Dahil na rin sa mga sinabi sa ‘kin nina Miles at Kelly, pumayag na rin akong makausap ang nanay ko. Also, my first proper encounter with Miles was really strange. I don’t know why. Siguro kasi hindi ko naman in-expect na sa lahat ng mga bagay na pwede naming mapag-usapan sa una naming pagkikita, pamilya ko pa talaga ang naging topic namin. It really is a small world. Who would’ve thought na makakatrabaho niya ang nanay ko, at makikituloy ako sa malapit niyang kaibigan?
Let me just say that Miles is really nice. Despite my initial intimidation with him, he really made sure na naging komportable ako sa kanya. Hiyang-hiya ang kadugyutan at sama ng ugali ko sa ayos at kabaitan niya. He’s just like Kelly. . . without any hidden naughtiness. Seriously, pakiramdam ko na-purify ang kaluluwa ko sa pakikipag-usap lang sa kanya.
Despite his seemingly warm and kind attitude, he seems to be hiding some sort of pain inside him. Of course, nagtanong na rin ako kay Kelly. It seems na nagkaroon din ng problema sa pamilya niya si Miles noon. ‘Yun siguro ang rason kung bakit tila malapit ang loob namin sa isa’t-isa kahit na isang beses pa lang kaming nagkakausap.
Talking with Miles made me realize that I was being a little unfair with my mother. Yes, she left on a whim. Yes, she’s the reason why I suffered and lived a shitty life. However, hindi ko rin alam kung ano ang nangyari noong umalis siya. Kung talagang wala siyang pakialam sa ‘kin, why would she go back here in the country just to find me?
Still, I stand by my belief na hindi mapapantayan ng kahit anong paghihirap niya ang naging pagdurusa ko noong umalis siya. I will never get tired of rubbing that fact to her face.
Pinili ko na lang na dito sa condo ni Kelly kausapin ang nanay ko. Kung sa labas pa kami mag-uusap, baka mag-eskandalo lang ako kung hindi ko magustuhan ang rason niya. Apparently, nag-iwan ng calling card at credit card niya ang nanay ko. Whatever happens after our talk, ibabalik ko sa kanya ang card niya.
“There’s no need to be so tensed. Relax. She’s just your mother. You look like you’re going to fight someone,” Kelly told me as we set the table. Parating na ang nanay ko at katatapos lang naming magluto ng pananghalian.
“Sorry,” I said before sighing. “I’m just trying to calm myself. Ayoko lang na sumabog na naman kung makaharap ko siya.”
“Like I said, just listen to her,” Kelly replied. “You don’t have to do anything else. Alam naman na ni Tita Eva ang rason kung bakit natin siya pinapunta rito ngayon. She’ll tell you the truth, Elio, so all you have to do is listen.”
I nodded. Para naman ma-distract ang isip ko, bumaling na lang ako sa ibang topic. “Ilang araw nang hindi bumibisita rito si Sir Mico. Is he busy? Hindi na rin siya madalas na dumaan doon sa branch kung saan ako nagtatrabaho,” sabi ko.
Natigilan si Kelly. “Well, he’s quite busy as of the moment lalo’t inaasikaso niya ang pagbubukas ng isang bagong branch ng restaurant niya,” sagot niya.
Sir Mico regularly visits Kelly here in his condo. Halos kabisado ko na nga ang schedule ng pagpunta niya rito. It’s just a little weird not to see him here that often.
I just tapped Kelly’s shoulder before looking at him in the eyes. “You’re always helping other people, so it wouldn’t hurt kung ikaw naman ang humingi ng tulong. Ikaw na nga ang nagsabi na hindi tayo nag-iisa. I may have a lot on my plate right now, but I can always lend you a hand if you need help. We’re friends after all.”
Kelly smiled at me sweetly. “Thanks. I really appreciate that, Elio. Don’t worry. We’re sorting out things on our own for now, but if I ever need any help, I’ll be sure to ask you.”
Well, looks like they’re having their first LQ, I thought as I turned my attention back to what I was doing.
Hindi nagtagal ay tumunog na ang door bell. Si Kelly na lang ang sumalubong sa nanay ko. Pagkapasok pa lang niya ay agad kong nakita ang sandamakmak na mga dala niyang nasa mga paper bag. Kelly immediately brought her to the kitchen where I was waiting.
“Kain po muna tayo lalo’t tanghali na. Mahirap pong mag-usap nang gutom. We already prepared our lunch po, so let’s eat,” sabi sa kanya ni Kelly.
I tried my best to maintain my flat expression as my mother sat in front of me.
“Nagdala rin pala ako ng pagkain,” sabi niya. “We could’ve just eaten outside. Hindi niyo naman kailangang mag-abala pa.”
“I wanted to talk to you privately para naman makabuwelo ako ng galit kung hindi ko magustuhan ang sasabihin mo,” sabad ko naman bago ako nagsimulang kumain.
Kelly smiled awkwardly. “Sanay naman po kaming magluto. Besides, mas masarap po ang lutong-bahay. Malakas po kaming kumain, so we mostly cook our own food para makabuwelo kami,” sabi niya.
“I see. Hindi ko naman alam ang mga paborito niyo kaya medyo marami rin itong mga dinala ko,” sagot ni mama.
“Salamat po,” sabi naman ni Kelly. “By the way, congratulations po sa success ng event niyo. Nabalitaan ko po. Pasensya na po’t hindi ako nakapunta. Medyo busy po kasi kami sa internship namin.”
“It’s okay. May mga tinatapos pa si Miles na ilang photoshoots dito. Babalik na ang team namin sa Amerika bago matapos ang buwan na ‘to,” sabi ng nanay ko.
I sighed deeply. “Aalis ka lang din naman pala. Why did you even bother talking to me? Pwede ka namang magpunta rito nang hindi sa ‘kin nagpapakita. Inabala mo pa ako. I was living peacefully before you suddenly came back,” I said, waving my fork.
My mother smiled at me patiently. “Magpapaiwan kami ni Miles dito sa bansa. As of now, tapos na ang mga obligasyon ni Miles sa clothing line namin. Nagpaalam naman ako sa mga boss ko na may mga aayusin pa ako rito.”
Hindi na lang ako sumagot.
Sina Kelly at ang nanay ko lang ang nag-usap habang kumakain kami. Pinili ko na lang na manahimik dahil ayaw ko namang makabastos sa pagkain. When we finally finished eating, si Kelly na lang ang naghugas ng mga pinagkainan namin. I tried to help him, pero pinagtulakan niya ako papunta sa sala kung nasaan ang nanay ko.
“May mga dala ako ritong damit para sa ‘yo,” bungad sa ‘kin ni mama nang pumasok ako sa living area. “Nag-aaral ka pa, ‘di ba? I also bought you a laptop and a new phone. Hindi mo man lang ginamit ang credit card na iniwan ko rito.”
“Oh, this?” I said, showing her the card. “Palagay mo ba masisilaw mo ako ng pera mo? Ganyan na ba kababaw ang tingin mo sa ‘kin? I may be living a deprived life, but I’m not a cheap person who’ll easily fall to such materialistic things.”
I threw the card at the coffee table.
“Hindi naman ‘yan ang gusto kong palabasin,” sagot ni mama. “It must’ve been really hard for you to live all by yourself. I just wanted to make you happy. Gusto ko lang talagang bumawi sa ‘yo. After all, you’re the reason why I worked so hard in the US. You’re the reason why I kept fighting despite being all alone.”
Naupo naman ako sa sofa. “Napakarami kong gustong sabihin sa ‘yo, pero mapapagod lang ako at magsasayang ng laway kung maglilitanya pa ako rito. Let’s hear what you have to say. Don’t beat around the bush. Palalayasin kita kung hindi ko magustuhan ang rason mo.”
My mother looked at me intently. “First and foremost, I really want to apologize to you. Hindi ko gustong iwan ka. I should’ve told you about my plan. Kasalanan ko kung bakit ka napag-isa. Kasalanan ko kung bakit mo dinanas ang lahat ng hirap na napagdaanan mo,” sabi niya.
I sighed. “Buti naman at malinaw ‘yan. It’s all your fault, so don’t you dare blame me for my misfortune. Itatak mo ‘yan sa isip mo hanggang nabubuhay ka pa,” sagot ko naman.
“I was working so hard back then dahil nag-iipon din ako. Tinulungan ako ng isa kong kaibigan na mag-asikaso ng mga papeles para sa pag-alis ko. She also helped me to find a job in the US. Natulungan niya akong makapasok doon sa clothing line kung saan ako nagtatrabaho ngayon,” panimula ni mama.
“I wanted to bring you with me, kaso natatakot ako sa kung ano ang mangyayari kung isasama kita. Kung may mangyaring masama sa ‘kin, madadamay ka lang. You were safer here. Kahit pabaya ang tatay mo, alam kong hindi ka niya iiwan. It was risky to bring you with me. Pinangako ko na lang sa sarili ko na sa oras na makapag-ipon na ako ng pera, babalikan kita rito para isama sa Amerika.”
“Sapat na ba ‘yang rason para umalis ka nang wala man lang pasabi?” sabad ko naman. “You could’ve just told me that before you left. Maiintindihan ko naman kung sinabi mo sa ‘king kailangan mong umalis para mabigyan ako ng magandang buhay. Ano ba sa palagay mo ang naramdaman ko noong magising ako tapos wala ka na sa bahay? Pinagmukha niyo akong tanga.”
“I’m sorry,” my mom replied.
“Then? What happened?” tanong ko pa. “Why are you so fluent in English now? Ang dami mo pang pera. Ano ba ang pinaggagagawa mo sa Amerika?”
“I worked hard. Nagsimula ako sa pinakababa. Ikaw lang ang inisip ko kaya nagsipag ako sa trabaho. Swerte ko lang talaga at nakita ng mga boss ko ang dedikasyon ko. Unti-unti akong nakaangat, at ngayon nga, general manager na ako ng mga shop nila sa Amerika.”
“Nang mabalitaan kong balak nilang magbukas ng shop dito sa Pilipinas, naisip ko na baka senyales na ito para balikan kita. Una kong hinanap ang dati nating bahay, kaso wala na kayo roon. Buti na lang at natulungan ako ng mga dati nating kapitbahay para mahanap ang tirahan ng tatay mo,” dagdag pa niya.
I smirked. “Oo nga pala. You were with that man when you first came here. Did you two talk it out? Pinatawad mo na ba ang walang kwentang lalaki na walang ibang ginawa kung hindi abusuhin ka?”
“No,” my mother replied, her expression darkening. “Kahit kailan hindi ko makalilimutan ang mga ginawa niya sa ‘tin. Gusto ko rin sanang magalit sa kanya noong nakita ko siya, pero naisip ko na wala na akong pakialam sa kanya. I just don’t care about him anymore. Kahit kailan hindi na siya magiging parte pa ng buhay ko.”
Well, would you look at that? We share the sentiment towards that bastard. Nanay ko nga talaga ang kausap ko.
“I’m quite happy to see that he’s changed. Nagkausap na rin kami ng kinakasama niya. I haven’t really forgiven him, pero nag-usap na kami ng papa mo nang masinsinan. He apologized to me. Mukhang pareho tayo ng ginawa sa kanya. Sinabi niya rin kasi sa ‘kin ang naging pag-uusap niyo,” dagdag pa niya sabay ngiti sa ‘kin nang marahan.
I sighed. “What’s your plan now?”
“Gusto kitang isama sa pagbalik ko sa Amerika,” sagot ni mama. “Hihintayin ko lang na makapagtapos ka. Inaasikaso ko na rin ang permanent residency ko roon. We can both apply together. We can live there instead. You don’t even have to work right away. I can file a leave, and then we’ll travel wherever you want. I want to catch up with you. I want to be a mother to you, Elio.”
