Chapter 14 B

107 8 5
                                    

What the?! Bakit ganito text niya? Anong irereply ko. Fudge brownies naman..

Haizt. Bahala na nga. :l

To: Kuya :">
Alam ko. Wala naman na akong paki na sa relasyon namin eh. Manloko siya, so what? Hindi ko naman kawalan yun.

Ang tagal niya namang magreply. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Makakatulog na ata ako. Minsan ko nga lang siya makakakwentuhan ng ganito, nawala pa nang parang bula si Kuya. </3

 Charot. 17 minutes pa lang siyang hindi nagrereply hahahaha.

Bzzzztt....
1 message received

Sana si Calix 'to!

From: Kuya :">
sinasayang mo lang oras mo sa kaniya. Baka dumating yung araw na magsisi ka kasi nakita mo na pala yung taong para sa'yo pero nakakapit ka pa rin sa pasakit sa buhay mo. ano bang pangalan niyan?

Bakit ganun mga reply nito? Hahahaha. Parang galit sa mundo.

To: Kuya :">
Lawrence Del Castillo. Tama na tungkol sa'kin. Anong pangalan ng GF mo?

From: Kuya :">
Janine Imperio. Magkwento na ako ha? Hindi ko siya kaklase, hiningi ng kaibigan niya yung number ko. Syempre gwapo ako kaya binigay ko. Hahaha.

To: Kuya :">
Ang humble mo rin po e 'no?! :))

From: Kuya :">
oo naman :P tuloy ko na kwento ko. ilang araw din kaming magkatext, tapos bigla niyang inamin na may gusto pala siya sa'kin. edi tinanong ko kung gusto ba niya akong maging bf, sabi nya oo edi naging kami na :D

To: Kuya :">
So proud ka pang ikaw ang niligawan? Hahahaha. Eh, gusto ka naman pala niya tapos siya pa nga ang lumapit. Bakit kayo naghiwalay?

From: Kuya :">
sabi niya mahigpit daw ako. anong kinahigpit nang ayoko lang siyang nakikipag-inuman sa mga lalaki? syempre may bf sya tapos puro kasama niya lalaki at wala pa ako dun, ano na lang sasabihin ng ibang tao? tsaka paano naman kung may mangyari sa kaniyang hindi maganda? edi ako pa sisisihin ng mama at mga kapatid nya? hindi pa nga aprub sa erpat niya na maging kami e. sabi niya gusto niya ng space edi binigay ko, hindi ko naman lubos akalain na break-up pala ang gusto.

To: Kuya :">
Bakit mo kasi hinayaang makipaghiwalay kung ayaw mo naman pala.

From: Kuya :">
mahal ko eh. kung mas sasaya siya kapag hinayaan siya, edi dun siya.

Shit. Bakit nasasaktan ako sa nabasa ko. :( hindi ako nasasaktan para sa kaniya. Nasasaktan ako kasi sinabi niyang mahal pa niya yung ex niya

From: Kuya :">
Tapos ang tanga ko pa. Nakikipagbalikan ako tapos hinahayaan kong may nanliligaw sa kaniyang iba. Hinayaan ko pa nga silang magdate di ba?

Hindi ko alam irereply ko. Bakit ganito siya? Hindi ba niya nararamdaman na nasasaktan ako? Emote lang! Hahahaha. Sabagay hindi pa naman niya nahahalata na may gusto ako sa kaniya haha.

From: Kuya :">
Ate, gising ka pa ba?

From: Kuya :">
Tulog na ata prinsesa ko....

What?! Prinsesa niya?! What?! Hindi ko alam irereply ko. What?! KINIKILIG KO ANAK NG TOFU! =)) Hindi ko na lang siya rereplyan. Kunwari natulugan ko siya haha

From: Kuya :">
puyatan daw pero nauna ka nang natulog haha good night princess

Good night din prince. Mwah!! Hehehe. Wish ko lang na kaya kong i-send sa'yo to. Kaso wala na pala akong load. Na-expire na unli ko. =((

From: Kuya :">
"You'll never find the right person if you will never let go of the wrong one."
ang malas natin sa mga karelasyon natin 'no? sana tayo na lang :/ akin ka na lang.

Finding the Right LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon