Chapter 6

543 22 4
                                    

Araw ng Sabado

Maagang gumising si Kumi, excited syang manood ng game ng Shohoku at Kainan.

"Yes, this is it. Mapapanood ko na ulit sya maglaro. Hanamichi Sakuragi makikilala din kita" sabi ni Kumi sa sarili at naligo na.

Sa Shohoku quarters

"Ito na ang matagal kong pangarap, ang makaharap naten ang team na number 1 sa Kanagawa ang Kainan. " sabi ni Akagi sa kanyang teammates.

"Humanda ang Kainan na yan sa henyong si Hanamich Sakuragi!" Sigaw ni Hanamichi

"Aba mukang di ka kinakabahan Sakuragi? Hohoho" sabi ni Coach Anzai

"Aba oo naman Tatang, ako pa! Nyahaahaha" pagyayabang ni Hanamichi

"Gung gong" bulong ni Rukawa

"Anong binubulong bulong mo jan Rukawa" sigaw nanaman ni Hanamichi

Bugsss! At nakatanggap nanaman ng bukol si Hanamichi mula kay Akagi.

"Maglalaro tayo ng buong galing at lakas. Lahat ng natutunan at galing nyo sa basketball ilabas nyo sa labang ito. Tatalunin naten ang Kainan" sigaw ni Akagi

OO! Sigaw naman ng buong team

"Oo tatalunin naten ang Kainan, tapos tatalunin ko si Sendoh at sa huli ilalampaso ko ang mayabang na si Rukawa." Sabi ni Hanamichi sa isip nya habang nakangiti sa kawalan.

Biglang Bugsss!

"Aray, Gori naman"sabi ni Hanamichi

" Tara na Sakuragi" sabi ni Akagi

"Oo Gori" sunod ni Hanamichi

At pumunta na sila sa court para magwarm up.

Sa isang resto nag iintay si Kumi kay Hanagata, sabay silang manonood ng game ng Shohoku laban sa Kainan

"Ay grabe late nanaman sya." Sabi ni Kumi sa sarili

"Hi Ms. Aiwa ng buhay ni Hanagata" bati ni Fujima

"Hi Captain" bati naman ni Kumi

"Aba hanep sa porma ah, muka ka atang babae ngayon." Pang aasar ni Hanagata ky Kumi

"Hoy! Hanachan ng buhay ko late ka nanaman." sigaw ni Kumi at yumakap nanaman kay Hanagata

"Chill Kumi, di ako late maaga ka lang talaga" paliwanag ni Hanagata

"Hmmmm sandali lang, diba kaya ka lang naputa dito sa Kanagawa para mapanood si Hanagatang maglaro? Eh wala naman kameng laro ngayon. Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ni Fujima

"Alam mo Fujima may iba na syang gustong panoodin dito, nagseselos na nga ako." Sabi ni Hanagata

"Ah ganon ba? Mukang sa team ng Shohoku yan ha? Si Rukawa ba?" tanong ni Fujima

Umiling si Kumi. At bumitiw ng pagkakayakap kay Hanagata

"Si Mitsui?" Tanong ni Hasegawa

"Si Hanamichi Sakuragi, ang tumalo kay Hanachan ng buhay ko sa taas sa pagtalon, sa rebound at pinabagsak pa sya para sa isang napaka gandang Slam Dunk." Namumulang sagot ni Kumi

" waaaaaaa.... Sa dame ng pede mong mapansin yung gung gong na yun pa." sabi ni Hasegawa na napakamot ng ulo.

"Di sya gung gong, ang cute nga nya eh." Sabi ni Kumi

" Hehehehe yun na nga eh. Mukang yun ang ipapalit nya saken." Nakatawang sagot ni Hanagata

" Hanachan ng buhay ko, gusto ko lang syang mapanood. Ikaw crush kita, gusto kita at mahal kita. Magkaiba yun," paliwanag ni Kumi

" ayiiii.... Hanagata bakit ba ang pakipot mo?" tanonh ni Fujima

"Hayy... heto nanaman po kame." Sabi ni Hanagata at napahinga ng malalim

Sumimangot naman si Kumi

" oh sya sya tara na, para mapanood mo na si Hanamichi ng buhay mo" pang aasar ni Fujima ky Kumi

Namula naman ang muka ni Kumi at ngumiti.

"Hala naloko na talaga" sabi naman ni Hasegawa na napatingin kina Fujima at Hanagata

At pumunta na sila sa court para manood.

Sa loob ng court

"Tamang tama ang dating naten malapit ng mag umpisa." Sabi ni Ikagami

"Dito tayo maupo, Kumi tabi kayo ni Hanagata ng buhay mo." Utos ni Fujima

"Syempre naman Captain" sagot ni Kumi at nag smile kay Fujima

"Aba sino yung babaeng kasama nung mga taga Shoyo? Ang ganda at ang tangkad nya. Mukang basketball player din" usisa ng mga lalaki sa likod nila.

Lumingon naman si Kumi sa kanila at nag "HI..." sa mga lalaki pinag uusapan sya.

"Wow ang ganda na ang bait pa." sabi ulit nung mga lalaki

"At nagpacute pa talaga sya." Sabi ni Hanagata

"FYI! Di ako nagpacute noh, binati ko lang sila." Paliwanag ni Kumi

"Bakit Hanagata? Selos ka ba?" tanong ni Fujima

Napanganga na lang si Hanagata

"Ayaw mo pa kasing jowain para may K kang magselos." Natatawang sabi ni Hasegawa

Naputol naman ang usapan nila ng makita nilang nasa gitna ng court sina Hanamichi at si Kiyota. At nagpapasikat sa gitna. Nagtry magdunk si Kiyota samantalang nagpakita ng husay sa ball handling si Sakuragi.

"Kumi yung bago mong crush" turo ni Hanagata

Napatulala naman si Kumi sa husay ni Hanamichi sa ballhandling.

"Ang galling" bulong ni Kumi

"Bakit ba iba ang itinuturo mo sa kanya, gusto mo din naman sya." Sabi ni Fujima sa isip nya habang nakatingin kay Hanagata

"Hala! Natulala na!" Sabi ni Hasegawa

Natigil naman ang kalokohan nung dalawa nina Hanamichi at Kiyota ng bigla silang binatukan ng kanikanilang Captain. 

Hanamichi Sakuragi's 51st HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon