Chapter 7

529 16 2
                                    

Sa bench ng Shohoku

"Sakuragi ano ba yang ginagawa mo? Puro ka kalokohan!" Galit na sabi ni Akagi at binukulan si Sakuragi

"Napapahiya ang team." Sabi ni Mitsui

"Gung gong kasi" sabi naman ni Rukawa

At nagsimula na ang laro ng Shohoku laban sa Kainan. Unang nakascore ang Kainan. Magaling talaga ang Kainan mapa opensa at depensa. Pero humataw si Hanamichi sa pagrebound at dahil dun ay di lumaki ang lamang ng Kainan sa Shohoku. Dahil sa galing ni Hanamichi si Maki na number 1 player sa Kanagawa ang nagbantay sa kanya.

"Wow, si Maki ng Kainan binabantayan si Hanamichi. Meaning magaling talaga sya." Sabi ni Kumi Na manghang mangha sa laro ni Hanamichi

Maya maya pa ay nilapitan ni Kiyota si Maki

"Maki hindi bagay sayo ang magbantay sa gung gong na to. Ako na lang pre..." pagyayabang ni Kiyota

At binantay nya si Hanamichi at di nya inaasahan na magpe-fake si Hanamichi, nakalusot sya at nakascore.

"very good" sabi ni Miyagi ay nag apir sila ni Hanamichi

"Nyahahahahah henyo talaga ako" pagyayabang ni Hanamichi

"Mayabang lang pala yung number 10 ng Kainan. Minamaliit nya si Hanamichi, buti nga sa kanya." Sabi ni Kumi

"Di ko akalain na marunong sya non." Sabi ni Fujima

At ngiting ngiti naman si Kumi, na napansin naman ni Hanagata

"Kumi, Kumi, Kumi? Okey ka lang ba?" tanong ni Hanagata

" Oo naman, Hanachan ng buhay ko." Sabay smile si Kumi.

Mabilis lumipas ang oras, lamang pa rin ang Kainan. Dahil sa kagustuhan ni Hanamichi na matapatan si Maki na number 1 player sa Kanagawa, gumawa sya ng slam dunk na hinarang naman ni Maki, dahilan para bumagsak si Hanamichi.

"Okey lang kaya sya?" nag aalalang sabi ni Kumi, na napatayo pa sa kinauupuan nya

"Okey lang yan, taong gubat yan" sabi ni Hasegawa

"Intentional foul white number 4" sabi ni ref na nakaturo ky Maki

At biglang tumayo si Hanamichi at inaaway si Mak.

"Free throw, 2 shot' sabi ng ref

"Kung gagayahin ko kung paano nila ginagawa ito malabong mapapasok ko, mas madali kung ganito, konteng Tanya lang. sana pumasok kundi kahiya hiya ako." Bulong ni Hanamichi sa sarili

Akmang gagawa na ng free throw si Hanamichi pero iba ang position ng kamay nya.

"wow ang cute nya naman." Sabi ni Kumi

" Ano yan? "Tanong ni Hanagata

"Ayusin mo pre.. Bahala ka ikaw din ang mapapahiya." sabi ni Kiyota

Itinira ni Hanamichi ang dalawang free throw gamit ang underhand throw at parehong pumasok. Lalong na amaze si Kumi sa talent ni Hanamichi sa basketball..

"Grabe, ngayon lang ako nakakita ng ganon." Bulong ni Kumi na namumula ang muka

"Oi Ms Aiwa, bakit namumula muka mo?" tanong ni Fijima

"Hindi naman Captain" sagot ni Kumi na nagtakip ng muka

Lumipas pa ang ilang minuto, iisa na ang lamang ng Kainan sa Shohuko at iisang minuto na lang ang nalalabi, sumablay ang tira nakuha ni Hanamichi ang rebound.

"Kaya pa, mananalo kame. Ikaw na ang bahala Gori" sigaw ni Hanamichi sabay pasa

Pero maling player ang napasahan nya, sa number 5 ng Kainan nya naipasa. Natapos ang laro, iisang puntos lang ang lamang ng Kainan. Dahil sa mangyare gumuho ang mundo ni Hanamichi, tumulo ang luha nya at napaiyak sya.

"Ano yung nagawa ko? Ipinatalo ko ang team" umiiyak na sabi ni Hanamichi sa isip nya

Habang nakaupo ay parang natalo din si Kumi, nanghihina sya sa nangyare, gusto nyang lapitan si Hanamichi pero di naman sya nito kilala. At lumabas na sila ng court para umuwi

"Kumi bakit ang tahimik mo?" tanong ni Hanagata

"Wala" tipid nyang sagot habang nakayuko

"Gusto mo puntahan si Sakuragi?" tanong ni Fujima

"Hah? Hindi siguro magandang timing kung ngayon ako magpapakilala sa kanya" sagot ni Kumi na nalulungkot

"Wag ka ng malungkot Kumi anjan naman si Hanagata ng buhay mo" sabi ni Ikagami

Pilit na ngumiti si Kumi habang naglalakad.

"Uuwi na ko, bye sa inyo." Paalam ni Kumi

"Hatid na kita sa train station" sabi ni Hanagata

"Wag na, see you around." Paalam ni Kumi sabay wave ng kanyang kamay

Hanamichi Sakuragi's 51st HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon