Chapter 11

579 27 3
                                    

Sa Shohoku Gym

Nagsisimula na ang practice, kahit pasok na sila sa interhigh ay hindi sila nagpapabaya. Lahat ng member ng team ay ganado at pursigidong mapalakas pa ang team.

Nasa gate na sina Fujima, Hanagata at Kumi ng biglang bumulis ang tibok ng puso ni Kumi. At tumigil sya sa paglalakad then humarap kina Hanagata at Fujima.

"How do I look?" tanong ni Kumi sa dalawa

"hah, maganda ka, lagi kang maganda" sagot ni Hanagata

"Ngayon mo lang ata ako sinabihang maganda ako Hanachan" sabi ni Kumi at nag smile

"Oo nga, ngayon ko lang sya punuri" sabi ni Hanagata sa sarili

"Tara na" sabi ni Fujima

Sa gym ng Shohoku

Nasa pinto ng gym sina Fujima, Hanagata at Kumi. Nakita naman sila ng mga players ng Shohoku.

"Aba Fujima kumusta" bati ni Akagi

"Ang ganda naman nung kasama nila. Jowa kaya yun ni Fujima?" tanong ni Mitsui

"Ang tangkad nya at oo maganda nga." Sabi ni Ryota

"Aba pag maganda ang lilinaw ng mata!" sabi ni Ayako

"Kumusta kayo" sabi ni Fijima at Hanagata

"Halika Kumi ipapakilala kita sa mga players ng Shokoku. Okey lang ba Akagi?" Tanong ni Fujima

"oo naman Fujima." Sagot ni Akagi

"Boys ito nga pala si Kumi Edogawa, sa Aiwa sya nag aaral at kasali sya sa girls basketball team dun, isa syang point guard." Pagpapakilala ni Fujima

"Ako si Akagi team Captain ng Shohoku." Pakilala niAkagi

"Hi po Kuya, nice to meet you po." Pagbati ni Kumi

"Hi ako nga pala si Mitsui, ang ganda mo naman. May boyfriend ka na ba?" Pagpapakilala ni Mitsui sabay abot sa kamay ni Kumi

"Hi Mitsui, kumusta ka. Wala akong boyfriend. Pero di kita type." Sagot ni Kumi then smile

At pinagtawanan ng team si Mitsui. "Hindi ka pala nya type Mitsui" pang aasar ng buong team.

"Hi ako naman si Miyagi, point guard din ako tulad mo. Ang ganda mo naman, pede bang mag one on one tayo? " tanong ni Miyagi

"Hi Miyagi, sige one on one tayo pag magkasing tangkad na tayo." Ngiting sabi ni Kumi sabay smile

"Grabe, ang lakas nyang mang asar! Para syang si Sakugari!" sabay na sabi nina Mitsui at Miyagi

"Buti nga sa inyo, Hi ako naman si Ayako, manager ng team." Pagpapakilala ni Ayoko

"Hi Ate Ayako, ang ganda mo naman." Pagbati ni Kumi at nagbeso beso sila

"Sana all, beso ang response" sabi ni Mitsui

Nang biglang idinribble ni Rukawa ang bola at idinakdak sa ring.

"Nagpapasikat ba si Rukawa dun sa magandang babaeng yun?" tanong ni Haruko habang nasa gilid ng gym.

"Hi Kumi, ako nga pala si Rukawa. Kung hindi mo type si Mitsui baka ako ang type mo." Tanong Rukawa at inabot ang kamay ni Kumi

"Hi Rukawa, hindi ako jologs. Sorry" bati ni Kumi at nagsmile

"Grabe pati si Rukawa supalpal." Sabi ni Yasuda

Hanamichi Sakuragi's 51st HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon