Chapter 9

542 23 4
                                    

Pagkagaling sa park dumaretso si Hanamichi sa gym ng Shohoku. Di mawala sa isip nya yumg babaeng nanlibre sa kanya ng ice cream. Pagpasok nya sa locker room ay naupo sya, naalala naman nya ang pagkatalo nila at sinisi nanaman nya ang kanyang sarili. Nang biglang may nagsalita.

"Oi gung gong" sabi ni Rukawa

"Ano mayabang? Alam ko namang sinisisi nyo ko sa pagkatalo naten!" Galit na sabi ni Hanamichi

"Walang sumisisi sayo gung gong. Sa totoo lang wala kameng inaasahan sayo." Paliwanag ni Rukawa

"Ano? Mayabang ka talaga"sabi ni Hanamichi

"Kung sapat lang ang lakas ko hanggang sa huli tyak di tayo natalo. Kaya ako ang dahilan ng pagkatalo naten." Paliwanag ni Rukawa

"Ikaw gaya gaya kang mayabang ka." Sabi ni Hanamichi at sinuntok si Rukawa

At nagsuntukan silang dalawa, sinisisi ang mga sarili dahil sa pagkatalo ng team.

Kinabukasan

Pagpasok nina Miyagi at Mitsui sa gym nandun na si Hanamichi, at nagpakalbo ito. Pinagtawanan ng buong team si Hanamichi, at dumating naman ang pangkat ni Hanamichi at sina Haruko. Nung makita nila si Hanamichi tumawa din sila ng tumawa.

"Ano bang pauso yan?" tanong ni Mitsui

"Ano nanaman ba ang pumasok sa isip mo Hanamichi?" tanong ni Miyagi

"Gung gong talaga" bulong ni Rukawa

"Wow Sakuragi bagay na bagay sayo ang buhok mo." Sabi ni Haruko

"hah, talaga Haruko my labs, salamat" sabi ni Hanamichi at bigla nyang naalala nya ulit yung babae sa park.

At nagsimula na silang magpractice. Para dalawang game nila parating


Sa Aiwa

"Magandang hapon girls, sa Sabado ay may practice game tayo laban sa Sannoh Girls basketball. Kaya maghanda kayo." Anunsyo ng coach nina Kumi

"wow practice game at Sannoh kalaban, ohryt excited na ko." Sabi ni Kum

"Ayan ready to fight nanaman si Ms. Point guard." Sabi ni Rica

"Syempre naman, dapat lahat kayo laging ready to fight!. Kaya practice na." Sabi ng Coach nila.

At nagsimula na silang magpractice

After ng practice ay nagpalit na sila ng damit para mag uwian. Paglabas nila ng gate naghihitay sa labas si Hanagata.

"Oi Kumi ang buhay mo" sabay sabay na pang aasar ng teammates nya

"Hanacha bakit ka nandito?" tanong ni Kumi

"Hanachan na lang? Wala na ng buhay mo?" tanong ni Hanagata

Nagsmile si Kumi at niyakap si Hanagata sabay sabing "Hanachan ng buhay ko."

"Parang napilitan lang." bulong ni Hanagata

Nagsmile din si Hanagata pero ramdam nyang may pagbabago ky Kumi. Hindi na sya excited na makita si Hanagata at nakalimutan ni Kumi yung tawag nya kay Hanagata.

"Ah gusto lang kita makita Kumi kaya pinuntahan kita." Sagot ni Hanagata

Pero smile lang ang sagot ni Kumi.

"Ah Kumi, update lang kita. May laro ang Shohoku laban sa Ryonan." Sabi ni Hanagata

"Talaga, kelan? Excited na tanong ni Kumi

" Sa Sabado, 1pm." Sagot ni Hanagata

"Hindi ako makakasamang manood, may practice game kame laban sa Sannoh" malungkot na sabi ni Kumi

"Ah, sayang naman Kumi. Hayaan mo na, tara libre na lang kita ng ice cream." Pag aaya ni Hanagata

"Sige tara" sagot ni Kumi at sumama kay Hanagata

Habang kumakain ng ice cream napangiti si Kumi, naalala yung moment na katabi nya si Hanamichi sa park. Bigla syang namula at napailing ng maalala nya ang ginawa nyang pagkiss kay Hanamichi.

"Okey ka lang?" tanong ni Hanagata

"Oo" tipid nyang sagot then nagsmile

May mga babae lumapit kay Hanagata, mga basketball fans sila na gustong magpapicture kay Hanagata

"Hi po taga Shoyo ka diba? Isa mo akong taga hanga, pede bang magpapicture?" tanong nung babae na kinikilig

Tumingin si Hanagata kay Kumi at tumango ito. Meaning pinapayagan nya si Hanagata. Napa-isip naman si Hanagata, dahil dati tinatarayan ni Kumi ang mga fan girl nya at itinataboy.

"Bakit Kumi? May iba na ba?" bulong ni Hanagata sa sarili

Habang nagpapapicture ang mga fan ni Hanagata ay nagpaalam na si Kumi na uuwi na sya. Sabay wave ng bye bye at nagsmile. Dahil dito ay nalungkot naman si Hanagata


Mito' Residence

"Hanamichi kumusta ka, saan ka natulog nung mga nagdaang gabi?" tanong ni Mito

" Sa tabi tabi lang hehehe" sagot ni Hanamichi

"Buti okey ka na, hindi ka na masyadong nalulungkot" sabi ni Noma

"Oo dahil sa ice cream at sa kiss nya" bulong ni Hanamichi

"Anong sabi mo Hanamichi?" paglilinaw ni Takamiya

"Wala" seryosong sagot ni Hanamichi

"Ano magtatapat ka na ba kay Haruko?" tanong ni Noma

"Gusto mo bang bukulan kita erap? Paano ako magtatapat eh ako ang nagpatalo sa team, kaya wala akong mukang maiiharap kay Haruko." Malungkot na paliwanag ni Hanamichi

"Oo nga, bawi ka sa laban nyo sa Ryonan sa Sabado." Sabi naman ni Takamiya

"Oo talaga, tatalunin ko si Sendoh, ako ang magpapapanalo sa team at ilalampaso ko si Rukawa. Nyahahahha" pagyayabang ni Hanamichi

"Oh sya sya chibugan na, Hanamichi dito ka na matulog para naman di kame mag alala" sabi ni Mito

"Oo ba Mito, mahal mo talaga ako. I love you too" at niyakap ng mahigpit si Mito

Hanamichi Sakuragi's 51st HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon