Chapter 16

523 17 19
                                    

Edogawa Rehabilitation Center

Second day ni Hanamichi sa rehab center. Ngayon magsisimula na ang therapy program nya. Si Nurse Ivy ang assigned na nurse sa kanya. Dahil sinusunod ni Hanamichi ang schedule na binigay ni Ivy ay maaga syang gumising para maligo, magbibihis na sya ng biglang may kumatok.

Knock! Knock! At bumukas ang pinto...

"Wow ang ganda naman ng view." Sabi ni Ivy, na nakatingin kay Hanamichi na nakahubad pa.

"Hoy ikaw, bakit mo ko binobosohan?" galit na sigaw ni Hanamichi

"hahahhahahha, Alam mo baby boy madami na kong nakitang ganyan at higit pa jan." sabi ni Ivy habang tumatawa.

Lumapit si Ivy kay Hanamichi at hinila ang towel na natapis sa kanya, sabay sabi "Ay sorry" sabay tawa ng malakas

"Ikaw na babae ka, bakit ba trip na trip mo ko!!! Akala ko ba nurse ka at tutulungan mo kong gumaling, pero ikaw ang nangbubwiset saken." Sigaw ni Hanamichi

"Chill baby boy, pinapasaya lang kita." Sabi ni Ivy

"Pinapasaya ka jan, binobosohan nga ko. Sinabi ko naman sayong virgin pa ko." Sigaw ni Hanamichi

Tumawa naman ng tumawa si Ivy.

"Ok baby boy bilisan mo na jan sa pagbibihis." Utos ni Ivy

"Bakit ka nga pala nakaganyan? Bakit hindi ka naka uniform? Pero ang sexy mo jan."Sabi ni Hanamichi

Nakasuot ng leggings at sando si Ivy, sa suot nya kitang kita ang seksing hubog ng kanyang katawan.

"Ituturo ko sayo ang mga exercise na dapat mong gawen, para pag wala ako alam mo na ang dapat mong gawen." Sagot ni Ivy

"Bakit aalis ka ba?" tanong ni Hanamichi

"Hindi, hindi pa." sagot ni Ivy

"Bakit ka aalis? Tulad ka din pala nila sasabihin mo ikaw tutulong saken para gumaling pero iiwan mo din pala ako." Sabi ni Hanamichi

"Ahhhhh... si baby boy.. ang cute. Aalis ako pag okey na ang visa ko papuntang Canada, pangarap ko kasing magwork dun as nurse." Sabi ni Ivy

"edi katulad ka nga nila." Sabi ni Hanamichi

"oi baby boy bawal mafall saken ha." Sabi ni Ivy

"Sinong mapafall sayo eh gurang ka na." sabi ni Hanamichi

"Sinong Gurang? Sa ganda kong to." Sabi ni Ivy

"Gurang naman, heheh," tawa ni Hanamichi

"Oi tumatawa na sya." Sabi ni Ivy sa sarili

"Ok start na tayo. Dun tayo sa hall."pag aaya ni Ivy

At pumunta na sila sa hall, seryosong inunawa at ginawa lahat ni Hanamichi ang mga itinuturo ni Ivy sa kanya. After ng isang oras ay natapos na sila. Pumunta sila sa maliit na coffee shop sa loob ng rehab.

"Libre na kita, alam ko namang wala kang pera, pero juice lang pede sayo baby boy." Sabi ni Ivy

"ikaw talagang gurang ka, alam ko namang wala akong pera bakit kailangan mo pang ipamuka saken." Sigaw ni Hanamichi

"Excuse me baby boy, may pangalan ako IVY ang pangalan ko. Wag mo kong tawaging gurang. Alam mo bang bullying yan? Saka napaka balasubas mong magsalita. Kaya walang nagkakagusto sayo eh." Sabi ni Ivy

Biglang nagdilim nanaman ang muka ni Hanamichi naalala nya nanaman ang ginawa ni Haruko, tumayo sya sa kinauupuan at bumalik na sa kwarto nya.

"Ay nahurt ko ata si baby boy" bulong ni Ivy

Sinundan naman sya ni Ivy, sa labas ng room ni Hanamichi rinig na rinig ang kanya pag iyak. Kumutok si Ivy pero di sya pinapansin ni Hanamichi kaya pumasok na lang ito.

"Hey I'm just kidding, sorry na." sabi ni Ivy na hinahaplos ang ulo ni Hanamichi

"Tama naman kayo balasubas talaga ako, mahilig ako sa away at gulo kaya walang nagkakagusto saken. Lahat na lang si Rukawa ang gusto." Iyak ni Hanamichi

"Rukawa? Sino sya?" tanong ni Ivy

"Sya ang hari ng yabang, pinakamayabang sa lahat. Sya din ang gusto ni Haruko." Sabi ni Sakuragi

"Rukawa, Haruko interesting." Bulong ni Ivy

"Sabi mo si Rukawa ang gusto ni Haruko? Sa tingin mo anong nagustuhan ni Haruko sa kanya?" tanong ni Ivy

"Mayabang sya, yun lang mayabang sya." Sabi ulit ni Hanamichi

"Wag ka ngang bitter jan, bilis ano ano ang mga katangian ni Ruakawa?" kulit ni Ivy

"Sige na nga, gwapo sya, marami syang jologs na nagchicheer tuwing laro namen at magaling din syang maglaro, mas magaling pa saken." Seryosong sagot ni Hanamichi

"Ganon, ngayong tanggap mo na yun ang nagustuhan ni Haruko sa kanya may ipapagawa ako sayo." Sabi ni Ivy

"Ano yun? Gagayahin ko si Rukawa? No way." Sabi ni Hanamichi

"Hindi mo sya gagayahin, hihigitan mo sya." Ngiting sabi ni Ivy at kinindatan si Hanamichi

"Tingin mo kaya ko yun?" tanong ni Hanamichi

"Magtiwala ka sa sarili mo, bilang nurse mo tutulungan kita. Babaguhin naten yang pagiging balasubas mo. Basta lagi ka lang makikinig saken. Pero bawal mafall saken ha. " Sabi ni Ivy

"Nakuh ikaw talagang gurang na babae ka.Hindi ako mapo-fall sayo!" Sigaw ni Hanamichi na may nararamdamang bagong pag asa.

Hanamichi Sakuragi's 51st HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon