GLAIZA
"Hindi pa ko gutom." Sagot ko kila Alyzza na kanina pa nangungulit na kumain na daw kami sa baba dahil dinner time na.
"Sure ka?" Tanong pa ni Danica at tumango lamang ako.
"Sige bahala ka dyan." Sambit ni Faith saka sila lumabas ng kwarto ngunit hindi pa man nasasarado ang pintuan ay sumilip mula dito si faith saka nakakalokong ngumiti. "May umaaligid nga pala kay Amos..bilisan mo baka maunahan ka hehehehehe." Saka nya isinara ang pinto.
Maunahan?ano meron?'
Hindi ko na lamang sya pinansin saka isinuot ang headset ko na naka-connect sa cellphone ko at nagpatutog..minsan talaga kapag mag-isa ako ay iniisip ng iba na wala akong kaibigan at isa akong lonely girl dahil wala talaga akong pake sa nangyayari sa paligid ko kapag ginugugol ko ang oras ko sa sarili ko.
Eh masarap din kayang sayangin ang oras ng mag-isa ka lang..i mean hindi ko naman ikakamatay o ikakapraning na wala akong kasama sa free time ko eh,maliban nalang siguro kapag kinikilig ako..syempre pakiramdam ko kasi ay sasabog ang puso ko kapag kinikilig ako ng sobra kaya kailangan na may mapagsabihan ako gaya nalang ni Airell o kaya sila Alyzza.
Pero kapag problema ang meron ako..minsan lang ako magsabi,mas madalas kong sinosolo..hindi ko naman kasi masyadong iniintindi yun maliban nalang kung big deal talaga at alam kong hindi ko mahahandle yung sitwasyon.
Lumipas ang ilang minuto..at hindi parin bumabalik sila Faith,paniguradong nag-chichismisan yung mga yun habang kumakain..at dahil halos kalahating oras na rin ang nasayang ko sa pakikinig lang sa music ay napagdesisyunan kong lumabas na muna.
Tahimik lamang ang hallway dahil halos lahat ay nasa dining pa at yung iba ay dumidiretso sa kung saan-saan..kapag natapos sila sa pagkain ay kung ano-ano nang ginagawa nila..pero may curfew dito..hanggang 9:30 lang daw pwedeng lumabas..eh alasyete palang naman.
Tumingin pa ako sa pinakadulong pinto kung nasaan ang kwarto nila dave..magmula kasi nung magpakita yung malaking tao ay lagi ng lutang si dave.
Pagbaba ko ay narinig ko pa ang ingay sa dining area na halos sampung dipa ang layo mula sa hagdanan..gusto ko sanang pumunta sa garden kaso lang madadaanan ko naman sila Faith..hindi naman sa ayoko silang kasama,sadyang gusto ko lang magsolo.
Dumiretso agad ako palabas ng mansyon at tumigil sa tapat ng fountain saka pinanood ang tubig na nagmumula dito.
"Hi."
Napalingon ako ng biglang may magsalita sa likuran ko..at nakita ko si Amos na nakatingin sakin habang nakangiti. "Hello." Tugon ko naman at binalik ang atensyon ko sa fountain.
"Hindi ka pa kumakain?"
"Hindi pa naman ako gutom."
"Hindi ka nalilipasan?"
"Hindi naman..tyaka mabagal magdigest ng pagkain ang katawan ko."
"Halata naman yun..payat ka eh."
Tumingin naman ako sa magkabilang braso ko at hinawakan ang flat kong tyan..hindi naman ako ganon kapayat ah.
"Bakit nga pala mag-isa ka dito?" Tanong nya nanaman at tumabi sakin saka tumingin ulit din a sa tuktok ng fountain.
"Trip ko lang..wala akong magawa sa kwarto eh."
"Ano nga ulit full name mo?"
"Glaiza Grish Gorsho."
"Wow..puro G pala."
Kasalanan ko bang yun yung binigay na pangalan sakin..'
"Tyaka ang unique nung Grish." Sambit nya pa kaya napalingon ako sa kanya at napakunot ng noo.
YOU ARE READING
The Secret Deal
Mystery / ThrillerA group of councilors asks the the minister's permission for a camping because they thought that being college is super frustrating and they wanted to experience a once in a lifetime event that they will treasure as a graduating students..but is it...