Third person's point of view:
Bukod sa tunog ng nagbabanggaang kubyertos at plato ay maririnig din ang ingay na nagmumula sa mga estudyanteng kumakain sa dining area.
Ngayon ang kanilang hapunan at mag-aalas-otso na ng gabi.
"Ang lambot ng karne nila ngayon." Sambit ng lalaking naka-itim na jacket habang nginunguya ang pork steak na hinaluan nya ng kanin..si justine.
"Normal lang naman sa karne na maging malambot..ano ba gusto mo?matigas?" Sagot naman ng katapat nitong babae..si faith naman.
"Kung gusto ko ng matigas edi sana buto nalang kinain ko."
"Oh bakit di mo subukan..malay mo masarap."
"Lunukin nyo kaya muna yang mga kinakain nyo bago kayo magsalita." Saway ni Glaiza na katabi lang ni Faith.
"Ayoko nga..lulunukin ko lang to kapag nagawa nang lunukin ni danica pride nya." Ani ni Justine.
"Kahit mabulunan ka pa hindi ko malulunok pride ko..mas matibay to sa bunbunan mo." Tugon naman ni danica na walang tigil sa pagkain ng corn beef.
"Huy baka naman magwala yang tyan mo mamaya?andami mo nang nakakain." Puna ni glaiza sa kanya pero hindi sya pinansin nito at nagpatuloy lamang sa pagkain.
"Nga pala..nasaan na si Alyzza?kanina ko pa hindi nakikita pagmumuka nun guys..straight 5 hours guys..kapag nagsaktong alas-otso,mag-aanim na oras ko nang hindi nakikita at nararamdaman ang presensya ng babaeng yon..nakakalungkot,wala akong kasamang maghanap ng gwapo." Sambit ni faith sabay ininom ang strawberry juice nya. "Ano ba naman tong juice nila..malapot masyado..tapos may aftertaste pa..parang bakal."
"Hala.." sambit ni dave kaya natuon sa kanya ang atensyon. "Baka naman dugo yan ng tao!" Aniya sabay tumawa.
Ngumiwi naman ang mga kaibigan. "Nice joke dave..pwede ka ng tanggalan ng kilay."
"Pero back to the question..nasaan na si bano?" Patukoy ni Faith sa kaibigang kanina pa hindi nagpapakita.
"Baka kinuha lang ng kapre yon..atleast safe."
Lalo silang napangiwi sa sinagot ni Justine. "Ang korni mo..anong meron at bakit ang korni nyo ni dave ngayon?"
"So what danica?pake mo ha?jowa ba kita?bukas pa deadline ng pride mo diba?"
"Nagbreak kayo?"
"Oo..bukas ko na babalikan yang ugok na yan." Sagot ni danica sa tanong ni glaiza.
"Wow..ang solid naman talaga ng relasyon nyo...sana hindi ko maranasan." Sabi ni Faith.
"Pano mo mararanasan eh mga koreano lagi mong pinagnanasahan..pero diba,malay mo naman..na sa sobrang dami ng koreano sa mundo...bumbay pala para sayo!hahahahaha!" Tumatawang sambit ni Justine kaya naman nakatanggap sya ng sipa kay faith mula sa ilalim ng lamesa.
"Nasa harap kayo ng pagkain ang haharot nyo." Saway muli ni glaiza sa kanila kaya naman agad na namutawi ang katahimikan sa magkakaibigan.
Tahimik nilang ipinagpatuloy ang pagkain pero nananatili silang napapaligiran ng kung ano-anong ingay na nanggagaling sa ibang estudyanteng katabi lang nila na nagkakaron ng kanya kanyang usapan.
"Excuse me...nakita nyo ba yung kaibigan naming lalaki?pati rin yung kapatid nyang babae?kagabi pa kasi sila hinahanap eh." Napalingon sila Dave sa dalawang lalaki na nakatingin sa kanila. "Ito itsura nila oh..may tattoo yung lalaki sa braso tapos maiksi naman buhok nung babae." Pinakita ng isang lalaking nakasalamin ang picture mula sa kanyang cellphone.
YOU ARE READING
The Secret Deal
Mystery / ThrillerA group of councilors asks the the minister's permission for a camping because they thought that being college is super frustrating and they wanted to experience a once in a lifetime event that they will treasure as a graduating students..but is it...