AIRELL
Nang makapasok ako sa kwarto ay namangha talaga ako..malinis ang buong kwarto at maliwanag rin.
Maliit itong tingnan pero kasya ang apat na tao dito dahil may dalawang double deck na nasa magkabilang dulo ng kwarto..meron pang isang chandelier sa gitnang bahagi,meron ding dalawang drawer na katabi ng double deck saka may isa pang pintuan na nasa gilid,sa tingin ko ay pinto ng banyo yun..at ang sarap titigan ng kulay ng kisame dahil katamtaman lamang ito.
Nakadepende kasi yung kwarto namin sa numerong nakatatak sa aming ticket Kaya hindi pwedeng mamili..nasa pinto kasi yung isa pang numero na kaparehas ng nasa ticket...VIP 3 ang nakalagay sakin at nasa tabi lang ng hagdanan itong kwarto nato kaya hindi ako natagalan sa pagahanap dahil Isang lingon ko lang sa kanan ay ayun na ang kwarto ko.
Ang saya ko sana kaso hindi naman sumama si shauntel..tsk,iniwan nya lang sa pintuan namin yung mga binili ko sa kanya tapos hindi ko na sya nakita.
Inilagay ko kaagad ang gamit ko sa ibabang bahagi nung double deck na malapit sa bintana at agad na humilata sa kama.
Ang lambot..'
Ngunit napapaupo ako ng biglang may lumabas sa pinto ng banyo..isang babae..medyo payat ang pangangatawan at maliit na babae lamang.
Nagkatinginan kami at tila ba nagtataka sa presensya ng isa't isa.
"Ikaw ba yan??" Biglang tanong nya habang nakaturo sa akin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nyang iyon..ngunit matapos kong tingnan ang kabuuan nya ay napagtanto kong pamilyar sya..pero hindi ko alam kung bakit.
"Hala hoyyyyy!!ikaw ngaaa!" Tumakbo sya papalapit sakin sabay niyakap ako..nang napakahigpit.
Aray ah..'
"Gage di kita nakilala kaagad!hahahhahaha sorry!" Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin saka tumingin sa mata ko..halata ang kasiyahan nya at ang pagiging galak na ewan. "Nasan sila Alyzza?!sila Glaiza?andito din ba sila?!"
Hindi ako nakasagot..nakatingin lamang ako at tinititigan lang sya.
Napansin nya atang naguguluhan ako kaya naman tinuro nya ang kanyang sarili at para bang tinatanong kung kilala ko sya..umiling ako hudyat na di ko alam kung sino sya.
Bumuntong hininga ito saka muling ngumiti.."Ako to dude!Frances!"
Frances???......
"Weh!?" Napatayo ako at tinititigan sya ulit..at dun ko lang napansin yung kwintas na suot nya...Yun yung niregalo namin nila Dave sa kanya.
"Grabe to! di man lang ako namukaan!Sama ng ugali mo!aray pain!" Nagdadamdam na sabi nya habang nakahawak sa kanyang dibdib sabay hampas sa akin.
Napatawa ako sa kanya...sya ang pinakamalapit kay Justine noon dahil sila ang unang nagkakilala nung highschool kami at halos parehas lang ang ugali nila..parehas bano.
Nakasama namin sya mula third year high school hanggang senior high...pero bigla syang kinuha ng Lola nya nung graduating na kami sa high school..sabi nila ay Isang taon lang daw si Frances don..pero lumipas ang halos tatlo o apat na taon ay di na sya bumalik,wala ring naka contact sa kanya dahil dun..tama ba calculation ko??kase magmula senior high pa sya kinuha tas ngayong fourth year college lang ulit kami nagkita..so mga ilang taon...bahala na nga so what wala namang may pake.
Puta kala ko pa naman patay na to!umiyak pa ko dati sa sobrang Pag aalala..'
"Miss na miss ka naming peste ka!" Hinampas ko rin ito saka yumakap sa kanya.."nagkalaman ka ata,anong pinapakain sayo ng Lola mo?hahahaha!"
YOU ARE READING
The Secret Deal
Mystery / ThrillerA group of councilors asks the the minister's permission for a camping because they thought that being college is super frustrating and they wanted to experience a once in a lifetime event that they will treasure as a graduating students..but is it...