Chapter 5

119 9 1
                                    

Calix Mariano liked your status.

Calix Mariano liked your photo.

Calix Mariano liked a photo you are tagged in.

Calix Mariano liked your profile picture.

Ganito lagi ang notifications ko kapag nag-OL ako. Nila-like niya lahat ng updates ko. Nagpapalitan kasi kami ng likes. Eh, malandi ako. Ayun, kaya lagi ko siyang chinachat. Hahahahahah.

  

Angelique Reyes: Thanks sa Like. ;)

Calix is typing...

Calix Mariano: Welcome :)

OMG. Nagrereply siya. Super kiliggggg. :">

Dati, abot tingin ko lang siya, ngayon konti na lang, magiging malapit na kami sa isa't-isa.

*flashback*

Kumukuha ako ng application form para makapag-take ng entrance exam dito sa San Isidro University. Jusko naman. Sana naman hindi na ako maabutan ng cut-off. Pangalawang punta ko na 'to dito dahil nung unang beses cut off daw.

"Ok na. Dun ka na sa next step." Sabi nung mataray na nag-assist sa'kin.

Papalapit na ako sa pila para sa next step, nang may lalaking nakatingin sa'kin.

Payat. Matangkad. Maputi. Cute.

Nakuha ko pang lumandi. Ano baaaa! Hahaha.

Wait.

Parang kilala ko yata 'to ah?

OMG. Siya yung kalaro dati ng mga kapatid ko nung mga bata pa kami. Tapos pupunta siya sa bahay namin para makipagkwentuhan sa mga kapatid ko. Tapos sinisigawan ko pa nga siya eh. Haha. Iniirapan ko pa siya nun. Kasi crush ko siya. Hahaha. Syet. Kapitbahay ko to!!!!

Tumangkad na siya. Dati hanggang balikat ko lang ata siya, ngayon ako na hanggang balikat niya. We're meant to be!!!!!

Chos. :')) landi lang.

Nagkatitigan kami ng matagal. Gusto ko sana siyang kausapin kaso nahihiya ako. Baka kasi masyadong obvious na malandi ako. Haha. Hahanapin ko na lang siya sa facebook.

"BESSSSSS! ANG GWAPO NUNG NAKATABI KO!" Kinikilig kong sabi kay Devon

"Saan?"

"Ayun oh." Sabay turo ko kay kuyang pogi. Hehe

"Hindi naman. Ang payat! Mga taste mo talaga!"

:Oy gwapo kaya."

"Naku. May Lawrence ka pa. Baka mag-away na naman kayo kapag nalaman niya yang sinasabi mo ngayon."

Oo nga pala. May Lawrence nga pala. Nakalimutan ko na. Para kasi akong walang boyfriend. Minsan lang magtext. Kapag susunduin niya ako sa umaga tapos hahatid niya ako pauwi, hindi kami nagkwekwentuhan. Parang wala lang.

Ayan! Nawala tuloy sa paningin ko si Kuyang Pogi. Sayang naman. Hindi ko man lang siya nakausap. Nahiya kasi ako eh.

"Tss. Alis na nga tayo. Mag-halfday ako sa school. Baka kasi hanapin ako ni Law. Hindi ako nagpaalam na pupunta ako dito. Tsaka baka hintayin niya ako mamayang uwian."

"Lawrence na naman. Bahala ka na nga diyan."

"Ito naman... Kailan ka mag-entramce exam?"

"Di ako pwede eh. Naguguluhan sila sa address ko. Cavite yung home address pero ang school address Manila."

"Sayang naman. Edi babalik ka pa dito next week?"

"Oo eh. Sasama ko na lang si Papa."

"Ako sa Dec 12 na exam ko. Sana ka-room ko si pogi" hinahampas ko na sa kilig si Devon.

"ANG LANDI NAMAN! KUNG KINIKILIG KA, WAG MONG IBUHOS SAKIN. LECHE TO."

Di ko na talaga mapigilan. Kailangan ko siyang makausap. Kahit ako pa gumawa ng move, basta makilala ko siya gagawin ko.

Finding the Right LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon