Chapter 3

576 24 2
                                    

Mas mataas pa syang tumalon kay Hanagata. Sino itong player ng Shohoku na may pulang buhok? Tanong ni Kumi sa isip nya.

Napansin ni Kumi na naka Shohoku uniform ni Haruko.

Miss excuse me. Pede magtanong? Tanong ni Kumi kay Haruko na katabi ni Noma.

Yes ate, ano po iyon? Sagot naman ni Haruko

Ay ate, bakit ate bata pa ko. Ako nga pala si Kumi Edogawa, first year ako sa Aiwa University. Sagot ni Kumi

Ah, first year ka palang? Parang ang tangkad mo kasi, ako si Haruko Akagi. Nag aaral ako sa Shohoku, first year din. Ano yung tanong mo Kumi. Tanong ulit ni Haruko.

Ay oo nga pala. Hindi ako taga distrikto ng Kanagawa, nandito lang ako para panoorin ang laro ng center ng Shoyo na si Hanagata. Pero may napansin akong kakaiba. Sino yung may pulang buhok na player nyo sa Shohoku? Tanong ni Kumi

Ah kakaiba pala si Hanamichi. Natatawang sabi ni Takamiya

Oo pagkakaiba si Hanamichi lang iyon. Dagdag pa ni Okusu

Ah, Kumi sya ay si Hanamichi Sakuragi, first year din sya. Sagot ni Haruko

Hanamichi Sakuragi, bakit ngayon ko lang syang nakitang maglaro.madalas akong manood ng mga laro ng taga Kanagawa pero ngayon ko lang sya nakita. Dagdag na tanong ni Kumi

Kumi, ako nga pala si Yohie Mito matalik na kaibigan ni Hanamich. Alam mo kasi simula lang naghigh school siya nag aral at naglaro ng basketball, dahil yun kay Haruko, crush kasi ni Hanamichi si Haruko. Isa lang syang baguhan. Paliwanag ni Mito

Nakuh Mito hindi naman ganon yun. Hindi nya ako crush. Nahihiyang sabi ni Haruko

Maganda nga, manhid naman. Bulong nung apat na kaibigan ni Hanamichi.

Isang baguhan? Pero player din ako ng basketball at madalas din akong manood ng mga larong high school, at sinasabi nilang baguhan itong player na halos kasing galing ni Hanagata pagdating sa rebound. Tanong ni Kumi sa isip nya.

Kumi okey ka lang? Tanong ni Haruko, nakatitig kasi si Kumi kay Hanamichi.

Hah, oo naman Haruko. Sagot ni Kumi at ngumiti ito.

Ang ganda mo naman Kumi. Pagpapacute ni Takamiya.

At nagsimula na ang second half, umatake ang 3points ni Mitsui at nakahabol sa score ang Shohoku. Dahil sa pagod ay pinalitan ni Kogore si Mitsui. Nakagawa nanaman ng matagumpay na rebound si Hanamichi at naka score si Rukawa. Pero dahil sa ayaw magpalamang ni Hanamichi ky Rukawa. Nag isip sya kung paano nya malalamangan ito.

Hawak ni Hanamichi ang bola at akmang gagawa sya ng slam dunk, hinarangan sya ng dalawang player ng Shoyo sina Hanagata at Hasegawa. Matagumpay na naipasok ni Hanamichi. SLAM DUNK!!! Sigawan ang mga manonood, bagsak ang dalawang player ng Shoyo. Pero pumito ang referee.. Offensive Foul White Number 10. At tulad ng inaasahan na foul out si Hanamichi.

Natawag nanaman ang attensyon ni Kumi sa ginawang iyon ni Hanamichi.

Ang galing nya..Baguhan lang ba talaga sya? Tanong ni Kumi sa isip nya.

At nanalo ang Shohoku Team laban sa Shoyo. Masayang masaya ang team. At dahil sa pagod ay nakatulog sila sa kanilang quarters.

Lumabas si Kogore at nasalubong nya si Kumi.

Hello, bati ni Kumi ky Kogore

Aba sino to? Ang tangkad at ang ganda nya naman. Sabi ni Kogore sa kanyang isip.

Ano yun Miss? Si Rukawa ba? Pasensya ka na nakatulog sila, dahil sa pagod. Paliwanag ni Kogore

Ah okey. Thank you. Sagot ni Kumi

Gusto ko sanang makilala si Hanamichi Sakuragi. Bulong ni Kumi.

At nakita sya ng mga players ng Shoyo. Nalimutan ni Kumi na kaya sya nasa Kanagawa ay para mapanood si Hanagata. Binati siya ni Fujima.

Hi Kumi, pinanood mo pala ang game namen. Kaya lang natalo kame. Sabi ni Fujima

Hi Captain Fujima. Nice game sa inyo. Ang gagaling nyo. Bati ni Kumi

Kumi ayan na si Hanagata, sabi ni Fujima

Hanagata, andito na ang taga Aiwa na patay na patay sayo. Pang aasar ni Ikagami

Napakadaldal mo Hasegawa. Sabi ni Hanagata

Hi Kumi. Bati ni Hanagata

Hi Hanachan ng buhay ko. Nice game. Nga pala kilala mo ba si Hanamichi Sakuragi? Tanong ni Kumi

Ha? Si Sakuragi? Yung pulang buhok ng Shohoku? Paglilinaw ni Hanagata

Oo.. sagot ni Kumi

Hindi eh. Ngayon ko lang din sya nakita at nakalaro. Bakit Kumi? Akala ko ako ang ipinunta mo dito sa Kanagawa, hindi naman pala .Sagot ni Hanagata.

Ah wala naman Hanachan ng buhay ko...Ikaw talaga ang ipinunta ko dito. Tara na. Libre mo ko ng ice cream. Request ni Kumi

Kuh Kumi.. natalo na nga kame papalibre ka pa.. Sagot ni Hanagata

Sige na, crush mo naman ako diba Hanachan ng buhay ko. Pangungulit ni Kumi

Ay sus... Baka ikaw ang may crush saken. Pinuntahan mo nga ako dito sa Kanagawa eh. Biro ni Hanagata

Ah ganon. Sige ky Hanamichi na lang ako papalibre. Sagot ni Kumi

Bakit Kumi? Kilala mo sya? Tanong ni Hanagata

Hindi. Hehehhehe pang aasar ni Kumi

Sige na nga libre na kita at baka kung kanino ka pa magpalibre. Nakangiting sabi ni Hanagata

Lumipas ang ilang araw di mawala sa isip ni Kumi si Hanamichi Sakuragi. Kaya napagpasyahan nitong manood ng laban ng Kainan at Shohoku.

Hanamichi Sakuragi's 51st HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon