Chapter 15

510 19 4
                                    

Dahil natalo ang Shohoku sa 3rd game nila bumalik na sila sa Kanagawa, dumeretso muna sila sa gym ng Shohoku para magkaroon ng maiksing meeting.

Shohoku gym

"Dahil wala na tayong laro simula sa Lunes balik na tayo sa classroom para umattend ng mga klase naten. Wag kayong magpapasaway sa mga teacher." Sabi ni Akagi

"Captain wala po ba talagang balita kay Hanamichi?" tanong ni Miyagi

"Hanggang ngayon ay wala, ayaw nyang ipaalam kung saang rehab sya dinala." Sagot ni Akagi

"Kahit gung gong yun nag aalala pa rin ako sa kanya." Sabi naman ni Mitsui

"Napansin nyo simula nung narehab si Sakuragi parang ang tahimik, parang nakakalungkot." Sabi ni Kogore

"Tama ka Kogore, aaminin ko gung gong sya pero malungkot pag wala ang maingay nay un." Pagsang ayon ni Ayako

"Sana umayos sya dun at wag puro kalokohan" bulong naman ni Akagi

"okey team uwian na." sigaw ni Akagi

At malungkot na nagsiuwian ang buong team.

Edogawa's Residence

"Yesssssssssssssssss... exam is over!" Sigaw ni Kumi pagkapasok sa kanya kwarto.

Naupo si Kumi at kinuha ang cellphone nya, Turn on.

"Two weeks din yun, 2weeks na walang cellphone, walang facebook, walang chat chat at walang Hanamichi, basta para sa ikakapround nina mommy at daddy gagawen ko." Sabi ni Kumi

Beep...

Beep...

Beep...

Beep..

"Kuh ang damen chat ni Hanachan, grabe maghahang phone ko nito." Bulong ni Kumi

"Kumi call me as soon as masaba mo ito." Chat ni Hanagata

"Hmmmm.... Bakit kaya?" tanong ni Kumi

Calling Hanachat ng Buhay Ko

"Hellow Kumi, sang planeta ka ba galing?" tanong ni Hanagata

"Hanachan, alam mo naman diba pag-Finals hindi ako nagpapa abala. Bakit ba?" tanong ni Kumi

"May dapat kang malaman tungkol kay Sakuragi mo." Sabi ni Hanagata

Kahit nagseselos si Hanagata concern sya kay Kumi at gusto nyang malaman nya ang nangyare kay Hanamichi.

"OMG baka may girlfriend na si Hanamichi, nakuh ikakamatay ko yun." Sabi ni Kumis a isip nya

"Hanachan ano ba yung tungkol kay Hanamichi? Kumusta ang laro nila? Nanalo ba sila?" sunod sunod na tanong ni Kumi

"Hays pag narinig talaga ang pangalan ni Hanamichi sunod sunod ang tanong. " sabi ni Hanagata sa isip nya

"Kumi nanalo sina Sakuragi laban sa Toyotama at Sannoh, maganda ang ipinakita ni Sakuragi sa mga laban nila. Pero na injury sya." Sagot ni Hanagata

"Ano, si Hanamichi na injury?" gulat at nanghihinang sagot ni Kumi

"Oo, ang balita ko kina Akagi fractured ribs, kaya kailangan nyang magpatherapy for 8weeks." Sabi ni Hanagata

"Bakit ko inuna ang sarili ko, napabayaan ko si Hanamichi." Malungkot na sabi ni Kumi sa saril

"Hanachan saang ospital sya nandun? Gusto ko syang puntahan." Umiiyak na sabi ni Kumi

"Sorry Kumi, walang nakaka alam, hiniling daw ni Hanamichi sa nurse ng ospital na wag sasabihin kung saan sya dadalhin." Sagot ni Hanagata

"Bakit, bakit ang ilap mo Hanamichi? Gusto kitang alagaan pero di ko alam kung nasaan ka." Malungkot na sabi ni Kumi sa sarili

"Kumi anjan ka pa ba? Pede ka namang magpatulong kay Tito para mahanap kung saang ospital sya nandun, diba may contact naman sya sa lahat ng ospital dito sa Japan." Mungkahi ni Hanagata

"Ah oo, pero busy na si Daddy, ayaw ko ng dumagdag sa mga dapat nyang intindihin. Ako na lang hahanap sa kanya." Sagot ni Kumi

"Okey, kilala kita pag gusto mo walang makakapigil sayo, pero call if need mo ng tulong." Sabi ni Hanagata

"Salamat Hanachan" sagot ni Kumi

Akagi's Residence

"Haruko may balita ka ba kay Sakuragi" tanong ni Akagi

"Wala kuya, simula nung dinala sya sa rehab di na sya nagrereply sa mga mensahe at chat ko." Sagot ni Haruko

"Nakakapagtaka lang, nung gabi iniwan namen sya ni Ayako okey naman sya. Pero nung bumalik kame nung umaga parang galit na galit sya at pinili na lang mag isa." Nag aalala ako sa kanya sabi ni Akagi

Hindi naman nakasagot si Haruko, alam nyang sya ang dahilan at sinaktan nya si Sakuragi. Naisip ni Haruko na tyak pagbalik ni Hanamichi ay nalimutan nya na yung nangyare at magiging okey na ang lahat.

Edogawa's Rehabilitation Center

Knock! Knock! Bumukas ang pinto ng room ni Hanamichi, isang matangkad na lalaki ang pumasok, nakasuot ito ng white ng coat.

"Kumusta ka Mr. Sakuragi" bati nito sa kanya

Napabangon naman si Hanamichi sa pagkakahiga kasi sa tingin nya ay doctor ang lalaking iyon.

"Mejo nananakit pa po ang likod ko" sagot ni Hanamichi

"Ako nga pala si Doctor Rey Edogawa ang may ari ng rehabilitation center na ito, gusto kitang personal na kumustahin." Sabi nito kay Hanamichi

Nagulat naman si Hanamichi, bigla syang yumuko at nagpasalamat sa doctor "Nakuh Doc. maraming salamat po sa libreng therapy at kunsultasyon sa inyong ospital. Baka po kung hindi dahil sa inyo patay na ako."

"Nakakatuwa ka naman pala Mr. Sakuragi, isang basketball player din ang anak ko kaya magaan ang loob ko at handa akong tumulong sa mga katulad mo. Maging ako basketball player din nung kabataan ko." Kwento naman ni Doc. Rey

"ah Ganon po ba, basta maraming salamat po." Sabi ulit ni Hanamichi

"Balita ko magaling kang basketball player Mr. Sakuragi" usisa ni Doc. Rey

"Baguhan pa lang po ako sa basketball. Simula lang po ngayong naghigh school ako naglaro, naglaro po ako para magustuhan ako at may mapatunayan sa isang babae, pero binaliwala nya lang lahat ng iyon." Malungkot na kwento ni Hanamichi

"It's okey Iho, mahahanap mo rin ang tamang babae para sayo, malay mo mas higit pa sa kanya ang makita mo, kaya cheer up. Ayokong may malungkot dito."ngiting sabi ni Doc. Rey at lumabas na ng room ni Hanamichi.

"Nakakagaan pala ng loob magkwento sa taong hindi ka hinuhusgahan, kapareho nya si ano, si di ko alam ang pangalang magandang babae." Bulong ni Hanamichi sa sarili

Hanamichi Sakuragi's 51st HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon