Sorry for the delayed update.
As you probably know already, dalawang beses na po kaming tinatamaan ng bagyo. Magmula noong birthday ko ay hindi pa kami pinapatahimik dito sa Bicol. Kagabi nga lang bumalik ang kuryente, kaso nagbabadya na naman kaming pabidahan ni Ulysses, kaya ewan ko na lang. Natatawa na lang ako sa dami ng mga bagyong dumaan sa 'min.
Sorry po for making you wait. Please understand our situation. Salamat po.
theashtone
●●●
Skyler's POV
Seriously, what the hell is wrong with that guy?
Hapon na at nakaharap pa rin ako sa sketch pad ko habang nakaupo sa may mesa sa backyard. Sinusubukan kong kumalma para makapag-isip nang matino pero pakiramdan ko ay kasing-asim na ng expression kanina ni Elio ang expression ko ngayon. Sa palibot ko ay nagkalat ang kumpol ng mga papel dahil wala akong maisip na matinong ideya magmula pa kanina.
I just can't understand why siya pa 'tong may ganang magalit kahit na nagtatanong lang naman ako at siya itong may atraso sa 'kin. I should be the one who's all stern and irate, not him. Unfortunately, ako pa 'tong pilit na iniintindi at pinagpapasensiyahan ang explosive niyang ugali.
I mean, couldn't he at least act apologetic about what he did? Parang kasalanan ko pa na siya ang nakasira sa painting ko. Willing naman akong pakawalan siya sa oras na makita kong nagsisisi na siya sa ginawa niya, pero sa inaasal niya ngayon ay mukhang matagal pa 'yun bago mangyari. I want to forgive him, but he makes it so difficult.
Hindi na tuloy ako nakapag-isip pa dahil tila pati ako ay nahawa na sa pagka-irita niya.
Bigla na lang na may humablot sa sketch pad na hawak ko. Kasabay noon ay lumapag sa mesa ang isang pitsel ng iced tea at dalawang plato ng lasagna.
"Obvious naman po na wala kayo sa mood. Rest. Nagsasayang lang po kayo ng papel," sabi ni Kelly habang pinupulot ang mga kumpol ng papel sa palibot namin.
"I'm not in a bad mood," I said.
"Oh really? Hindi po halata," sagot niya.
I didn't reply.
"Si Elio po ba ang rason kung bakit ganyan kayo?" asked Kelly.
I frowned. "No."
He just chuckled. "Okay. Kagaya rin po ng sinabi ko sa inyo noon, intindihin niyo na lang po ang tao. Kumpara sa inyo, mas mabigat at mahirap ang pinagdaraanan niya ngayon. The fact that he's supporting himself all on his own makes me really pity him. Kawawa nga po ang tao."
"That's the problem with you," I said with a sigh. "You're too kind."
"At nakita niyo po ba na inaway ako ni Elio?" sagot niya. "Mabait po siya sa 'kin, sir. Hindi mo naman po kailangan na maging mabait sa kanya para maging mabait din siya sa 'yo. You just have to understand his situation."
I just raised my hands and accepted defeat. "Okay. Sinusubukan ko namang intindihin siya. Nag-sorry naman na ako kagabi. Sinusubukan ko namang maging mabait sa kanya. I'm trying. I'm trying really hard."
BINABASA MO ANG
The Paintbrush Deal
RomansaIndependent, no-nonsense, insolent-those are the words that best describe Elio Rivera. Living on his own has contributed to his toughened personality. Working as a waiter to support himself, he has learned to be tough and unyielding at such a young...