Chapter 9:(The Secret Deal)

3 2 0
                                    

DAVE

"Sabing wag kang maingay!" Pabulong na sigaw sakin ni Justine habang nakadikit ang kanyang tenga sa pader.

"Ano ba kasi yan?!kanina pa kita tinatawag eh!"

"Wait lang kasi!shh!" Aniya naman at mas lalo pang idinikit ang kanyang tenga.."may naririnig kasi ako."

Nangunot naman ang noo ko.Wala naman na kasi kaming katabing kwarto..i mean,may kwarto kaming kwarto sa kanang pader namin pero si Justine naman kasi ay nakikinig sa kaliwang pader kung saan walang kwartong katabi. "Ano ba kasi yang naririnig mo?"

"Parang ano eh..."

"Parang?"

"Parang...paghinga?"

"Paghinga?"

"Oo..kumbaga parang humihinga ng malalim?"

Napangiwi naman ako..dalawang araw na ang nakaraan magmula nung birthday ni Frances at itong si Justine ay kung ano-ano nalang ang sinasabi..tapos binangungot pa kanina.

"Bumaba na tayo..kanina pa nagla-lunch yung mga estudyante sa baba oh." Sambit ko naman dito kaya napabuntong hininga nalang sya saka inilayo ang mukha nya sa pader saka tumingin sakin.

"Sila danica?nasaan?"

"Aba malay ko..baka tapos nang kumain."

"Eh si Airell?si Glaiza or si Alyzza?"

"Aba ewan ko sa mga yun!mukha ba kong hanapan ng mga nawawalang hayop?"

"Hoy ang sama ng ugali nito!" Tatawa-tawang aniya sabay suntok sa braso ko. "Tara na nga."

Paglabas namin ay may naabutan pa kaming iilang estudyante na bumabalik sa kani-kanilang kwarto.

"Ouch!" Napatigil ako sa paglalakad at ganun din si Justine nang may bumangga sa dibdib ko.

Napatingala ito at nangunot ang noo..tiningnan ko rin sya sabay tinaasan ng kilay.

"Hindi ka magsosorry?"

Eh?ako pa talaga?'

Humawak naman sya sa ulo nya sabay tinusok ang dibdib ko gamit ang hintuturo nya kaya agad kong hinawi iyon at tumingin ng masama sa kanya..tiningnan nya rin ako ng masama.

"Hindi ka talaga magsosorry?"

"Bakit ko naman gagawin yun?"

Napanganga naman sya at kunwaring natatawa-tawa pa saka tumingin sakin.Bigla nya naman akong kinwelyuhan at ambang susuntukin pero may pumigil sa kanya.

"Bitawan mo ko ano ba!" Angal nung babae pero hindi sya pinansin ni glaiza..bagkus ay humarap ito sakin at sinamaan ako ng tingin.

"Anong ginawa mo?" Tanong nya at tumingin naman ako sa kanya na tila ba hindi ako makapaniwala.

Ako pa talaga ang may ginawa?'

"Hoy kilay,sagot." Aniya pa.

"Wala akong ginagawa dyan..malay ko bang hindi yan nakatingin sa daanan kaya nabangga ako."

"Ikaw ang nangbangga!" Sabat naman nung babae at para bang gustong kumawala ang kamao nya mula sa kamay ni glaiza para masuntok ako.

"Ikaw." Sagot ko.

"Ikaw!"

"Ika-----

A-anak ng..'

Napatigil ako sa pagsasalita dahil sinadya ba namang bitawan ni glaiza yung kamay nung babae kaya nasuntok ako..kaya naman napaupo ako sa sahig habang hawak-hawak ang pisngi ko.

The Secret DealWhere stories live. Discover now