Chapter 36

43 5 0
                                    

"Sa ngayon, wala pa pong anunsyo ang Mayor ng Maynila tungkol sa suspensyon ng klase sa kolehiyo. Pre-school to high school pa lamang ang naanunsyo na walang pasok ngayong araw. Betty Boopinya. Nag-uulat."

"Anong bang klaseng reporter yan. Bumabagyo na nga, sobrang ikli na nga ng palda, kitang-kita pa yung boobs. Kaya siguro Betty Boopinya yung screen name niya.."

"Hahahaha. Pati ba naman news reporter kinagagalitan mo."

"Eh mainit ulot ko. Ang lakas-lakas na ng ulan. Tapos sobrang hangin na, parang liliparin na ako. Anong akala nila sa college?! May mga super power?" Reklamo ko habang kumakain. "Alangan sabihin ng droplets of water 'ay college student to, iwasan'. Hay. Bwisit."

"Buti pa ako high school pa lang. Hahaha" Pang-aasar ni Ken.

"Oo. Mararanasan mo rin 'yan next year, Ken. Baka nakakalimutan mo, graduating ka na."

"Ang usapan ngayon. Ngayon, ako walang pasok, ikaw meron. Hahahaha."

"Bwisit ka talaga!"

"Hahahaha good night ate. Matutulog na ako ulit! Good luck sa lakad raincoat. Hahahahaha."

*beep*

From: MySuperDuperMegaLoves
Tapos na ko hon. Tara na?

To: MySuperDuperMegaLoves
Ako rin. Kita na lang tayo sa kanto ha. Una ka na alis. :)

From: MySuperDuperMegaLoves
Ako naman talaga laging nauuna. Hahahaha! Dala ka payong hon ah.. Umuulan.

To: MySuperDuperMegaLoves
Yes po. Baka masiraan na naman tayo ng payong eh. Hahaha.

From: My SuperDuperMegaLoves
Labas na ako hon. Sunod ka na after 5 minutes para hindi masyadong halatang magkasama tayo.

After 5 minutes, lumabas na rin ako. Sobrang nakakainis talaga kasi sobrang lakas ng ulan. Baka hindi pa kami nakakarating sa SIU, ay mukha na kaming basang sisiw ni Jayce.

Laging ganito set-up namin. Mauuna si Jayce umalis, tapos after 5 minutes ako naman. Para hindi mahalata na magkasabay kami. Minsan ako mauuna, minsan siya. Hindi nga kasi alam ng parents ko na kami. Baka kasi kapag nalaman nila, paghiwalayin kami. Hindi ko hahayaang mangyari yun syempre.

Hindi ko alam paano kami magtatagal na ganito ang sitwasyon. Basta ang alam ko, hindi ko hahayaang masira kami.

"Hi hon." Nakangiting bati ni Jayce.

"Hello"

"Papasok pa ba tayo?"

"Oo e. Ayokong umabsent. Major ko first subject. Attendance man lang okay ako."

"Hahaha. Osige hon."

---------------------------

"Hindi pa ba nag-announce na wala nang klase?" Tanong ng isa kong kaklase.

"Hindi pa. Kakatext ko lang sa mama ko." Sagot maman nung isa.

Finding the Right LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon