Chapter 5

540 22 2
                                    

Aiwa Gakuen High School Gym

"Magandang umaga girls. Ready na ba kayo para sa game nyo bukas? "Tanong ng team manager na si Hannah.

"Yes naman, always ready." Sagot ni Kumi

"lagi ka namang ready to fight Kumi" ngiting sabi ni Miah teammate nya

"Tama si Kumi always ready dapat." Pagsang ayon ni Rica, Captain at center ng kanilang team.

"Paalala ko lang Jousei High ang kalaban nyo. Sila ang pinakamagaling at pagnatalo tayo laglag na tayo. Di tayo makakasali sa interhigh." Paalala ng coach nila.

"Opo coach,gagalingan po namen bukas". Sabay sabay na sagot ng mga players.

Kinabukasan

Nagsisimula na ang game between Aiwa and Jousei dumating si Hanagata. Gusto nya namang mapanood si Kumi at magpakita ng suporta sa dalaga. Naupo na si Hanagata para manood.

"Wow taga Shoyo, ang tangkad at ang gwapo nya" bulungan ng mga babae sa tabi ni Hanagata

"Sino kayang pinapanood nya at dumayo pa sya dito? Swerte naman naman non." Bulong pa nung isang babae.

Ang bilis talaga nyang gumalaw sa loob ng court, akala mo di babae. Bagay na bagay talaga kame, este bagay na bagay sya bilang point guard. Sambit ni Hanagata sa sarili nya.

Gusto din naman ni Hanagata si Kumi, pero naiinis sya sa sobrang pagiging prangka nito at pala biro, di nya malaman kung kelan seryoso o hindi. Kaya di nya maamin sa dalaga ang kanyang nararamdaman.

"Nakuh masama ito, lumalaki na ang lamag ng kalaban, pagod na din sina Kumi at ang teammates nya. " Nag aalalang sabi ni Hanagata .

At natapos nga ang laban sa dalawang kuponan. Natalo ang Aiwa sa score na 88 to 72. Napaiyak ang team ng Aiwa dahil di na sila makakasali sa interhigh. After ianunsyo ang nanalo ay nagsiuwian na ang mga players ng Aiwa.

Sinalubong ni Hanagata si Kumi sa labas ng gym.

"Kumi ang buhay mo. " At tinuro ng teammates nya si Hanagata at kinilig sila.

"Sana all my todo suportang jowa." Sabi ni Rica

"Di ko sya jowa, di nya ko crush, di nya ko gusto at di nya ko mahal" sagot ni Kumi

"Sana all my uber gwapong jowa.OMG" Pang aasar naman ni Beth na nagsmile ky Hanagata at tinulak si Kumi sa kanya.

"Uulitin ko di ko sya jowa, dahil hindi nya ko crush, hindi nya ko gusto at di nya ko mahal." Inis na sagot ni Kumi

"Grabe ang prangka nya talaga, napapahiya na ako," sabi ni Hanagata sa isp nya

"Kumi mauna na kame. Bye Mr. Shoyo" .pagpapaalam ng mga teammates ni Kumi

'Nice game girls, maganda ang larong pinakita nyo. Ingat kayo". Pagpapaalam ni Hanagata

"Bye sa inyong dalawa, Mr. Shoyo ingat ka jan kay Kumi baka itanan ka nyan." Nakangiting sabi ni Rica

Nagsmile si Hanagata

"Hanachan ng buhay ko bakit ka nandito? Ginulat mo naman ako." Tanong ni Kumi habang nakayakap ky Hanagata

"Ano bang tanong yan? Nandito ako para suportahan ka sa game nyo. Ayaw mo ba? "Sagot ni Hanagata

"Sinabi ko ba? kasi ngayon mo lang ginawa ito, kasi ako lagi ang gumagawa ng ganyan para sayo." Paliwanag ni Kumi

"Hehe,nakakatuwa ka talaga." Sabi ni Hanagata

"Yan nanaman yung nakakatuwa ako, talo na nga pinagkakatuwaan pa." At napahinga ng malalim si Kumi

"Hehe same naman tayo ng nararamdaman." Sabi ni Hanagata

"HAH? Same? Meaning Crush mo din ako? Gusto mo din ako? Mahal mo din ako?" Galak na tanong ni Kumi habang nagniningning ang mga mata

"Ah eh hindi yun Kumi, diba natalo din kame sa game at di na din kame makakasali sa interhigh, kaya ko nasabing same tayo ng nararamdaman." Paliwanag ni Hanagata

"Ang eng eng mo talaga Hanagata...Oo na lang sana sinagot mo..." sabi ni Haagata sa isip nya

"Ah yun ba yun. Yun lang pala yun. Okey.." Malungkot na sagot ni Kumi

"OH bakit ka malungkot? Di bagay sayo." Sabi ni Hanagata

"Eh ano naman sayo kung sad ako.diba wala lang naman sayo yun." Malungkot na tugon ni Kumi

"Okey okey para sumaya ka remember Sabado na bukas. Manonood tayo ng game ng Shohoku." Paalala ni Hanagata

Biglang nabuhayan su Kumi. Biglang bumilis heartbeat nya, naalala nya ang cute na si Hanamichi.

"Makikita ko na ulit maglaro si Hanamichi, excited na ko Hanachan ng buhay ko." Masayang sabi ni Kumi

"Ang bilis naman magbago ng mood nya, pero be careful naman sa feelings ko Kumi. " Sabini Hanagata sa isip nya.

Hanamichi Sakuragi's 51st HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon