Chapter 5:(The Secret Deal)

9 2 1
                                    

ALYZZA

"Magbabanlaw na muna ako." Sabi ni Faith habang kinukuskos ang basa nyang buhok gamit ang kanyang kamay.

Ala-singko na kase ng hapon at malapit naring bumaba ang araw..halos apat na oras ata kaming nagbabad sa swimming pool..i mean ako at si danica lang pala..nauna kasi kaming dalawa na mag-swimming bago sumunod sila faith..pero maaga namang umahon si danica..kaya naman ako lang ang putlang putla ngayon.

"Iinom muna ako nung gin na tinimpla daw ni Dave..sabi ni airell masarap daw eh." Sambit naman ni glaiza matapos maka-ahon.

"Naka t-shirt ka tas di ka pa magbabanlaw??baka matuyuan ka dyan,magkasakit ka pa." Tugon naman ni Faith pero tinawanan lang sya ni Glaiza.

"Hindi yan!sige na shot muna ako!" Sambit nya naman saka dumiretso kila Airell na nag iinuman sa isang tabi.

"Ikaw??iinom ka den?" Tanong nito sakin.

"Maliligo na den ako..kita mo namang namumutla na balat ko eh." Sagot ko naman habang nakatingin sa mga braso ko.

"Sabay na tayo??parehas lang naman tayo ng kwarto tyaka iisa lang banyo." Aniya saka dumiretso papasok ng canteen.

Sumunod ako dito at sinalubong kami ng isang lalaki.

"Good afternoon ladies!Charlton Monteverde at your service!" Sambit ng isang lalaki sabay abot samin ng dalawang bathrobe.. "hope you had a goodtime!" Dagdag nya pa saka nagbow.

Sinuot agad namin ang bathrobe at nagtungo pababa sa mga kwarto.

Tahimik lamang ang hallway dahil halos lahat ng estudyante ay nasa canteen at kumakain..ang iba ay nagtatampisaw parin sa swimming pool,ang iba ay nag iinuman pa gaya nalang nila danica at iilan sa mga ito ay bumalik sa kanilang kwarto.

Maginaw den ang hallway na akala mo' y naka-aircon ang bawat sulok dito..sa pagkakaalam ko ay wala silang technology sa loob dahil wala man lang tv or electric fan or kahit na anong wire extension.

Nang marating namin ang dulo ng hallway ay pumihit kami pakaliwa at nadaanan pa namin yung babaeng nakaaway nila glaiza kanina..si ashanti.

Nakaupo ito at nakasandal sa pader sa tabi ng isang pinto habang nakayuko..siguro ay nalasing ito dahil pagtapos nyang magwalk out kanina ay bumalik din sya maya maya at nakipag inuman..naka ilang bote pa nga sya bago tumigil.

Hindi na namin sya pinagtuunan pa ng pansin at dumiretso na lamang kami sa kwarto.

Nang makapasok ay agad naming hinubad at inihagis sa lapag ang bathrobe saka dumiretso sa banyo..maliit lamang ang c.r pero may shower ito at isang bathtub na kasya para sa dalawa.

Binuksan ni Faith ang shower at hinubad ang natitira niyang saplot saka tumapak at umupo sa bathtub.

Gaya ng ginawa nya ay naghubad din ako hanggang sa wala ng matira at umupo rin sa bathtub katapat sya.

"Anong nangyari dyan sa leeg mo?" Biglang tanong nito habang nakaturo sa leeg ko.

"Ha?saan?" Balik-tanong ko naman.

"Eto oh." Aniya saka idinikit ang kanyang panuro sa kanang bahagi ng leeg ko.

Hinawakan ko naman ito at nagulat ng may makapa akong hiwa..isang hiwa na sing-haba ng daliri ko.

"Kelan ko nakuha 'to?" Nagtataka ring ani ko habang hinahaplos ang sugat.

Muka kasing hindi na bago ang sugat dahil hindi ito nagdudugo at hindi rin makirot o masakit.

"Aba malay ko,leeg ko ba yan?" Sambit nya naman habang sinasalo ang tubig na bumabagsak mula sa shower.

Nagkibit balikat na lamang ako saka tumabi sa kanya at sumabay sa pagsha-shower.

The Secret DealWhere stories live. Discover now