Chapter13

499 21 4
                                    



Naiwan si Hanamichi mag isa sa kanyang room sa ospital. Wala naman syang magulang o kapatid na pedeng magbantay sa kanya. Hindi naman nakapunta ang mga kaibigan nya dahil wala silang pamasahe kaya sa chat na lang nila kinamusta si Hanamichi. Lahat din ng teammates nya ay nagchat sa kanya at kinakamusta sya. Isang tao na lang ang iniintay nyang magchat, si Haruko. Pero mag 10pm na hindi pa din nagchachat si Haruko kaya naisipan nyang sya na lang ang magchachat kay Haruko.

"Hi Haruko si Hanamichi to. Gusto ko lang ipaalam sayo na mag undergo ako ng therapy at sa rehab center yun gagawen. Siguro mawawala ako ng mga 8 weeks" chat ni Hanamichi ky Haruko

Seen

Typing....

"Hi Sakuragi, sorry ngayon lang ako nakapagchat. Tinapos ko pa kasi ang mga homeworks ko. Matagal para ang therapy." Reply ni Haruko

Sumagot naman agad si Hanamichi

"Oo nga eh. Ah Haruko diba nung nasa park tayo sinabi mo na gusto mo din ako. Baka naman pede kang sumama kay Gori bukas sa paghatid saken sa rehab. Gusto kitang makita bago ako magpatherapy" chat ni Hanaichi

"Sakuragi gusto talaga kitang makausap tungkol sa bagay na yun. Pero na injury ka at dinala ka na agad sa ospital kaya di na kita naka-usap." Chat ni Haruko

"Ano yung gusto mong pag usapan naten? Sasagutin mo na ba ako Haruko?" tanong ni Hanamichi

" Sorry Sakuragi, kasi nagkamali ako nung sinabi kong gusto din kita. Narealized ko na si Rukawa pa rin talaga ang gusto ko. Sorry alam kong wrong timing pero ayaw naman kitang paasahin." Sagot ni Haruko

Nanginginig ang buong katawan ni Hanamichi nung mabasa nya yun, pakiramdam nya ay binuhusan sya ng malamig na tubig. Di nya alam kung anong nararamdaman nya kasi sobra syang nagagalit kasi pakiramdam nya ay pinaasa lang sya ni Haruko at umasa naman sya. Gusto nyang sumigaw pero hinang hina sya. Tanging nararamdaman nya ay sakit sa bandang dibdib nya habang walang tigil ang pagpatak ng luha nya.

"51st heartache napakasakit,napakasakit Haruko. Bakit mo ginawa saken to. Bakit ikaw pa, ginawa ko lahat para patunayan ang sarili ko sayo pero binaliwala mo." Umiiyak na sabi ni Hanamichi

"Hinding hindi na ako magkakagusto sa kahit na sinong babae, puro basketball na lang ang pagtutuunan ko ng pansin pagkatapos ng therapy ko. Sa 51 na babaeng bumalewala at bumasted saken ipapakita ko sa inyo kung ano ang sinayang nyo. Lalong lalo ka na Haruko. Galit ako sayo Haruko." Sabi ni Hanamichi habang umiiyak

Pinatay ni Hanamichi ang cellphone. At nakatulog si Hanamichi na puno ng galit ang puso.

KInabukasan

Dumating sina Akagi at Ayako sa ospital para ipasa ang mga documents ni Hanamichi para ma-avail nya yung free therapy. After non pede ng itransfer si Hanamichi sa rehab center. Lumabas na si Hanamichi para itransfer sa rehab center.

"Gori wag nyo na ako ihatid ni Ayako. Ayoko kasi may makaalam kung nasaan ako." Sabi ni Hanamichi

"ha? Bakit naman." Tanong ni Akagi

"Nurse pede ba pag may nagtanong kung saan nyo ko dinala ay wag nyong sasabihin? " tanong ni Hanamichi

"Yes sir, part po iyon ng right ng patient." Sagot ng nurse

"sige Gori at Ayako, aalis na ako. Wala ng gung gong na manggugulo sa inyo. Paalam." Pagpapaalam nu Hanamichi

"Akagi anong nangyari sa kanya?" tanong ni Ayako

"Hindi ko alam, hindi naman sya ganyan kagabi nung iniwan naten sya." Sagot ni Akagi

At dinala na si Hanamichi sa rehabilitation center.

After 3 days wala silang balita ky Hanamuchi. Dumating na din ang araw ng laban ni sa Aiwa, tulad ng sinabi ni Akagi malakimg kawalan si Hanamichi. Natalo ang Shohoku sa pangatlo nilang laban sa Inter High Championship game at lag lag na sila, wala ng chance para maging number 1 sa Japan.

Si Kumi naman ay walang ka alam alam sa nangyari kay Hanamichi, nagpofocus kasi sya sa mga exams nya. Kaya ilang araw na naka off phone nya at di tumatanggap ng bisita. Pero pilit syang kinokontak ni Hanagata para sabihin ang nangyari ky Hanamichi pero hindi sya nacontact. 

Hanamichi Sakuragi's 51st HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon