GLAIZA
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang hindi madistract sa katabi kong babae..
Pano ba naman!kada hihinto yung bus ay magsusuka din sya!'
May hawak itong plastik at dun sya mismo sumusuka at ang mas malala pa ay malapit ng mangalahati yung plastik nya na puro suka ang laman..hindi naman sa nandidiri ako sa suka nya..nandidiri ako sa tunog na ginagawa nya pagsusuka sya!
Naiintindihan ko namang hindi sya sanay sa byahe..pero yung mapuno nya yung kalahati ng plastik dahil sa kakasuka..parang hindi naman normal yon!
Imagine that?!sa dami ng sinuka nya parang sinama nya na rin yung laman loob nya.
"Hepp!" Sabi ng driver at huminto nanaman ang bus.
Iniangat nya nanaman ang plastik at aambang susuka..tinakpan ko na kaagad ang tenga ko Pero narinig ko parin ang pagsusuka nya.
"Yak ano ba yan?!"
"Hindi mo ba mahinaan yang pagsusuka mo?!"
"Grabe kadiri!"
Samu't saring pagrereklamo ng ibang estudyante na malapit sa kinauupuan namin..napayuko na lamang ang babae at pinunasan ang kanyang bibig..inilagay nya ang plastik na puro suka nya sa isa pang plastik saka umupo ng tuwid at huminga ng malalim na tila ba pinipigilang magsuka.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya Pero wala naman akong magagawa..di ko naman pwedeng ipasok tong kamay ko sa lalamunan nya para pigilan sya sa pagsusuka.
Yak ano bang pinag iiisip ko..'
"Pasensya na ngayon lang kase ako nakasakay ng bus."
Bigla itong nagsalita pero sa bintana sya nakatingin..sinong kausap nya?
"Hindi kasi ako pinapayagang lumayo sa bahay..ngayon lang talaga."
Napatingin sya sakin sabay ngumiti.
"Kaya sorry talaga."
Ako ba kausap nya??
"Pipigilan ko nalang." Ngumiti syang muli kaya naman ngumiti nalang din ako kahit hindi ako sigurado sa kung sino ba ang kinakausap nya."Salamat sa pag-intindi,Glaiza."
Eh?'
"Kilala mo ko?" Tanong ko rito..hindi ko naman kasi sya kilala eh.
"Oo naman..isa kang student council tyaka anak ka ng professor namin..kaya naman sinong hindi makakakilala sayo?"
Ewan ko den..'
"Ahh ganun ba??h-hahaha sige sabagay." Pag sang-ayon ko nalang."By the way,anong pangalan mo?"
Ngumiti ito."Jia..ako si Jialyn Alfonzo." Sabay inilahad ang kanyang kamay at nagsalita ulit.."nice to meet you,Glaiza."
Inabot ko naman ito at nakipagkamayan sa kanya."Sayo din h-hehehe."
Nakakailang naman..'
Hindi kasi ako sanay na nakikipag-kamayan sa taong kakakilala ko palang..Ewan basta naiilang ako.
Matapos naming mag-shake hands ay namutawi kaagad ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at mas lalo akong nailang.
Bat ba 'ko naiilang piste!'
Ma-itsura naman si Jia..maiksi ang buhok nya na above shoulder gaya ng buhok ni Danica,medyo manipis din ang labi at sakto lamang ang katawan..hindi mataba at hindi rin payat..basta sakto lang.
YOU ARE READING
The Secret Deal
Mystery / ThrillerA group of councilors asks the the minister's permission for a camping because they thought that being college is super frustrating and they wanted to experience a once in a lifetime event that they will treasure as a graduating students..but is it...