Chapter 34

59 6 0
                                    

Wala kaming  klase ngayon buong araw sa SIU. Nakakatamad. Hindi kasi nagsipagpasok yung mga prof namin. Kesyo may meeting daw tungkol sa bagong patakaran ng school.

Ang saya pala sa college. Akala ko puro aral lang kasi sabi ng iba puro self study. Mali pala ako. Mas marami palang walang klase, lalo na kung puro minor subject pa lang yung tine-take. Pwedeng-pwede ring magfree-cut kapag hindi mo trip attend-an yung subject mo. Di katulad noong highschool na required ka pumasok, tapos kapag nahuli ka na cutting classes, papupuntahin ka sa detension. Yun nga lang ngayong college may limit ang pag-absent, kasi kapag sumobra, ma-drop na.

Dahil nga walang klase ngayon, nandito kami sa isang bilyaran na malapit sa SIU. Kasama namin si Hellen, Ace (boyfriend ni Hellen), at si Britney. Magkaklase pa rin si Hellen at Britney, tourism ang course. Tapos si Ace naman hindi na nag-aaral kasi laging naka-buntot kay Hellen. Sakto walang klase sila Hellen kaya nagkayayaan magbilyar.

"Jayce, siya si Hellen, siya naman si Ace na boyfriend ni Hellen, tsaka si Britney. Mga kaibigan ko nung highschool."

"Uy Jayce, balita ko marunong ka raw magbilyar." Sabi ni Britney.

"Ah. Oo. Naglalaro ako kapag kasama ko ate ko."

"Tara. Laro tayo." Aya naman ni Ace.

"Sige tignan natin galing mo, Jayce!" Sabi naman ni Britney.

"Ikaw Angelique?" Tanong ni BebeLoves ko. Hihi.

"Doon na lang ako sa table. Samahan ko na lang si Hellen."

"Sige hon."

Hindi ko na namalayan na hinalikan na pala niya ako sa cheeks. Sanay na ako sa paghalik-halik ni Jayce sa'kin. Di ba nga, hindi pa kami pero nagki-kiss na kami. Pero minsan kasi unexpected siya mangkiss eh. Kaya namumula na naman ako.

Kapag malapit siya sa'kin, bumibilis yung tibok ng puso ko. Kaso sabi ng iba:

Masama yung masyadong mabilis yung pagtibok ng puso mo para sa taong iniibig mo, kasi baka malayo na yung marating ng pag-ibig mo para sa kaniya, pero siya nasa stop-over na pala.

Kaya natatakot ako na mahulog ng sobra kay Jayce. Kasi wala pa namang kasiguraduhan na kami na talaga forever.

"Hoy sis. Ang lalim naman ata ng iniisip mo."

"Istorbo ka talaga, Hellen. Nagmo-moment yung tao eh."

"Ay tao ka pala. Akala ko demonyita."

"Ang sama mo naman!"

"Hahahahah. Joke lang!"

"Leche ka, Hellena ha! Ano bang trip mo?!"

"Wala. Magtatanong lang ako. Ikaw naman!"

"Ano bang tanong mo?!"

"Mahal mo na talaga siya 'no?"

Mahal ko na nga ba talaga?? Oo eh. Mahal ko na. Mahal na mahal.

"Oo sis e"

"Alam mo ang swerte mo sa kaniya, natatagalan niyang ganiyan yung status niyo, walamg commitment. Kung ibang lalaki siguro, matagal nang tumigil sa panliligaw sa'yo."

"Oo nga eh. Balak ko na siyang sagutin."

"Talaga? Kailan?"

"Basta malapit na."

Sa dami ng napag-usapan namin ni Hellen, hindi namin namalayang naka-isang oras na rin palang naglalaro ng bilyar yung tatlo.

"Grabe. Na-miss ko maglaro!!"

"Kailangan isigaw, Britney?"

"Masyado ka namang nakikialam, Hellen."

"Naku Jayce. Pagpasensyahan mo na yung mga kaibigan ko. Ganiyan lang talaga sila."

"Okay lang. Haha. Ang saya nga nilang kasama eh."

"Angie, ang galing pala ni Jayce mag-bilyar e."

Lechemg Britney 'to. May gusto pa ata kay Jayce! May not pa-beautiful eyes, beautiful eyes pa siyang nalalaman. Kulang na lang magkaroon ng shinning shimmering splendid yung mga ata niya.

"Oo nga. Next time pare laro ulit tayo." Sabi ni Ace

"Oo nga Jayce. Gusto ko ng re-match! Tinalo mo ako kanina eh." Pagrereklamo ni Britney.

Hindi ka na kasama sa susunod!! Kainis na  babae 'to. I've known Britney for 4 years now. I know what she's doing. She's seeking for Jayce's attention, to win Jayce's heart.

But na-uh.

Jayce is my mine. And I am his.

"Sige lang haha"

As always, ganiyan naman talaga mga sagot ni Jayce.

"Sa susunod hon, maglaro ka na rin."

"A-ah e-eh. H-hindi ako marunong hon eh." Nauutal-utal kong sabi.

"Yaan mo. Tuturuan kita"

*wink*

Juice colored po. Ayan na naman po siya sa pagpapakilig niya. Sobrang gwapo niya talaga. Lalo siyang nakaka-in love.

Habang naglalaro sila kanina, nakapag-connect ko ang bilyar at pag-ibig.

Sa larong bilyar, iisang bola lang yung gamit para mapapasok mo yung iba pang mga bola. Parang sa pag-ibig, iisang tao lang ang makakapagpa-hulog ng puso mo ng paulit-ulit.

Sana si Jayce na yung bolang hinahanap-hanap ko.

Finding the Right LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon