CHAPTER 02

5.6K 351 24
                                    

Please consider reading The Antagonist by Cxhase! Salamat po for waiting. 😊

theashtone

●●●

"I guess that would be all, everyone," sabi ni Ms. Laina. "Kami na po ang bahala sa lahat ng mga kailangan niyo para sa art exhibit. You don't have to worry anymore. Also, thank you very much once again for choosing our restaurant."

Ngumiti naman ang kasama kong si Ms. De Vera. "Thank you for accommodating us. We'll be going now."

Nakipagkamay naman sa 'ming lahat si Ms. Laina. We headed out of the restaurant right away lalo pa't late na rin at kailangan ko nang magpahinga. Habang naglalakad kami palabas ay kinausap naman ako ni Kelly.

"The food was great, sir," he said. "I told you that this restaurant is good. Hindi niyo naman po kailangan na parating humingi ng tulong kay Mico sa tuwing may event kayo."

I smiled a bit. "Nahihiya ka pa rin ba sa kanya?"

Kelly blushed. "No, sir. Maganda rin po kasi na may variety ang mga kinukuha niyong services. Besides, parati niyo nang kinukuha ang restaurant niya sa tuwing may event kayo. Kaibigan niyo siya pero hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan niyong magsama."

I raised my hands. "Kalma. Masyado ka nang defensive. Napaghahalata ka."

"No, I'm not, sir!" Kelly replied indignantly. "Also, stop teasing me. Mico's just a friend."

I smirked. "Okay. Sinabi mo."

Kelly is my personal assistant. He's been working for me ever since I became big in the world of painting. Well, he's actually kind of my younger adopted brother. Ulila na kasi si Kelly. His parents worked for my parents for a long time, at nang mawala ang parents niya ay kami na ang nag-asikaso sa kanya. Ayaw naman niyang tumanggap ng pera direkta mula sa amin kaya pumayag siyang maging PA ko. He's even living on his own. Nag-aaral pa rin naman siya. Pera para sa school expenses lang niya ang talagang tinatanggap niya mula sa 'min.

"I have to go now, Mr. Perez and Mr. Alba," paalam sa 'min ni Ms. De Vera pagkarating namin sa parking lot. "May mga aasikasuhin pa po ako bukas para sa exhibit niyo."

Siya rin kasi ang organizer ng art exhibit, kaya siya ang nag-aasikaso ng lahat ng mga kailangan ko. Kelly and I have been working with her for several months now.

"Thank you so much for your help, Ms. De Vera. Please rest well," sabi ko sa kanya. Kelly bowed at her bago siya dumiretso sa kotse niya.

"Uuwi na rin po ako, sir. Late na," paalam ni Kelly pagkaalis ni Ms. De Vera. "Take care po. Ingat sa daan. Good night."

"Ihahatid na kita," sabi ko naman.

"Sir, late na po. Magta-taxi na lang ako. Besides, malapit lang naman po rito ang condo ko. Umuwi na po kayo at magpahinga. Kaninang umaga pa tayo paikot-ikot dito sa city," sabi niya.

"Samahan na lang kita hanggang sa makasakay ka na," sagot ko naman.

Kelly raised his hands. "Okay, fine."

Habang naghihintay kami ng taxi ay nasakto naman na nagsilabasan ang mga crew ng restaurant. I looked behind me and saw the guy from earlier heading out with a girl. Napataas na lang ako ng kilay dahil sa kaibahan ng aura niya ngayon kumpara kanina. Earlier, he was all smiles and sunshines and rainbows. Ngayon, seryoso na ang expression niya at matalim din kung gumalaw ang mga mata niya.

The guy has a wild bunch of brownish hair that extends down to his forehead as a fringe. His body was quite petite, just like his face which was overshadowed by his overpowering aura of toughness. His sharp, gray-colored eyes also added to his dominating demeanor. Hindi akma sa size niya ang higanteng aura niya. Parang ibang tao na kasi ngayon ang nakikita ko.

The Paintbrush DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon