Chapter 8

547 22 4
                                    

Shohoku gym

"Simula na ulit ng training, may dalawa pa tayong laban at hindi na tayo maaring matalo sa mga laban na iyon." Paliwanag ni Akagi

"Akagi, wag ka munang magpractice at baka lumala ang iyong injury." Sabi ni Coach Anzai

"Opo coach" sagot naman ni Akagi

"Teka bakit wala pa si Hanamichi Sakuragi?" Tanong ni Ayoko

"Baka iniisip pa rin nya yung pasa nya, baka nahihiya sya." Sabi ni Miyagi

"Aba marunong palang mahiya yun" sabi naman ni Mitsui

"Gung gong kasi" bulong naman ni Rukawa

______________

Magkaka usap naman sina Mito, Okusu, Noma, Takamiya at Haruko.

"Hindi pa rin pumapasok si Hanamichi" sabi ni Takamiya

"Oo nga patatlong araw na syang absent." Sabi naman ni Noma

"Nangyayare lang ang ganito pag may babaeng bumabasted sa kanya." Sabi ni Okusu

"Nakuh baka magpatiwakal nayon." Dagdag ni Mito

"Hindi naman, kahit na natalo sila maganda ang ipinakita nyang laro." Pag tatanggol ni Haruko

"Oi pinagtatanggol nya, teka Haruko, crush mo ba si Hanamichi? " Tanong ni Takamiya

"Hah? Crush ko si Sakuragi, nakuh hindi noh.kasi ang crush ko ay si Rukawa, si Rukawa lang." namumulang sagot ni Haruko

"Kawawang Hanamichi, di pa nagtatapat basted na." sabi ni Okusu habang nagkakamot ng ulo.

_____________

Nasa Kanagawa si Kumi dahil sumama sya sa Papa nya para bisitahin ang isang pasyente.

"Sana makita ko sya" sabi ni Kumi habang naglalakad lakad.

Nang may nakita siyang lalaking naka upo sa park, pula ang buhok nito. Nanlaki ang mata ni Kumi ng makita nya na si Hanamichi yung naka upong iyon. Di nya malaman kung bakit bilang bumilis ang tibok ng puso nya, na dati ay nararamdaman nya lang pag nakikita nya si Hanagata. Bumalik sya sa car nila at inayos ang kanyang buhok. At lumapit sya kay Hanamichi na nakayuko.

"Hi, pedeng maupo sa tabi mo?." Tanong ni Kumi

Pero parang di sya narinig. Kaya naupo sya sa harap ni Hanamichi saka nagHI ulit.

"Hi, pede maupo sa tabi mo?" tanong ulit ni Kumi

"Hah? Oo sige maupo ka, hindi naman saken yang upuan." Seryosong sagot ni Hanamichi

"Thank you!" sabi ni Kumi at nagsmile kay Hanamichi

"Sino kaya itong makulit pero magandang babaeng ito." Sabi ni Hanamichi sa isip nya

Nang biglang may dumaang ice cream. Walang maisip sabihin si Kumi kaya tinuro nya kay Hanamichi ang ice cream at nagpalibre sya dito.

"Ice cream oh, libre mo naman ako ng ice cream." Request ni Kumi kay Hanamichi sabay smile

"Oo nga ice cream, pero sorry Miss, wala kasi akong pera eh." nahihiyang sagot ni Hanamichi

"wow ang honest nya, bibihira sa mga lalaki ngayon ang ganito." sabi ni Kumi sa isip at tumayo para bumili ng ice cream

Lumapit si Kumi sa ice cream vendor para bumili ng dalawang ice cream and then bumalik kay Hanamichi na may dalang dalawang chocolate ice cream. Inabot nya kay Hanamichi ang ice cream

"Para saken to? Pero wala akong pambayad Miss. Sorry." Nahihiyang sabi ni Hanamichi

"Libre ko sayo kasi pinayagan mo akong maupo sa tabi mo." Sagot ni Kumi and then she smile

" Naalala ko tuloy sa kanya si Haruko, maganda na mabait pa." sabi ni Hanamichi sa isip nya

At tinanggap na ni Hanamichi ang ice cream. Tahimik silang kumain, ramdam ni Kumi ang lungkot ni Hanamichi dahil sa pagkatalo nila, ayaw naman nyang magtanong kasi baka lalo lang syang malungkot. At ng maubos na ni Kumi ang ice cream nya. Tumayo ito at nagpaalam na kay Hanamichi.

"Aalis na ako, thank you ulit sa pagpapaupo mo saken sa tabi mo" pagpapaalam ni Kumi

Magsasalita na sana si Hanamichi para magpasalamat ng hinalikan sya ni Kumi sa pisngi at nagtatakbo palayo kasi nahihiya sya.

Natulala si Hanamichi at nasabi "Bakit nya ginawa yun. Di ko man lang natanong ang pangalan nya. Pero nung katabi ko sya kanina pakiramdam ko may karamay ako sa kalungkutan ko at may nakakaunawa saken."

"Sana kahit papano napagaan ko ang kalooban mo." Bulong ni Kumi ng makabalik sa car ng papa nya.

Hanamichi Sakuragi's 51st HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon