Chapter 19

71 8 0
                                    

Today is the day. Monthsary namin ni Lawrence. Sana naman maalala niya. Ilang beses na rin kasi niyang nakakalimutan. Kung sabagay, madalas naman naming kalimutang may karelasyon kami.

Bakit ako naging cold sa kaniya?
1. Naglilihim siya sa'kin. Ang facebook, iba ang password. Ang celphone, may code. Ang wallet laging nasa bag. Ang bag naka-padlock. Buruin mo, backpack may padlock! Tapos wala raw tinatago. Kalokohan!!
2. Magtetext lang yan kapag trip niya. Tapos ang sasabihin, "Good morning. Kumain ka na? Gawa mo? Good night" . He don't even ask what's happening in my life. If I won't ask, he won't tell me things. Ang sarap kausap. Isang tanong isang sagot. Wala man lang explainations. Kaloka.
3. Kasi manloloko siya.
4. Insensitive siya
5. At marami pang mga rason na kinaiinis ko sa kaniya.

Minsan nga napapaisip din ako kung paano ko natatagalan yung taong yun eh. Hindi ko na lang din siya pinapansin, tutal wala rin namang patutunguhan yung pag-aaway namin. Talagang siya na lang ang hinihintay kong bitawan yung relasyon namin.

  

From: My Prince :">
nandiyan na yung sundo mo

Tsk. Hindi naman niya kailangan pang itext yun. Hayyy.

"Nandiyan na pala si Lawrence." Sabi ni Manang Lisa.

"Sige po manang. Papasukin niyo na lang, Paki sabi po na maghintay na lang sa sala, at bababa na rin po ako."

Minsan napapaisip ako kung bakit pa ako sinusundo nito bago pumasok tapos ihahatid ako sa bahay pauwi. Siguro para ipakita lang sa tao na may GF siya? Ewan ko ba dun. Ang plastic. Sa harap ng maraming tao parang ang bait-bait niya.

From: My Prince :">
Ingat ka pagpasok ha. :*

To: My Prince :">
Ikaw din po ingat. :*

Baka kasi sabihin ni Lawrence ang tagal-tagal ko eh. Hindi pa ako nakakatapak  sa huling step sa hagdanan, nakita ko nang nakakunot yung noo niya.

"Ang tagal mo naman! Ma-late na tayo oh. Hindi naman ganun kalapit yung school na parang isang talon lang nandiyan na. Maghihintay pa tayo ng jeep."

Sabi ko na nga ba't mag-aala bulkang mayon to eh.

"Edi sa susunod wag mo akong sunduin. Marunong naman akong pumasok sa school. Hindi ka obligadong sunduin ako."

"Ayaw mo bang sunduin kita sa umaga?"

"Ayoko. Ang dami mong reklamo."

Ayan lalong kumunot noo niya. Lalo niya tuloy naging kamukha si Grumpy. Hahahaha.

  

From: My Prince :*
Pwede bang sunduin kita mamaya? Ako na lang maghahatid sa'yo pauwi.

Napangiti naman ako sa text niya. Ang pilit talaga nitong lalaking to. Haha.

To: My Prince :">
Hindi po pwede. Baka may makakita sa'tin. Syempre ano na lang iisipin nila."

Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong ipaglandakan kung gaano ako kasaya sa piling mo.

 "Oh anong nginingiti-ngiti mo diyan? Ma-late na tayo!"

"Paki mo?! Edi pumasok ka. Tignan mong may katext pa ako eh."

"Sino ba yang katext mo?" Sabay hila ng phone ko. "Ayos ah!! Ang code nito? Tanggalan mo ng password to!!!!"

"Wala kang pakialam! Sino ka para  sabihan ako ng gagawin ko?"

"Boyfriend mo!"

"TALAGA?! NGAYON BOYFRIEND KITA?! KAILAN KA UMAKTO NG TOTOONG BOYFRIEND?!"

"Wow."

"Wow talaga. Pumasok ka mag-isa mo! Magtataxi na lang ako."

--------------

  

"Bakit naka-busangot yang mukha mo bespren?"

As usual, usisera talaga 'tong Si Devon.

"Nabwisit ako kay Lawrence eh. Kapag ako may lock yung phone, bawal. Kapag siya pwede. Bwisit lang."

"Ganiyan talaga ang mga lalaking yan! Sa una, pwede mong pakialaman lahat ng gamit nila. Kapag nagtagal na, unti-unti nang may itatago sa'yo." Sabi ni Britney, isa sa mga kaibigan namin ni Devon.

"Hahahaha. Nawala tuloy yung pagkainis ko. May pinaghuhugutan ka ba 'te?! Hahaha."

"Wala naman. Hahahaha." sabi ni Britney

"Wala naman pala eh.. gagang to. Haha" sabi ni Devon

"Kailan ka ba matatauhan Angelique?" Tanong ni Britney.

"Natauhan na yan. May kalandian na ngang bago eh. Hahahaha"

Epal talaga 'tong si Devon oh.

"Meron na? Anong pangalan? Taga-saan? Gwapo ba?"

"Ang daming tanong te? Hahahaha. Calix Jayce Strong name niya. Kapitbahay ko. Sa La Salle nag-aaral. Graduating din ng High School. Yes, gwapo talaga!"

"Paano kayo nagkakilala?"

Kinuwento ko sa kaniya lahat, mula sa pagiging magkababata namin, ang pakikita sa San Isidro University, ang paglalandian sa chat. Lahat. Lahat-lahat.

"So lagi na kaming magkatext. Sa pagligo at kapag nasa school lang hindi kami magkatext. Nai-in love na nga ako sa kaniya e. Konti na lang, mahal ko na siya."

"Bakit hindi pa maging kayo?!"

Usiserang Britney talagaaaaaa!

"Hindi pa pwede. Hindi pa kami hiwalay ni Lawrence. Sabi naman ni Calix maghihintay naman daw siya eh."

"Kahit marunong pa yang maghintay, kapag bumalik ang ex niya, magkakabalikan sila. Pustahan pa tayo."

"Hindi naman siguro."

Sana hindi nga. Hayyy. Gusto na kita Calix. Sana magkapag-hintay ka.

Finding the Right LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon