Chapter 14:(The Secret Deal)

6 2 0
                                    

JUSTINE

Ang aga kong nagising..pero gusto ko pang matulog..pero hindi ako inaantok..pero ayoko ring bumangon.

Puro nalang pero...hay buhay,saklap.

Alas-kwatro palang ng madaling araw ngayon kaya naman madilim ang kwarto at madilim din sa labas..parang gabi lang.Ang tanging liwanag lamang namin dito ay ang dalawang lampshade na nasa ibabaw ng drawer.

"Ano ba naman yan eh..dun ka nga." Rinig kong angal ni dave sabay pinalo ang paa kong nakapatong sa tyan nya saka bumalik ulit sa pagtulog.

Napangiwi na lamang ako.

Pinilit kong bumangon kahit alam kong labag ito sa kalooban ko..pero atlis nakabangon ako..pero pagkabangon ko naman ay nakatunganga lang din ako,nakatingin sa buong paligid kahit wala namang pagbabago.

Alam ko na...sabog lang ako..'

Ilang segundo pa akong nakaupo sa kama bago ako tumayo at dumiretso sa closet na napili kong paglagyan aking mga gamit.

Kinuha ko lang ang jacket kong itim dahil nilalamig ako at sinara na ulit ang closet...kumurap-kurap pa ako bago magtungo sa c.r dahil parang nanlalabo ang mga mata ko.

Agad akong nagtungo sa lababo at naghilamos..medyo nahimasmasan naman ako pagtapos nun.

Pinangpunas ko na lamang ang sleeve ng jacket ko dahil nasa closet ko pa yung tuwalya,nakalimutan ko..katamad kunin.

Nakipagtitigan ako sa repleksyon ko mula sa salamin matapos kong magpunas ng mukha..wala lang..ang gwapo ko lang.

Kaso lang nakasimangot ako,hindi ako ngumingiti..ewan ko ba,hindi ako makangiti..ayokong ngumiti eh.

Nang magsawa akong makipagtitigan sa salamin ay umihi lang ako saglit saka lumabas na ng banyo.

Medyo nagulat pa ako ng makitang nakabukas ang pintuan ng kwarto at may taong nakatayo sa harap nito..inaninag ko ito dahil madilim ang paligid at parang anino lang ang taong nakikita ko ngayon,pero nakaharap ito sakin. "Hello?sino ka?" Tanong ko dito.

Hindi sya sumagot pero sa isang iglap ay biglang bumukas ang mga ilaw sa kwarto kaya naman napapikit ako ng mariin dahil nasilaw ako...nang nakapag-adjust ang mata ko ay dumilat ako saka tumingin ulit sa pintuan..ngunit wala ng tao dun.

Nangunot ang noo ko..nilibot ko ang paningin sa kwarto at mas lalong nagkunot ang noo ko nang makitang walang tao sa kama..walang ibang tao maliban sakin.

Tiningnan ko ng mabuti ang paligid at kinuskos ng mabuti ang mga mata ko pero wala talagang tao.

Wtf?'

"Justine.."

Narinig ko ang boses mula sa pintuan at nagtaka ako nang makita ko si Airell..may tao rin mula sa likuran nito.

Tiningnan ko itong mabuti. "Ang aga pa ah?" Tanong ko dito. "Anong ginagawa mo sa kwart---

Natigilan ako nang bigla itong naglabas ng baril,mabilisan nya itong kinasa sabay itinutok sakin at sa isang iglap ay pumutok ito.

Nanlaki ang mata ko at tiningnan ang parte ng katawan ko kung saan nya tinutok ang baril..at nakita ko..ang dibdib ko ay nilalabasan ng dugo.

Hinawakan ko ito..at dumikit sa aking kamay ang pulang likido..dugo nga ito.

Narinig ko pa ang sunod-sunod na pagputok ng baril.

"Justine.."

Napatingin ako dito.

"Justine!"

Dahan dahang bumabagsak ang mata ko na para akong mapapapikit.

"Justine!!"

The Secret DealWhere stories live. Discover now