Hello readers!gusto ko lang malaman nyo na masaya akong nakaabot pa ko ng chapter 13 at hindi ako tinamad hahahaha!yun lang!
~~~~~~~
ALYZZA
"SABI NG NGAYON NA!"
Bigla akong napatigil nang marinig ang sigaw na iyon..andito ako ngayon sa labas ng mansyon at naglilibot sa mala-gubat na paligid na nakapaligid sa mansyon..alas-kwatro palang naman tyaka hindi pa naman ako gaanong nakakalayo dahil naaaninag ko pa ang gate ng mansyon mula dito.
"Bakit ba mainit yang ulo mo?"
Pinagpatuloy ko ang paglalakad at mas lalong lumalakas yung boses na naririnig ko.
"Dahil masyadong duwag ang lalaking yon para utusan ang mga alaga nya kaya ako ang mag-uutos!"
Nakita ko ang isang maliit na bahay na gawa sa kahoy sa di kalayuan.
"At pano mo naman gagawin yon?"
Nadaanan ko ang bintana at agad akong napatago saka sumilip dito..nakita ko ang dalawang tao..isang lalaki na mukhang matipuno pero nakamaskara habang nakatayo..at isang babaeng mataba na nakaupo at mukhang matanda na rin at pwede nang tawaging lola o manang.
"Alam ko kung paano utuin ang mga batang yon..isang banggit ko lang sa pangalan ni Mariela.." nagsnap pa sya. "At bingo!susunod na ang mga yun."
Tatawa-tawa pa ang lalaki pero bigla nalang itong sumeryoso at nagulat ako nang bigla syang naglabas ng kutsilyo saka tinutok sa leeg ng matanda. "At syempre..ikaw ang una kong uutusan..gawin mo sa kusina mo."
"At bakit ako susunod sayo?" Kalmado at kampanteng tanong naman ng matanda kaya napangiti ang lalaki.
"Susunod ka sakin kasi.." sambit ng lalaki at tinutok nya naman ang kutsilyo sa sarili nyang leeg. "Hawak ko ang nag-iisa mong apo."
Napatayo naman ang matandang babae. "WAG MONG IDADAMAY ANG APO KO!" Sobrang lakas ng pagsigaw nito at halatang nanggagalaiti dahil nanginginig ang kanyang katawan lalo na ang kanyang kamao na nakatiklop.
"Oh edi sumunod ka.." sambit naman nung lalaki at binato ang kutsilyo sa harap ng matanda. "..para hindi madamay ang apo mo."
Tumawa nanaman ang lalaki. "wag kang mag-alala..maganda naman ang kwarto na pinagdalhan ko sa kanya tyaka isa pa..hindi naman nya nahahalatang kinidnap ko sya kasi nga..tinuturing ko syang prinsesa na kahit kelan ay hindi mo nagawa sa sarili mong anak..hindi mo nagawa sakin...ni hindi mo nga ako pinagtuunan ng pansin kasi si kuya ang paborito mo." Tumawa ito na may bakas ng pagkasarkastiko. "Mapapansin mo lang naman ako kapag gumawa ako ng kapalpakan."
"Bulakbol ka kaya sinong magulang ang magmamahal sayo?"
Parang ako yung nasaktan sa sinabi ng matanda sa lalaki..grabe naman yun.
"Oh talaga?ako bulakbol?eh gago ka pala eh."
Nabigla naman ako sa sinabi ng lalaki..base sa sinabi nya kanina ay tiyak na mag-ina sila..pero kung tratuhin ang isa't isa ay parang mortal na magkalaban.
"Pasalamat ka nga at yung apo mo na anak ni kuya ay tinatrato ko pa ng tama at hindi ko pinagbabalingan ng sama ng loob..hindi gaya ng ginawa mo sakin noon na sa kada iiwan ka ni papa ay ako agad ang sasaktan mo..natanong mo naman na kung sino ang magulang na magmamahal sakin diba?sino pa ba?edi si papa..eh ikaw??sinong lalaki naman ang tatagal at maninindigan sa tulad mong walang kwentang babae?"
Aray,masakit yun..'
Hindi nakasagot yung matanda..pero nagulat ako nang agad kinuha ng matandang babae ang kutsilyo at ambang sasaksakin ang lalaki ngunit napatigil ito sa sinabi ng lalaki.
YOU ARE READING
The Secret Deal
Mystery / ThrillerA group of councilors asks the the minister's permission for a camping because they thought that being college is super frustrating and they wanted to experience a once in a lifetime event that they will treasure as a graduating students..but is it...