Chapter 1

1.1K 29 1
                                    

Si Hanamichi Sakuragi ay sumali sa basketball team ng Shohoku para mapansin at mapasaya ang kanyang crush na si Haruko Akagi.

Dumaan sa mga basic skills training ng basketball si Sakuragi para makatulong sya sa opensa at depensa ng Shohoku team. Ang dating gung gong at walang alam sa basketball ay unti unting natuto at naasahan ng team, dahil na rin sa gabay ni Coach Anzai, ni Ayako ang manager ng team ng Shohoku, kanyang teammates, mga kaibigan nya at ni Haruko.

Mito's Residence

Hanamichi bukas makakalaban nyo ang Shoyo, pangalawa sa pinakamagaling sa Kanagawa. Sabi ni Mito habang nakatingin ky Hanamichi.

Wala akong pakialam kung pangalawa sila sa Kanagawa o kahit sa Japan pa. Tatalunin ko sila, ako ang magpapapanalo sa team at ilalampaso ko ang mayabang na si Rukawa. Bulalas ni Hanamichi

Si Rukawa ilalampaso mo? Sabi ni Takamiya

Ikaw ang magpapapanalo sa team? Sabi ni Noma

Eh ikaw ang hari ng bokya. Sabi naman ni Ohkusu

At sabay sabay tumawa ang tatlo na nakatikim naman ng tig iisang head-butt.

Ayan tuloy, kayo talaga hilig nyong alaskahin si Hanamichi. Sabi naman ni Mito.

Tapos pag natalo ko ang Shoyo ang Kainan naman at saka ang Ryonan.Tatalunin ko na si Sendoh, nyahahaha. Natutuwang sabi ni Hanamichi.

Teka Hanamichi, nakapagtapat ka na ba ky Haruko? Nasabi mo na ba na kaya mo ginagawa ang lahat ng to ay para mapansin ka nya, mapasaya mo sya at magustuhan ka nya? Seryosong tanong ni Noma

At natahimik ang apat nag iintay ng sagot ni Hanamichi.

Hehehe hindi pa nga eh.. Nahihiya kasi ako puro kapalpakan ako sa mga nagdaang laro. Pero paggumaling pa ako saka ako magtatapat. Seryosong sagot ni Hanamichi.

Eh paano kung kahit ginawa mo na ang lahat para manalo ang team ay si Rukawa pa rin ang gusto ni Haruko,anong gagawin mo Hanamichi? Tanong naman ni Takamiya

Natahimik si Hanamichi at sinabing, Hindi ko alam, baka gumuho ang mundo ko, si Haruko iba sya, kaya ako nagpupursigi para may mapatunayan sa kanya. Pag si Rukawa pa din sa huli hindi ko alam baka tumigil na ko na ko sa paglalaro. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung dumating yung 51st Hearache ko.

Sya sya lets sleep na at may laro ka pa bukas. Dito na kayo matulog. Sabi ni Mito

At duon na sila natulog magkakaibigan.

Hanamichi Sakuragi's 51st HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon