CHAPTER 30

2.7K 235 12
                                    

The hot summer months eventually drifted away, giving way to the cloudy days of June. It's the middle of the month already, and after all the insanity and bullshit that I went through, I'm really thankful that I was still able to go to school for my final year. Whenever I think about the events that happened to me in the past few months, I just end up thanking the heavens that things eventually sorted themselves out. I honestly couldn't be any happier.

Ngayon nga ay unang araw ng pasukan namin. I'm quite excited lalo pa't final year ko na. I can't wait to finish my studies and get a job para naman unti-unti ko nang maayos ang buhay ko. I'm not usually optimistic, pero kahit papaano ay looking forward naman ako sa mga mangyayari sa 'kin sa susunod na dalawang taon.

I have a class at nine o'clock kaya alas-sais pa lang ng umaga ay bumangon na ako para maligo at maghanda ng agahan at ng babaunin ko. Yes, nagbabaon pa rin ako kahit college na ako. Wala kayong ideya kung gaano kalaki ang natitipid ko dahil sa pagbabaon ko. Besides, hindi ko pwedeng palampasin ang sandamakmak na pagkain dito sa bahay ng kulot. I'm just being resourceful.

To my surprise, bandang alas-siyete ng umaga ay bumaba na rin si Skyler. This is quite surprising lalo pa't kung wala siyang lakad ay madalas na alas-otso na siya nagigising. Hindi ko na lang siya pinansin, like usual.

"First day mo sa school?" tanong niya sa 'kin habang nagkakape siya. Ako naman ay abala na sa mga piniprito ko.

"Yeah. I have a class at nine," sagot ko naman. "Ang aga mo yatang nagising? May lakad ka?"

"Nothing," Skyler replied.

Hindi na lang ako nagsalita pa. The two of us also ate breakfast together. Buti naman at nang matapos akong kumain ay sinabi niyang siya na lang ang maghuhugas ng pinagkainan namin. I went upstairs and into my room para magpalit na.

To  be honest, I could've gotten up a bit late if I wanted to, pero dahil ayaw kong nakikita as much as possible ang kulot, maaga na lang akong pumasok. Besides, marami naman akong pwedeng tambayan sa school namin. Ayoko lang talagang maglagi masyado rito sa bahay kapag nandito ang asungot na 'yan.

Laking gulat ko naman pagkababa ko nang makita ko si Skyler na nakaabang na sa 'kin sa pinto at may hawak na susi.

"Let's get to the car," sabi niya sa 'kin pagkababa ko.

I stared at him blankly. "What the hell are you doing? Akala ko ba wala kang lakad?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

Skyler looked back at me, his eyebrows furrowing slightly. "Uh, ihahatid ka? Akala ko ba may pasok ka?"

"At ang mga hugasin?" tanong ko.

"Babalik pa naman ako rito matapos kitang ihatid. Besides, there's the dishwasher," Skyler replied.

My frown deepened even further. "Pwede naman talaga akong mag-commute. Hindi mo naman kailangan na ihatid pa ako. Bumangon ka lang ba nang maaga para lang ihatid ako?" tanong ko.

Skyler sighed deeply. After glancing at his watch, he said, "Look, it's already fifteen minutes before eight. Who knows what kind of traffic is waiting for us out there? Kung ayaw mong umabot sa school mo on time, tumayo ka lang diyan at magreklamo."

He raised an eyebrow and cocked his head a little before heading outside. Nagpagulong na lang ako ng mga mata bago ko siya sinundan. Within moments ay nasa loob na kami ng kotse niya at nagda-drive na papunta sa school.

"Pareho pala kayo ng university na pinapasukan ni Kelly," sabi ni Skyler habang nasa daan na kami.

"I just recently found out, too. Hindi ko naman kasi madalas na i-mention," sagot ko naman habang nakatanaw sa labas ng bintana.

The Paintbrush DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon