CHAPTER 35

2.3K 208 4
                                    

Skyler's POV

Medyo natagalan ako sa pamimili ng grocery. Sa bawat pagpulot ko kasi ng kahit anong produkto, sermon ni Elio ang unang pumapasok sa isip ko. I ended up inspecting every square inch of every single thing that I bought. It's already getting dark when I finally entered our subdivision.

Papalapit pa lang ako sa bahay ay napansin ko na agad na may mga bisita kami. I immediately recognized the cars of my sisters. Sa labas na nga rin ako nag-park dahil nakita ko rin ang kotse nina mama at papa sa garahe.

Si Elio ang unang pumasok sa isip ko kaya patakbo akong pumasok sa bahay. Unang bumungad sa 'kin sa sala si papa kasama ang mga asawa ng mga kapatid ko at mga anak nila.

"Where are the others?" tanong ko kay papa matapos kong magmano sa kanya.

"They're in the kitchen, preparing our dinner," my father replied.

Pagkapasok ko sa kusina ay una kong nakita si Elio na nakatayo sa may stove habang hawak ang isang sandok. Nakatayo lang siya na parang estatwa habang pinagpapawisan nang malamig. Judging from the expression on his face, mukhang matinding trauma ang dinanas niya sa nakalipas na mga minuto.

Nandoon din sina mama at ang dalawa ko pang kapatid. Tuwing may family dinner kasi kami na hindi ginagawa sa isang restaurant, parating sila ang nagluluto ng pagkain namin. Everyone requests their favorite dishes, kaya silang mas nakaaalam ang nagluluto.

"There you are, Skyler," sabi bigla ni mama. Agad naman akong nagmano sa kanya. "I'm sorry if we didn't tell you that we're coming tonight. Medyo matagal na rin kasi tayong hindi nakakapag-dinner dito sa bahay mo."

Scratching the back of my head wearily, I said, "To be honest, sanay na po ako. You guys always do this. Still, you should've informed me para naman nakapaghanda ako. Where's Kelly?"

"Apparently, kasama niya ngayon si Mico," Ate Hannah replied. "Ayaw naman namin silang gambalain kaya hindi na namin inabala pa si Kelly."

"By the way, is it true that you always make Elio do everything here in your house? Malaki ka na, Skyler. You shouldn't rely too much on him. I think this is the first time that we didn't have to clean your house first upon arriving," mom said, frowning at me deeply.

I sighed. "Tumutulong naman po ako. Pumunta lang po ba kayo rito para sermunan ako?" sabi ko.

Ate Hildy approached me and took the bags of groceries I was carrying. "I'll just organize these in the pantry. Samahan mo na muna si Elio. We've been trying to talk to him, but he's really intimidated by our presence. I think we're scaring him," she whispered.

Well, totoo nga ang sinabi niya. Halos hindi ko maramdaman ang presence ni Elio dahil kulang na lang ay sumuksok siya sa isang cabinet. Apart from Ate Hannah, ngayon pa lang niya nakikilala ang ibang miyembro ng pamilya namin. It must've been really awkward for him, considering the circumstances why he's living here in my house.

"Hey, are you okay? Kanina ka pa walang imik diyan. Baka masunog 'yan na niluluto mo," sabi ko kay Elio matapos kong tumabi sa kanya.

"Bakit wala ka man lang pasabi na parating pala ang pamilya mo ngayon?" irita niyang bulong sa 'kin. "Ilang taon na ang nawala sa buhay ko dahil sa kaba."

I chuckled. "Sorry about that. Hindi ko rin alam na parating sila ngayon. Kelly usually informs me kapag may family dinner dito sa bahay ko, pero kasama niya yata ngayon si Mico. Pareho lang tayong nagulat."

Elio rolled his eyes. "Don't you even dare compare your shock with mine. Iba ang intensity ng pagkagulat ko," singhal niya sa 'kin.

"Sorry," I said before peeking at his pot. "You're cooking kare-kare? That's surprising. Si mama ang usually na nagluluto niyan. She doesn't even allow my sisters to touch the pot."

The Paintbrush DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon