Chapter 27

88 7 0
                                    

2 days akong kinulit ni Lawrence after nung nagkita kami ng personal. Gusto niya kaming magkabalikan. I gave Lawrence a chance. Sabi niya kasi magbabago siya.

Single naman ako kaya hinayaan ko na lang siyang maging kami ulit.

Kaso ilang days ang lumipas. Ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa'kin. Hindi naman ako ganoon katanga para pahabain pa yung relasyon namin. So I decided, once na nakipagkita siya sa'kin, papayag ako.

From: Lawrence
Babe.

To: Lawrence
oh? Napatext ka?

From: Lawrence
Alis tayo mamaya

To: Lawrence
San punta?

From: Lawrence
SM. 3pm

To: Lawrence
K.

-----------------

"Akala ko ba sa SM tayo pupunta?! Oh bakit nandito tayo?"

Nandito kami ngayon sa computer shop nila malapit sa SM.

"Lawrence pagbabantayin mo ako ng computer shop?!"

Aba kahit ano atang sigaw ko hindi niya ako maririnig. May pagka-demonyo ang tenga nito kapag ayaw niyang pakinggan yung sinasabi eh

"Sa SM naman talaga yung punta natin. Nagkataon lang na walang bantay dito sa shop kaya pinakiusapan ako ni mama."

Marunong din palang magsalita ang loko.

Mahigit isang oras ko na siyang hindi kinikibo. Buti na lang at nauso ang facebook at nalibang naman ako. Kasi kung hindi ako nalibang, sa sobrang galit ko parang gusto kong sunugin tong computer shop nila eh.

"Babe galit ka ba? Sorry na."

Nagbibingi-bingihan ako.

"Babe sorry na. Babawi ako sa'yo."

Tapos aakto siya na yayakap sa'kin. Buti na lang mabilis akong nakaiwas.

"Ang dami mong atraso sa'kin Law. Miski isa ba may ginawa ka para mabawasan yung galit ko sa'yo?!"

"Alam ko. Kaya nga ako nagso-sorry eh."

"Yang sorry mo, puro salita. Wala akong nakitang gawa. Ganiyan ka kasi alam mong lagi kitang hinahayaang makipag-balikan e."

"Hindi yan totoo."

"Tama na Lawrence. Niloloko na lang natin ang mga sarili natin."

"Babe sorry. I love you."

"Mahal mo ako Lawrence?!"

"Oo naman."

"Masaya ka pa ba sa nangyayari sa'tin?"

"Hindi na."

"Ako rin, hindi na ako masaya. Break na tayo."

Tumayo ako sa kinauupuan ko.

"Huling pagkikita na natin 'to. Good bye Lawrence"

At lumabas na ako ng computer shop nila. Hindi na niya ako mahahabol. Walang bantay sa shop nila eh haha.

And this time. Totoo na. Ayoko na talaga. Hindi na ako magpapabola pa.

Finding the Right LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon