CHAPTER 13

2.9K 249 20
                                    

"Good job, Elio! Ikaw na naman ang top performer sa klase niyo ngayong grading period," sabi sa 'kin ng teacher namin. Pinamimigay kasi ngayon ang mga report card dahil katatapos lang ng grading period at kailangang ipakita namin 'yun sa mga magulang namin para pirmahan nila. Unang taon ko ngayon sa high school.

"Salamat po, Ma'am Emma," sabi ko naman habang nakangiti nang bahagya.

Tinitigan niya ako nang ilang segundo. "Kumusta na ba ang mga magulang mo?" tanong niya.

Huminga na lang ako nang malalim. "Kagaya rin po ng dati," sagot ko.

Pinadaanan ni Ma'am Emma ang uniform ko na gusot-gusot at may mga tagpi at sulsi pa nga sa ibang mga parte. Agad ko namang inayos ang buhok kong hindi pa nasusuklay nang maayos at halos tumakip na sa mga mata ko. Hinawakan naman niya ako sa balikat bago siya ngumiti nang marahan.

"Ikaw, kumusta ka na? Inaalagaan ka ba ng mga magulang mo? Matatapos na ang school year pero ni hindi pa kita nakikitang nagsuot ng maayos na uniform. Ayos lang ba kayo sa bahay niyo?" tanong ni Ma'am Emma.

Agad na gumuhit sa mukha ko ang isang malapad na ngiti. "Ayos lang po ako. Kagaya pa rin po ng dati," sagot ko.

Yumuko ako sa kanya bago ako tumalikod at lumabas ng faculty room. Hapon na at tapos na rin ang klase. As usual, mag-isa akong umuuwi dahil wala naman akong kasama o kaibigan man lang dito sa school.

As I've said before, I had a pretty shitty childhood and adolescence. My father was an abusive, useless drunkard. Samantalang ang tatay ko ay nagpapakasasa sa alak, nanay ko naman ang mamatay-matay sa pagbuhay sa 'min. Even she was only able to do so much. Nabuntis nang maaga si mama. Pareho silang hindi nakapagtagpos ni papa. Bisyoso ang huli, matiisin naman ang una. The perfect formula for a toxic, dysfunctional family. Bata pa lang ako ay namulat na ako sa katotohanan na ipinanganak ako sa isang walang kwentang pamilya.

The Paintbrush DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon