga si Hellen kung kila Lawrence ako sumama. Pero buti na lang din hindi ako sumama dun, out of place ako dun malamang.

"Sis, nandun si Basty."

Sino si Sebastian Angelo Valdez? First boyfriend ko. 8 months lang tinagal namin. Nung una masaya pa kami, di nagtagal may iba na rin palang kinasisiya ang loko. Tatlo pala kaming GF niya Sa kaniya ko naranasan yung first heartbreak eh. First headache. First pain.

Nung naghiwalay kami, meron din naman akong mga naging boyfriend, pero puro fling lang. Ewan ko. Natakot siguro akong magseryoso. Kasi baka lokohin ulit ako.

Pero niloloko ako ng bf ko ngayon pero hindi ko pa hinihiwalayan. Natatakot naman siguro akong mag-isa. Hahahaha.

Nakakatawa 'no? Ang malas ko sa pag-ibig. Hahaha. Yung first BF ko, niloloko lang pala ako. Tapos nung nagawa ko na ulit magseryoso, niloko na naman ako. Hahahaha.

When will I ever find the right one for me?

"Sis. Sis. Sis. Tama na ang daydreaming! Papalapit si Basty sa'yo. Ayiiieee. Muling ibalik!"

"Gaga. Kay Calix na ako."

Nakangiti siya habang papalapit siya sa'kin. Eh friendly naman ako kaya nginitian ko na lang din ;)

Finding the Right LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon