"Kamatayan lang naman at wala ng iba." Tugon ko sa tanong nya.Ngumisi ito saka kinuha ang kutsilyo sa Mesa."Bakit ba puro nalang kamatayan ang sinasagot mo sa tuwing tatanungin ka tungkol sa kalayaan?hindi ba pwedeng pag-ibig?"
Napasintido ako."At ano namang kinalaman ng pag ibig sa kalayaan?"
"Hmm.." binalik nya ang atensyon sa kutsilyo."Dahil kapag nagmamahal ka..makakalaya ka sa lungkot na dinadanas mo."
Umiling ako. "Kahit kelan talaga napakaliit ng utak mo noh?"
Tumayo ako at inagaw sa kanya ang kutsilyo,pinagkatitigan ko ito saka ngumiti."Ang kutsilyo,naipagtatanggol ka sa mga taong nananakit sayo..Eh yang pagmamahal mo ba?kaya ba nyang burahin sa mundo yung mga tarantadong nagpahirap sayo?"
Hindi ito nakasagot.
Nang lingunin ko sya ay nawala ang ngiti nya at nakayuko ito."Ano ba??ganyan ka lang?nakidnap ko na nga yung babaeng kinamumuhian mo tapos tatayo ka lang Jan?"
Binato ko sa harap nya ang kutsilyo. "Ganyan na ba naging epekto sayo ng babaeng yon?naging duwag ka na??"
"Pero hindi ko kaya.."
Napahawak ako sa aking ulo..
'Putragis naman..'
"At panong hindi mo kaya??ganon ba kahirap idiin yang kutsilyo sa katawan nya?Pati ba naman sa pagsaksak nahihirapan ka pa?"
Nagkibit balikat sya sabay tumingin saking mata.."Pero mahal ko sya---
"Tanginang pagmamahal yan!!Nasaktan ka na ng putragis na yon tapos mahal mo pa ren?!" Pinilit kong ipahawak sa kanya ang kutsilyo..idinikit ko ang noo ko sa noo nya at hinawakan ang magkabila nyang pisngi.
"Tumingin ka sakin..hindi mo kailangang makonsensya at manghinayang sa babaeng yon!Ikaw ang nasaktan at sya ang nanakit sayo!patayin mo kung sino man ang mananakit sayo!" Matapos non ay tinulak ko sya at itinuro ang pintuan ng kanyang kwarto. "Kanina ko pa sya tinali sa kama mo."
Sunod Sunod itong lumunok saka tumingin sa hawak nyang kutsilyo na Tila ba kabado at natatakot.
"Kapag hindi mo sya pinatay,ako ang gagawa." Naglakad ako papalabas ngunit bago ako tuluyang makalayo ay hinarap ko syang muli. "At kapag ginawa ko yon..ikaw ang isusunod ko."
Kita ko ang takot at gulat sa mata nya ngunit hindi ko iyon pinansin at tuluyan ng nilisan ang rest house.
'Pag ibig nga naman..puro kalokohan.'
Naiirita ako sa isiping nagmamahal paren ang Tao kahit nasasaktan..pwede naman nilang patayin nalang.
Ano bang nakakakonsensya sa pagpatay ng taong nanakit sayo?wala namang masama don..hindi nga sila nakonsensya sa pananakit sayo..tapos mag aalinlangan ka pang burahin sila sa mundo?tsk..kakaiba na talaga mga puso ng tao..nagiging bobo.
Hey guys..just want to warn you about grammatical errors,bad topics and bad words,if you're not suitable in this kind of story,you can skip this and read other stories:> That's all thank you!
-dark_merzie
YOU ARE READING
The Secret Deal
Mystery / ThrillerA group of councilors asks the the minister's permission for a camping because they thought that being college is super frustrating and they wanted to experience a once in a lifetime event that they will treasure as a graduating students..but is it...