Chapter 33

62 7 0
                                    

"Ingat ka hon ha. Good luck!"

"Ikaw din po ingat." I answered with a smile.

"Text mo ako kagad kung wala kang klase para pupuntahan kita kapag wala rin akong klase."

"Opo sir!"

"I love you." He said as he kiss my forehead.

"I love you too, Jayce"

First day of school ngayon. Sobrang excited ako. Syempre magkakaroon ako ng mga bagong kaibigan eh. Sobrang cool nun.

May pagkalaki rin pala 'tong SIU. Hindi ko kasi 'to naikot nung nagpasa ako ng application form tsaka nung kumuha ako ng entrance exam eh. Nakakatamad kasing libutin mag isa. Sa sobrang laki niya, baka makatulog ako sa kakalakad. Kabagot e. Haha.

Nasa building ako ng commerce tapos si Jayce naman sa engineering. Medyo malayo rin yung building nila sa building ko. Buti na lang nauso na ang text, para mate-text ko siya kapag wala na akong klase para siya na pang pupunta sa'kin. Haha. Hindi halatang ang tamad ko maglakad 'no?

9:30 pa lang. 10 pa start ng first class ko. Medyo matagal-tagal ko rin atang hihintayin yung pagdating ng prof ko, pati pala yung paghihintay ko na makasama ulit si Jayce. Hehe.

"Hi miss. May nakaupo ba dito?"

"Ah, eh wala naman." Sagot ko.

"Accountancy ka rin?"

"Oo. Bakit meron bang hindi accountancy ang course sa subject na to?"

"Oo. Yung iba kasi irreg students."

"Ahh. May ganun din pala dito."

"Ako nga pala si Jane Octavino. Ikaw?"

"Angelique. Karishna Angelique Reyes."

"Friends?"

"Siguro. Wala pa naman akong ibang kakilala dito."

"Cool."

Habang hinihintay pa namin yung prof namin na dumating, nagkwentuhan lang kami ni Jane. Nakakawa 'tong babaeng 'to. Ang dami na kaagad niyang kinukwento tungkol sa sarili niya kahit na kakikilala pa lang niya sa'kin. Ginamit ng kadorm niya sa panty niya, tapos nung sinoli sa kaniya hindi raw niya alam kung gagamitin pa ba niya o itatapon niya. Pero at the end, nanghinayan siyang itapon kaso so-en daw yun at presko. Ikinuweto ba naman sa'kin yun? Kaloka di ba?

"So. Ikaw? Anong tungkol sa'yo?" Tanong ni Jane.

"Ano bang gusto mong malaman?"

"May boyfriend ka na ba?"

"Hindi ko pa siya boyfriend. Hinihintay ko pa yung tamang panahon para sagutin siya."

"At kelan naman yun?"

"Basta malapit na."

"Nagholding hands na kayo?"

"Oo. Nag-kiss na nga kami eh."

"Yucckkkksssss!!!!!!!"

Bigla ba naman sumigaw yung lokaret na baabaeng kausap ko. Nakakainis. Ang sakit sa tenga.

"Hindi pa kayo pero nagpapahalik ka na? Kadiri ka. Virgin ka pa ba?"

Nako po, bakit niyo po ako binigyan ng ganitong klaseng kakilala..

"Oo virgin pa ako. Paki mo ba? E sa gusto ko e. Buhay ko 'to. Desisyon ko. Wala kang pakialam dun. Tsaka sino ka ba? Bagong kakilala lang kita."

At tuluyan akong tumayo sa kinauupuan ko't lumipat ng pwesto. Nakakainis na babaeng yun. Masyadong intritida. Nakatikim tuloy siya ng kamalditahan ko. Bwisit.

-------------------

Hinihintay ko ngayon si Jayce. Wala na kaming klase pareho kaya uuwi na kami.

"Hi hon!" Bati ko kay Jayce.

"Kamusta araw mo princess? Nakakita ka na ng bago mong mga kibigan?"

"Oo. Okay naman kasamma yung mga kasama ko kanina. Kaso nainis ako dun sa una kong nakatabi nung first subject ko. Masyadong epal."

"Anong ginawa niya?"

Edi kinuwento ko kay Jayce lahat.

"Hayaan mo na yun. May mga tao kasing hindi sanay sa mga ganung bagay. May mga tao talagang na iniisip nila kapahon nila si Maria Clara."

"Oo nga. Kaya nga iniwasan ko e. Kasi alam kong hindi talaga kami magkakasundo. Ikaw hon? Kamusta araw mo?"

"Ok naman. First day pa lang pero marami na kagaad homework. Yun isa ko ngang subject nagpapagawa na ng project eh."

"Ang lupit naman. Haha. Alam mo, ang tatangkad ng mga kaklase ko. Ang liit ko tuloy lalo."

"Haha. Hindi kaya. Aakto lang kaya yung height mo hon."

"Anong sakto? Sakto sa kili-kili mo. Hanggang kili-kili mo nga lang ako eh."

5'10" kasi si Jayce. Ako naman 5'. Saktong 5, walang labis, walang kulang. Haha

"Ahahahahaha. Sira. Sakto nga lang yung laki mo."

"Paano naging sakto, aber?"

"Sakto lang ang laki mo, kasi nagkasya ka sa puso ko."

Finding the Right LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon