The entire day went by without anything extraordinary happening. Alas-tres ng hapon nagtatapos ang last period namin. Kelly and Calix also visited us during our lunch break, at naipakilala ko na rin ang dalawa kay Adrian. Ngayon nga ay kasama namin sila habang nakatambay kami sa grounds.
Adrian and Calix are currently playing frisbee with some other students on the open grounds, kami naman nina Kelly at Zoe ay nakaupo lang sa damo at pinapanood sila.
"Kumusta naman pala kayo ni Sir Mico?" tanong ko kay Kelly.
"We're doing great. Hinatid nga niya rin ako kaninang umaga. Susunduin niya rin ako later," sagot niya.
"Have you ever considered living with him?" I asked.
His cheeks blushed. "Uh. . . Not really. It's way too early for us to do that. Ni hindi ko pa nga nakikilala ang parents niya. Besides, I'm still studying," sagot nito.
I smiled at him meaningfully. "Obvious naman na patay na patay siya sa 'yo, so I think doon lang din naman ang punta niyo," sabi ko.
Kelly looked away.
Business-related ang course ni Kelly. I asked him before kung 'yun ba talaga ang course na gusto niya. He answered yes without any second thoughts. Wala naman daw kinalaman ang negosyo ng parents ni Skyler sa naging choice niya. He just felt that his skills are suited for the course that he took that's why he pursued it. Nagkataon lang talaga na nasaktong may kumpanyang pag-aari ang mga umampon sa kanya.
"Ikaw, final year mo na rin. Ano ba ang plano mo after mong makapagtapos?" tanong sa 'kin ni Kelly.
"Kagaya ng parati kong sinasabi rito kay Zoe, maghahanap agad ako ng trabaho after I graduate. If I keep up my grades, magtatapos akong may Latin honors. Matalino naman ako at may skills, kaya tiwala akong pag-aagawan ako ng mga kumpanya. After that, I will start saving up to get rich. Once I earn enough money, I will leave this country and live somewhere else to get even richer," I said.
Tumawa naman si Zoe. "Gosh, memorized ko na ang litanyang 'yan."
Kelly smiled faintly. "Paano naman po ang puso niyo?" tanong niya.
I stared at him. "What do you mean?"
"Well, hindi ba mas masarap i-enjoy ang success kung may kasama ka? It sounds to me na mukhang plano mong mapag-isa after mong makapagtapos," sabi niya.
"Well, mayaman naman ang boyfriend ni Zoe. Dati na ring mayaman si Adrian. I'm sure they can visit me once in a while kung saang bansa man ako lumipat. You can also visit me. Alam ko naman na hindi ka na pakakawalan pa ni Sir Mico," sabi ko.
"Are you happy with that? Hindi ka naman namin pwedeng bisitahin araw-araw," sabi pa niya. "Aren't you going to open up your heart for love? It's a great thing to be in love. Everyone deserves it," said Kelly.
"Love isn't a necessity," I said quietly. "I can live without love, but I can never survive for a long time without food or water. I'm not saying that love is a bad thing. I just don't think that I need it."
Hindi na umimik pa ang dalawa. Buti na lang at bumalik na sina Adrian at Calix at nagkayayaan na kaming umuwi. Hapon na rin kasi. In fact, papasok pa sana ako sa trabaho ngayon kung hindi lang ako napilit ni Zoe na tumambay na lang muna.
"Nga pala, 'di ba sabi ni Skyler na susunduin ka niya ngayong hapon?" sabi bigla ni Adrian habang naglalakad kami papunta sa gate.
Agad namang pumitik ang kilay ko. "Wala akong matandaang may sinabi siyang ganyan," sabad ko naman.
"We heard him clearly, though," Zoe added.
Actually, buong araw na nasa isip ko ang sinabi kanina ng kulot. Subukan lang talaga niyang magpakita rito ng kahit isang hibla ng buhok niya at makakatikim siya sa 'kin ng isang sipa.
BINABASA MO ANG
The Paintbrush Deal
RomanceIndependent, no-nonsense, insolent-those are the words that best describe Elio Rivera. Living on his own has contributed to his toughened personality. Working as a waiter to support himself, he has learned to be tough and unyielding at such a young...