I raised my hands. “Relax. Hold your horses. Palagay mo ba sasama na agad ako sa ‘yo dahil naayos mo na ang lahat ng gusot mo? Ang dami na ng nangyari sa buhay ko recently. I want to slow down first. Moving to a different country isn’t really my idea of slowing down,” I said.
“Naiintindihan ko. Alam ko na mahirap pa rin sa ‘yo na patawarin ako. I’m really, really sorry for my shortcomings. It’s my fault why you suffered and lived such a deprived life. Hindi dapat kita iniwan. Sana maisip mo na ang lahat ng ginawa ko ay para sa ‘yo. Gusto kong makabawi sa ‘yo. Gusto kong ibigay sa ‘yo ang buhay na pinangarap kong iparanas sa ‘yo. Maiintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad sa ngayon, pero sana tanggapin mo ako ulit sa buhay mo. ‘Yun lang ang hihilingin ko sa ‘yo ngayon, anak ko.”
Huminga na lang ako nang malalim bago ako sumubsob sa mga kamay ko. “Jeez. Stop crying. I don’t really have time to be emotional right now. For the record, pareho lang ang tingin ko sa inyo ng dati mong asawa. Don’t even think na magkakasundo tayo dahil pareho tayong wala nang pakialam sa lalaking ‘yun,” sagot ko.
“Kung mas maaga kang bumalik, baka pinagtulakan lang kita palayo. Almost a year ago, I was filled with spite and hatred. Galit ako sa lahat ng tao. Galit ako sa buong mundo. . . That was a year ago.”
“In the past few months, nakakilala ako ng mga taong walang ibang pinakita sa ‘kin kung hindi kabaitan. They made me realize that there’s so much more to this world than hatred and anger. Pinakita nila sa ‘kin na mas masayang mabuhay nang walang dinadalang sama ng loob at hinanakit sa ibang tao. This is really cheesy, but they somehow softened my heart. Despite my brash attitude, they still loved and cared for me. How can I hate the people who did nothing but make me feel accepted and loved for who I am?”
“Above all, you’re still my mother. It’s an annoyingly undeniable truth that will never change no matter how I hate you. Naiinis nga ako sa sarili ko dahil nararamdaman ko na naman ang naramdaman ko noong nakita ko ang dati mong asawa. I just don’t care anymore about the things that you’ve done in the past. Yes, I will never forget them, but I’ll gain nothing if I’ll let my own past drag me back. I’ve lived in hatred and anger for so many years, and I didn’t realize that I felt so stuck because I kept on holding on to my past.”
I finally looked at my mother. “Don’t thank me for this. Thank my friends. Kung hindi dahil sa kanila, hindi sana lalambot ang puso ko para tanggapin ka ulit. They’re the reason why I’m like this now, so be grateful to them.”
My mom’s face brightened up in an instant. “Does that mean. . .”
I stood up before looking away and opening my arms a little. Dali-dali namang sumugod sa ‘kin ang nanay ko bago niya ako niyakap nang ubod-higpit. She suddenly started crying, her hands squeezing my back as she wept on my shoulder. I also wrapped my arms around her. A strange, familiar warmth seemed to creep up my arms and engulf my body, a warmth that I haven’t felt in a long, long time.
“You come here, too,” my mom said, and a moment later, kasama na rin namin si Kelly. “Thank you for helping my son,” she told him.
“Wala pong anuman,” sagot ni Kelly. He looked a little embarrassed but quite pleased. Bumaling naman siya sa ‘kin bago siya ngumiti. “I really like your mom,” he whispered.
I rolled my eyes.
“You’re just too kind.”
BINABASA MO ANG
The Paintbrush Deal
RomanceIndependent, no-nonsense, insolent-those are the words that best describe Elio Rivera. Living on his own has contributed to his toughened personality. Working as a waiter to support himself, he has learned to be tough and unyielding at such a young...