Chaper 15:(The Secret Deal)

10 1 0
                                    

DAVE

"Hindi ko na talaga kaya.." sambit ni justine habang naglalakad.

Nasa labas kami ngayon ng mansyon..trip ko kasing maglakad-lakad tapos etong si Justine naman sumama din,kase ayaw daw lumabas ni danica sa kwarto nila tapos badtrip pa yata sa kanya.

"Ayoko na talaga.." aniya pa kaya napatigil na ako sa paglalakad.

"Kung hindi mo na kaya edi magpahinga ka na." Sabi ko naman dito pero hindi sya tumigil sa paglalakad.

"Hindi naman kasi yun ang ibig kong sabihin."

Naglakad ulit ako at sumunod sa kanya."Ano ba kasi yon??kanina ka pa nagsasalita dyan para kang may sapi."

Medyo malayo na rin kami sa mansyon pero hindi naman kami maliligaw kasi natatandaan ko rin ang daan na to..ito yung daanan na nilakad namin noon para makapunta sa mansyon..nasa kanang daan kami at dire-diretso lang naman ang paglalakad namin..kaya didiretso lang din kami kapag pabalik na.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga si Justine. "Kanina ko pa hindi nakikita pagmumuka ni danica."

Napaawang naman ang labi ko. "Ang drama mo talaga."

"Hindi kase..pero seryoso..ang weird ng mga babae,alam mo ba yun?"

"Hindi ko alam..muka bang babae ako??pero oo den,wirdo nga mga babae."

Bumuntong hininga nanaman sya.

Laki naman ng problema neto,nakakadepress..'

"Pero kasi..kahit naman galit sakin yung hayop na babaeng yun..nakikipag-usap parin naman sya sakin...naninigaw nga lang." Aniya sabay yumuko habang naglalakad..sinisipa ang bawat dahon na nasa lapag. "Ang lakas pa naman topak non..kapag nagsosorry ako magagalit sya tapos bigla nalang akong tatawanan kapag nagiging seryoso ako masyado,tapos bigla nya akong mumurahin sabay yakap tapos babatukan ako..mahirap din kapag may pagka-alien ugali ng jowa mo..pero masaya naman."

Wow seryoso talaga sya na namimiss nya si danica kaagad..eh kagabi lang naman sila hindi nagkita pati ngayon.

Alas-kwatro na kasi ng hapon at buryong na buryong ako kanina pagkatapos kong kumain..naririndi pa ako kay justine kasi tinetext nya si danica kanina tyaka tinatawagan pa..tapos kapag hindi sumasagot,sinusubsob nya mukha nya sa mga unan.

Kung makaarte akala mo babaeng nireject ng crush eh.

"Nagiging sweet lang si danica kapag kaming dalawa lang." Aniya.

"Mas okay naman na yun kesa sa pumapatol sya sa mga banat mo noh..parehas kayong nagiging korni..tapos nagpaparinig pa kayo na magd-date kayo sa mcdo para lang mainggit kami..tss,bilhin ko pa buong mcdo eh."

"Oo bilhin mo buong mcdo para makalibre kami lagi."

"Ipapa-ban ko kayo dun."

"Edi ipa-ban mo..madami namang branch ng mcdo sa pilipinas eh."

"Talaga,hindi kayo makakakain sa---aray!"

Napangiwi ako nang bigla akong mapatid sa sanga at madapa sa ilalim ng puno.

Buti nalang walang tao..'

"Pft!HAHAHAHAHAHA!TANGA!" Dinig kong tawa pa ni Justine.

Ang laking tulong talaga ng lalaking to kahit kelan.

Bigla akong napatakip sa aking ilong nang maiangat ko ang aking paningin.

Ano yun?ambaho..'

Tumayo ako kaagad at pinagpag ang damit ko na nadungisan tyaka nadikitan ng iilang dahon na nasa lapag.

Lumingon ako kay justine at napakunot ako ng noo nang makita kong may kung anong tumutulo sa ulo nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Secret DealWhere stories live. Discover now