Chapter 10:(The Secret Deal)

1 1 0
                                    

Third person's point of view:

"Hindi nga kasi ako yun." Sambit ng lalaking nakasando at pantalong sira sira habang nakaupo sa mesa.

"Kung hindi ikaw..edi sino naman ang pwede kong paghinalaan?" Tanong naman ng isa pang lalaki na nakasandal sa pader habang nagsisigarilyo.

"Aba malay ko..bakit?ako lang ba ang may ganong gawain?para namang insosente yang mga bata mo."

"Oo,hindi sila insosente..pero hindi rin naman sila ang gumawa nun dahil wala akong sinabi sa kanila na pwede silang magmadali masyado." Tugon naman ng lalaking nakasandal sa pader sabay pinisil ang sigarilyo gamit ang dalawa nyang daliri hanggang sa mawala ang baga nito.

Napahalakhak naman ang lalaking nakasando. "Oo na,oo na..ako nga ang gumawa." Tatawa tawang sambit ng lalaki. "Eh ano naman kung ako nga?"

"Wag mong madaliin."

"Hahahaha!nako nako wag mo kong pinapatawa dyan.." bigla itong sumeryoso. "Hindi ka parin nagbabago..para namang hindi mo gawain ang pagpatay ng tao."

"Manahimik ka." Umayos ito mula sa pagkakasandal sa pader at tumayo ng maayos.

Namagitan ang panandaliang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago magsalita ng muli ang lalaking nakaupo sa mesa. "Wala namang nakakita sakin diba?tyaka hindi naman halatang nabawasan sila."

"Wag kang magpakampante."

"Natatakot ka ba?" Tumawa nanaman ito habang nakaturo sa lalaki saka tumayo mula sa pagkakaupo sa mesa.

"Pag ako nabwisit sayo,puputulan ulit kita ng daliri..mukha atang hindi ka pa nakuntento sa pinutol kong dalawa,parang gusto mo pa atang maputol lahat yan hanggang sa palad nalang ang matira."

"Tsk.kahit kelan talaga wala kang dignidad bilang isang lalaki at tagahaligi ng mansyon..medyo nagsisi tuloy ako na sya pa ang pinangsakripisyo ko para lang sa mansyon at para sa katulad mo." Binagsak nito ang lamesa saka tatawa-tawang lumabas ng bahay.

Ang isang lalaki naman ay tinapon sa kung saan ang kanyang sigarilyo at itinayo ang lamesa saka umupo doon..napatingin sya sa pintuan kung saan lumabas yung lalaking kausap nya kanina at napangiti. "Putragis.."

~~~~~~~~~~~

AIRELL

"Fuck off." Sambit ni murphy sabay ibinaba ang kanyang telepono.

"Anong sabi?" Tanong ko naman..andito kami ngayon sa ilalim ng puno ng cliff na madalas naming tambayan noon..medyo malapit lang sa mansyon.

"Ganun parin..wala namang pinagbago." Tugon nya sabay sandal sa puno.

Natawa naman ako dahil nakanguso ito. "Sabagay..wala naman na akong aasahan sa lalaking yon."

Pinikit nya ang mata nya pero dumilat din maya-maya saka nagtatakang tumingin sakin. "Sigurado ka na ba?"

"Saan?"

"Tss..nagmamaang-maangan ka pa eh alam mo naman tinutukoy ko..oo o hindi lang ang sagot."

Tiningala ko ang puno at may iilang dahon pang bumabagsak mula sa sanga..masarap talagang tumambay sa ilalim ng puno na to..dahil bukod sa malaki ay natatakpan din nito ang sikat ng araw..dito kami tumatambay noon.

Oo,noon..dito kasi ako nag-elementary dati..nagkakilala kami ni Murphy dahil nakita ko sya na nakikipag-away sa mga kaklase ko..ang effort nya nun kasi taga-ibang school sya tapos dumayo sya sa school at classroom namin para bugbugin yung limang kaklase kong lalaki na inagaw yung candy ni Anarica..at partida pa,grade 2 lang kami nun tapos sila Anarica at Kayla ay 3 years old.

The Secret DealWhere stories live. Discover now